Veda Lia's POV
Napapikit na lang ako sa sobrang inis ko sa sarili ko dahil sinusungitan ko na naman siya.
Pero mas naiinis ako sa kanya dahil kung ano-ano na lang ang pinagsasabi niya lalo na yung buntis nga daw ba ako!?
d>>__<<b
Hays! Baliw na siguro yun at nahawa na dun kay Aubrey!
Napamulat na lang ako ng mata ng maisipan kong habulin siya at para humingi na rin ng sorry sa kanya kaya naman dali-dali akong naglakad hanggang sa makalabas na ako ng gate kaso wala na siya.
Napapadyak naman ako sa inis dahil hindi ko siya naabutan!
'Dapat kasi hindi mo na lang tinarayan at inaway-away diyan tapos ngayon hahabulin mo kaso huli na ang lahat dahil nakaalis na siya! At ikaw ang baliw na nahawa kay Aubrey at hindi siya!'
Pumasok na lang ulit ako sa loob ng bahay at saka padabog na umakyat sa taas saka sabay na nagkulong sa kwarto.
Sobrang naiinis ako sa sarili ko at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil minsan sala sa lamig sala sa init!
d>>__<<b
At dahil naiinis talaga ako sa sarili ko hanggang sa sisihin ko na rin ang sarili ko dahil sa inasal ko kanina kay Marcus...Kaya naman nagbasa na lang ako ng libro at pinipilit ko namang intindihin yung binabasa ko kaso hindi ko na maintindihan dahil naiisip ko si Marcus.
Inis ko na lang sinara yung libro at humiga na lang ako sa kama ko. Pinilit ko na lang ipikit yung mga mata ko kaso naiinis pa rin talaga ako.
Hays! Walang magagawa yang inis mo kung hindi mo siya kakausapin! Pero paano ko naman siyang kakausapin kahit sa phone eh hindi ko na alam yung bago niyang phone number!?
At saka kung pupuntahan ko ulit siya sa bahay nila bukas baka wala siya dahil busy siya dun sa nalalapit na kasal nila nung Aubrey na yon at lalo na sa linggo na yung kasal!
Napabangon na lang ako at nag-isip na lang ako ng paglilibangan ko kaya naman nagsulat na lang ako kahit wala naman akong maisip na susulatin.
Wala eh boring kasi!
d>>__<<b
Shocks!
Eh kung si Bryce na lang kayang kausapin ko? Kaso naalala ko nga palang busy yon sa work kaya wag na lang!
Hays! Ang hirap pala ng walang kausap at walang kumakausap sayo lalo na't magmumukha ka talagang loner!
At dahil wala naman na talaga akong magawa ay sinara ko na lang yung libro at yung notebook saka napasandal sa swivel chair sabay na napapikit ng mata.
Ano ba kasi yung gagawin ko!?
At dahil naiinis pa rin ako sa sarili ko at sarili ko lang talaga ang sinisisi ko ay tumayo na lang ako para humiga na lang ulit sa kama.
Matutulog na lang ako!
Marcus Red's POV
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomansaSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>Soo<<