Chapter 28

34 1 0
                                    

" Girls, did you bring your heels?! If yes, then wear it all now and be ready !! The ramp will be start in a few minutes!! " - sigaw samin ng baklang magpapractice samin ngayon. Nasa harap siya ng stage samantalang kaming lahat naman ay nasa likod na at nagreready.



Nang matapos ko ng isuot ang heels ko ay saka naman ako umayos na ng tayo at nagready sa pagrampa.

By year and by section muna ang pagkakasunod-sunod namin ngayon dahil wala pa namang official numbering of candidates kaya ganito nalang muna tutal ay practice palang naman.

" Hayst. Why do you have to wear that? You're tall already so you should be exempted. " - rinig kong reklamo ni Enzo sa tabi ko habang nakatingin sa heels na suot ko. Pfft. Pati ba naman to?


Well, alam ko naman kung bakit siya nagrereklamo. Ilang inch lang kasi ang agwat ng height naming dalawa kapag wala akong suot na heels kaya ngayong may suot ako ay halos kunti nalang at magkapantay na kami ng laki.



Kung titignan kasi saming mga girls, ako at si Mikee lang ang matangkad samantalang sa boys naman ay si Alvin lang. Pero kahit ganun, required parin talaga kaming magsuot ng heels kaya tanggapin niya nalang. Pfft.


" Just shut up and bear with it. 2 inches nga lang tong suot ko nagrereklamo ka pa. " - saad ko dito saka ko siya inirapan. Hindi na naman siya sumagot pa sa halip ay humalukip-kip nalang ito sa tabi ko. Buti naman.

Nagsimula ng rumampa sa labas ng stage ang mga nauna samin at hindi pa man kami natatawag ay kinakabahan na agad ako. It was my first time at hindi ako masyadong sigurado sa mga dapat kung gawin pero kahit papano naman ay nakakapanuod ako ng mga ganito sa tv. Wala naman sigurong pinagkaiba to doon diba?


" Whaaaaaah !! Alvin is so damn hot and cool as always. "



" Eiiiiiiiiih!! Sinabi mo pa sis pero teka, sino yang partner niya? Diba si Aivie partner niya? Who's that bitch? "



" Gaga, di lang bitch kundi super bitch. Ex ni Alvin yan na bigla nalang bumalik galing sa kung saang planeta and guess what? Balita ko bigla nalang pinalitan ng section 1 ang representative nila dahil sa kaniya at nang-agaw pa ng partner ah. Sa dinami-dami ng lalaki dito si Alvin pa ang inagaw niya. Assumerang palaka. "


" Really ?Pero maganda din naman siya ah. Bagay nga din siya kay Alvin eh. Di na ko magtataka kung bakit siya nagustuhan ni Alvin. Napakaswerte niya naman. "


" Ang sexy niya rin. Naiingit na tuloy ako sa kaniya. "


" Duh !! Shut up nga kayo. Mas maganda parin si Aivie diyan no. Alvin is much better with Aivie. Mas may chemistry sila kesa diyan sa babaeng yan. "


" Oo nga. I agree. Mas bet ko si Aivie kesa sa babaeng yan. He was just an ex and Aivie was the present of Alvin now. Umeksena lang talaga siya. "


Teka? Ano bang pinaglalaban ng mga to?


Kunot-noong tanong ko sa sarili ko ng marinig ko ang mga pinagsasabi ng mga kapwa namin estudyane dito sa may gilid ng stage.





Kami na kasi ang susunod kaya andito na ko sa may bungad palabas kaya naman rinig na rinig ko na ang mga pinagsasabi ng mga to. Lalakas din ba naman ng mga boses eh.



Actually, di naman talaga dapat sila nandito dahil class hour pa ngayon at hindi naman sila kasali kaya nagtataka ako kung bakit sila nandito.



Buti nalang at nasa bandang harapan ang baklang nagpapractice samin. May pagkamasungit pa naman yun. Paniguradong masisigawan sila diyan kapag nakita sila nun.



Ms.Nobody And The Campus PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon