Chapter 18 : Understanding One's Life

47 1 2
                                    



* yaaaaaawn *





Napatakip nalang ako ng bibig ko ng mapahikab ako bigla dahil sa sobrang pagkaantok .Bahagya ko ding hinilot ang magkabilang balikat ko na nananakit pa din hanggang ngayon .






Pang-ikatlong araw ko na kasi kanina sa trabaho ko at grabe talaga ang pagod ko sa mga nagdaang araw na 'yon .





Ang dami kasing tao do'n lalo na sa gabi kaya naman marami-rami rin kaming ginawa .Halos minu-minuto nalang ata may hinahatid at kinukuha akong order sa mga customer namin e .At kung hindi naman ay magtatawag pa 'ko sa labas at mag-aayos ng mga table na natapos ng gamitin ng iba dahil may gagamit na namang panibago .






* sigh *






Halos hindi na nga ko nakapagpahinga e .Kung makakapagpahinga man ako ay ilang minuto lang din dahil kailangan na naman ng tao .





Kaya naman pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay ay halos hindi na rin ako nakakakain dahil bagsak na agad ang katawan ko sa sobrang pagod .Tapos ilang oras nalang din ang tulog ko dahil hindi naman ako sakto sa oras ng out ko ako nakakauwi dahil may kailangan pa 'kong tapusin .






Grabe ,kung ngayon pa nga lang na weekdays madami ng tao do'n paano pa kaya every weekends ?






Buti nalang bukas na off ko kaso hindi rin naman ako makakapahinga dahil may pasok pa 'ko at maghahanap pa din ako ng bahay na malilipatan .Kapag naman may nakita na 'ko ay kailangan ko na ding maglipat kaagad ng mga gamit ko .






Hayst .Buhay nga naman ..






" Whaaaaaah !! Sissy .. excited na talaga ako sa Foundation Day natin ."






" Ako din naman 'no lalo na't kasama na si Alvin sa mga lalaban .Antagal din nating inantay 'yon ."






" Oo nga e .. puro perform perform lang kasi sila dati at ni isa sa kanila ay wala man lang sumasali sa contest na 'yon .Pero syempre ,hindi 'yon dahilan para hindi natin abangan ang araw na 'yon 'no dahil nakikita parin natin sila sa stage ."






" Yah ,you're right at kung dati nga na nagpeperform lang sila sa event na 'yon ay sobra na tayong naexcite .Paano pa kaya ngayon na kasali na ang isa sa kanila ?Sobra sobrang nakakaexcite na talaga at parang di na ko makapag-antay ."






Kunot-noo akong napalingon sa mga ito ng mapadaan ako sa kanila .






Anong sinasabi nila ?Hindi pa ba talaga sumasali 'yong mga 'yon sa gano'ng klase ng contest dati ?'Kala ko naman sumasali na sila .






Well ,hindi naman purke hindi ko alam ang bagay na 'yon ay transferee na 'ko o ano pa man dahil sadya lang talagang wala akong pakialam sa kanila no'n at dahil din do'n kaya wag na kayong magtaka kung bakit hindi ko alam kung sumali ba sila dati o hindi .





Isa pa ,kada dadating ang araw na 'yon ay nagsasariling mundo lang ako o kun'di kaya ay aabsent ako the whole week ng foundation .Wala naman din kasi akong ginagawa dito dahil hindi naman ako pumapayag na makasali sa mga contest na 'yon maliban lang talaga ngayon .Tsk !





* boooogsh *






" Shiit !! " - napaatras ako ng ilang hakbang ng may makabunggo sakin .Napaupo naman ito sa sahig habang nagkalat naman ang mga gamit nito sa harap niya .






Ms.Nobody And The Campus PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon