ALVIN'S POV
" Tol ,tara na ." - aya ng dalawang 'yon sakin na ngayo'y nakatayo na pala sa tapat ng upuan ko .
Agad naman akong tumayo saka ko binitbit ang bag ko pagtapos ay naglakad na rin paalis kasabay nila .
Lunch break na namin kaya siguro naman alam niyo na kung sa'n kaming tatlo papunta ngayon diba ?
" WHAAAAAAAAH !! And'yan na silaaaaaa !! "
Tsk !! Ayan na naman sila .Simula na naman ng nakakarinding ingay nila .
*sigh*
Sa tinagal-tagal naming pumapasok dito kailan kaya kami makakaranas pumasok dito ng hindi kami pinagkakaguluhan at pinagtitilian ?Nakakasawa na rin e .Ang sasakit nila sa tenga .
Nang makabili na kami ng makakain namin ay dumiretso na agad kami sa table namin .
Mag-uumpisa na sana 'kong kumain ng mapansin ko si Enzo na lilingon-lingon sa paligid na tila ba may hinahanap na kung ano .
" What are you looking for Enz ? "
" Hey Vin ,it should be WHO not what ." - pagtatama naman ni Zane sakin na ikinakunot ng noo ko .
" Huh ? Bakit sino bang hinahanap niya ? " - nagtatakhang tanong ko dito .
Tumigil naman si Enzo saka lumapit ng konti samin saka nagsalita na ikinataka ko lalo .Ano bang problema ng isang 'to ?
" Tol ,pansin niyo ba ?Hindi ata natin nakita si Aivie ngayong araw na 'to .Pumasok kaya siya ? " - nagtatakang tanong nito samin .Tsk !! Akala ko naman kung ano 'yong hinahanap niya ,'yon lang pala .
" Why are you asking us ?Magkakasama lang naman tayo simula pa kanina ah kaya malay ko kung asan 'yon .Isa pa ,pakialam ko ba do'n ? " - iritableng saad ko dito .
" Oo nga ,pansin ko nga din pero bakit mo ba siya hinahanap ? " - baling naman ni Zane sa kaniya .
" Wala naman .Nagtataka lang ako ba't hindi pa natin siya nakikita ngayon .It's already our breaktime pero hindi pa din siya pumupunta kahit dito ."
Well ,sa totoo lang .Nagtataka na rin naman ako ...
Actually pagtapos palang ng nangyare sa cafeteria kahapon ay hindi ko na rin siya nakita pa ulit .Pati kanina ... halos araw araw naman kasi namin 'yong nakakasalubong kahit saan mapa sa hallway ,sa may field o dito sa cafeteria pero ngayon .Wala kaming makita ni anino niya .
Napaisip tuloy ako ..
Is it because of what happen yesterday ?
Pero kung iisipin hindi naman siya 'yong tipo ng tao na nagpapaapekto sa gano'ng klase ng bagay e kaya sa tingin ko hindi 'yon ang dahilan .
" Tsk !! Hayaan mo na nga 'yon .Pakialam ba natin do'n ? " - saad ko nalang dito .
" Hayaan ?So kailan mo balak simulan 'yon ? " - napatingin uli ako dito ng bigla niyang banggitin ang bagay na 'yon .
" Haist !! Hindi ko alam .Bahala na ." - balewalang saad ko saka itinuloy na uli ang pagkain ko .Hindi na rin ito nagsalita sa halip ay kumain nalang din siya at gano'n din ang ginawa ni Zane .
BINABASA MO ANG
Ms.Nobody And The Campus Playboys
De TodoMeet Ms. Nobody . A girl who are very simple and unique . A girl who choose to make her own world just to avoid getting too much attention from the others . A girl who doesn't wanted anyone to be with her and make her life mess . And a girl who pref...