Veda Lia's POV
"Lia?"Napahinga naman ako ng malalim ng marinig ko ang boses na yon at parang biglang nawala ang kaba sa dibdib ko.
Dahan-dahan naman akong napalingon at agad akong napayakap kay Bryce.
"Anong ginagawa mo dito?"Rinig kong takang tanong niya. Dahan-dahan naman akong napatingin sa kanya ng deretso.
"May tumatawag kasi sakin kaso hindi ko naman kilala kung sinong tumawag sa phone ko, kala ko kasi si Mommy or Daddy lang yung tumatawag sakin kaya nagpaalam ako kay Ate na lalabas ako para sagutin yung tawag kasi walang gaano signal sa loob... Nung sinagot ko naman yung tumatawag sakin hindi naman sumasagot hanggang sa may nakita ako na lalaki doon kanina..."Mahabang sabi ko naman at saka ako napalingon sa likod ko at akmang ituturo ko sana yung lalaking nakatayo kanina sa hindi naman masyadong malayo kaso biglang nawala naman yung lalaki.
"Sinong lalaki? Nasaan?"Rinig kong takang tanong ulit ni Bryce kaya napatingin ako sa kanya.
"Nandun siya kanina malapit sa may ilaw kaso hindi ko naman naaninag mukha niya dahil natatapatan siya nung ilaw at saka siya yung tumatawag sakin dahil nakita kong may phone siyang hawak. Yung nakita kong lalaki kanina siya rin yung nakita ko kagabi"Sagot ko naman.
"T-Tara na... bumalik na tayo sa loob"Biglang sabi ni Bryce. Napatango na lang ako at saka na kami umalis ni Bryce pero sa huling pagkakataon ay napalingon ako sa likod ko at nagbabakasakali na baka makita ko ulit yung lalaki na yon kaso wala na talaga siya.
Mabuti na lang nakapasok na kami sa loob dahil natatakot din ako na baka kung sino yun at baka kung ano rin ang gawin niya sa amin.
Pumasok naman na ako sa kwarto at napansin kong tulog na pala si ate Vanessa at Loisa.
Humiga na ako sa kama at saka ko na ipinikit ang mga mata ko at natulog na ako.
***
"Veda? Veda? Wake up"
"Hmmm"
"Gumising ka na at aalis na tayo. Maligo ka na agad at sa labas na lang tayo magbe-breakfast"Rinig kong sabi ni ate Vanessa. Dahan-dahan naman akong napamulat ng mata at nakita ko naman si ate na nag-aayos na ng gamit niya at napansin ko rin si Loisa na inaayos yung gamit ko at nakaayos na rin pala yung mga gamit niya.
Agad naman akong napabangon saka tumingin sa kanilang dalawa ni Loisa.
"Aalis na tayo?"Takang tanong ko dahilan para mapatingin silang dalawa sakin.
"Oo, at saka may pupuntahan daw tayo ni ate Vanessa mo. Magpapahatid lang tayo sa mga boys"Sagot ni Loisa. Bigla naman akong nagtaka at napatingin kay ate.
"Saan tayo pupunta ate?"Takang tanong ko pero nakatingin lang siya sakin ng seryoso.
"Basta... maligo ka na at aalis na tayo"Seryosong sagot ni ate kaya napatango na lang ako at saka nagtungo sa banyo, Napansin ko na tapos na pala silang maligo at ako na lang pala ang maliligo pa lang ngayon.
d>>__<<b
Naligo na ako at mabilis lang naman akong naligo ngayon kaya pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagbihis at saka na kami lumabas ng kwarto at nag-check out.
Inaantay naman namin ngayon yung van at nandito lang muna kami sa may lobby ng hotel. Katabi ko naman si ate Vanessa at Loisa.
Bigla naman ako nakaramdam na naiihi ako kaya nagpaalam muna ako kay ate Vanessa.
"Ate, mag-ccr lang ako ah naiihi na kasi ako"Paalam kong sabi, napatango naman siya.
"Sige, bilisan mo lang dahil aalis na tayo"Sagot naman ni ate kaya napatango lang ako saka na ako naghanap ng C.R.
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomanceSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>Soo<<