Chapter 110

416 18 0
                                    

Bryce's POV

Kanina pa akong gising ng madaling araw dahil pupuntahan ko mamaya si Marcus sa may park namin ng 3pm at saka ko siya dadalhin mamaya kila Veda para magkita na sila at para na rin makapag-usap silang dalawa.

Hindi na lang muna akong pumasok ngayon sa work ko at saka okay lang naman kahit hindi ako pumasok ngayon dahil kami din naman ang may-ari ng kompanya namin kung hindi niyo nalalaman ay may sarili kaming company hehe. At pinasabi ko na lang sa secretary ko na hindi ako makakapasok ngayon at kapag may meeting naman ay bukas na lang mag-meeting dahil nagdahilan ako na may importante lang akong pupuntahan at gagawin.

Matagal ko namang tanggap na kaibigan lang ang tingin sakin ni Veda dahil si Marcus na talaga ang mahal niya kahit na nasapak pa siya noon at umiyak siya.

d>>__<<b

Para naman kasing tanga din 'tong Marcus na 'to eh bigla na lang nanapak ng babae pero nung nalaman niya yung binully niya noon na sobrang ganda pala bigla na lang na-inlove tapos napapansin ko na nagiging marupok pa siya. Tsk!

Nung alas-tres na ng hapon ay saka na ako pumunta ng park kaso wala pa siya kaya nag-antay na muna ako ng ilang saglit.

Bigla ko naman naalala na hindi ko nga pala nahingi yung number niya dahil sa pagmamadali ko!

d>>__<<b

'Ang tanga mo Bryce!'

Paano mo matatawagan si Marcus kung wala kang phone number niya?!

Napapikit na lang ako ng mata at muli din akong napamulat saka napasabunot sa buhok ko at akmang aalis na lang sana ako at pupuntahan ko na muna si Veda ng bigla kong marinig ang boses ni Marcus kaya agad napalingon ako sa kanya.

"Nagdadalawang isip ako kagabi kung magpapakita na ba ako sa kanya o hindi dahil hindi pa naman talaga akong handa na harapin siya pero...tama ka, dahil naaawa din ako sa kanya at saka gusto ko na rin siyang makita"Seryosong sabi ni Marcus at nagulat naman ako ng bigla siyang napangiti kaya napangiti na lang din ako.

"Salamat Marcus dahil naiintindihan mo rin ako..."Nakangiting sabi ko naman sa kanya. "Tatawagan ko si Veda na pumunta siya sa condo niya"Patuloy kong sabi at saka ko na dinial yung number ni Veda at ni-loud speaker ko para marinig ni Marcus.

Agad naman sinagot ni Veda yung tawag ko.

"Hello Lia?"

"B-Bryce? Ay! Napatawag ka hehe"

"Ah eh kasi ano... pwede ka bang pumunta sa condo mo?"Seryoso ko namang sabi. Alam kong bigla siyang nagtaka sa sinabi ko.

"Bakit?"Takang tanong niya.

"Ah eh basta...sige magkita na lang tayo diyan ngayon na"Nagmamadali ko namang sabi at agad kong inend call yung phone ko saka napatingin kay Marcus.

"Tara na..."Aya ko na sa kanya at saka na ako sumakay sa kotse ko na matagal na hindi ko naman nagamit simula nung nagkaroon na ako ng trabaho dahil mas gusto ko motor para iwas sa traffic.

Sumakay naman si Marcus at saka ko na inistart yung kotse ko saka na kami umalis.

Ilang minuto lang naman ay nandito na kami sa condo na tinutuluyan ni Veda pero nandito pa kami sa kotse at hindi pa bumababa.

"Sigurado akong nandyan na siya. Magpakita ka agad at ikaw na ang bahalang magpaliwanag"Seryoso ko namang sabi kay Marcus.
Napatango naman siya.

"Thank you, Bryce"Pasasalamat naman niyang sabi at bigla niyang tinap yung balikat ko at saka sabay na ngumiti siya sakin kaya napangiti na lang din ako.

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon