Chapter 22 : Photoshoot

38 1 1
                                        

*tootooot~tootooot*





Napabalikwas agad ako sa kama ko ng marinig kong tumunog ang phone ko .





Agad ko itong hinanap sa higaan ko at ng makita ko na ito ay agad ko rin itong binuksan at binasa ang message na natanggap ko .





" Goodmorning sleepyhead .Are you awake already ?If yes ,then you should prepare yourself now 'coz I'm going there to fetch you ."





Wait !He's going to what ?Fetch m-me ?





" SHIIIIT !! " - bulalas ko matapos kong mabasa 'yon .





Agad na 'kong tumayo sa kama saka nagmamadaling pumunta ng banyo para maligo .Ni hindi na nga 'ko nakapagreply e .Tsk !! Bakit ba 'ko natataranta ?Haist !!





Simula no'ng nagkita kaming dalawa sa waiting shed ay parang mas lalo pa atang lumala 'yong kakaibang nararamdaman ko .






Ang weird nga e .Ewan ko ba pero hindi ko na halos maintindihan .





Minsan parang nakakaramdam ako ng kilig sa di malamang dahilan .Tapos minsan napapangiti nalang din ako bigla kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa niya gaya nalang ng pagmessage niya sakin ngayong araw .Tapos nakakaramdam din ako ng kung ano kapag nakikita ko siya lalo na kapag katabi ko siya o nadidikit ako sa kaniya .





Lintek !! Ganito ba talaga 'to ?Tama pa ba 'to ?





Hindi ko na kasi alam kung ano ng nangyayare sakin at hindi ko alam kung maganda pa ba 'to o kung okay lang ba na maramdaman ko ang lahat ng 'to .




Tapos dagdag pa 'yong lalaking 'yon .Kung anu-ano nalang ang ginagawa sakin .Hindi ko na nga maintindihan kung ano ba talagang gusto niyang mangyare saming dalawa e .O kung ano ba talagang gusto niyang gawin sakin .





Simula kasi no'ng maihatid niya 'ko no'ng araw na 'yon dito sa bahay ay lagi-lagi niya na 'kong mine-message ng kung anu-ano .Well ,hindi naman 'yon 'yong tipo na sweet message pero basta galing sa kaniya kahit ano pang laman ng message na 'yon ay nakakaramdam na agad ako ng kung ano sa loob ko .





Tapos simula din no'n ,lagi niya na 'kong dinadaanan dito sa bahay .Lagi na siyang sumasabay sakin sa pagpasok .Umangal pa nga 'ko no'ng una e kasi syempre baka anong isipin niya kapag pumayag ako agad .Although ,may part din naman sakin na gusto ko din siyang makasabay araw-araw kaso syempre kailangan din nating magpakipot kahit minsan 'no .





Tsaka sabi niya kasi kaya niya daw ginagawa 'yon ay dahil ang pangit naman daw kung magkalapit na nga lang daw kami ng bahay tapos hindi niya pa 'ko sasabayan .'Yon ang dahilan kaya hindi na din ako nag-assume na may iba pa siyang dahilan dahil mahirap naman din ang umasa sa wala .Tapos hindi lang 'yon ...





Hindi ko alam kung anong naisipan niya kanina at bigla niya nalang akong sinundo pagkatapos ng trabaho ko .Kaya nga nakauwi kaagad ako at nakapagpahinga e .Pero nagpapasalamat pa din naman ako kahit papa'no ng dahil do'n kasi nakapagpahinga ako habang pauwi kami .




Tsaka hindi na rin naman ako masyadong napagod dahil simula no'ng sabihin sakin ng mga kasama ko 'yong dahilan ba't nila ginawa ang mga bagay na 'yon sakin ay hindi na ulit talaga nila 'yon inulit .Kumonti nalang 'yong mga ginawa ko kanina di kagaya no'ng mga nakaraan na halos tambakan na nila 'ko .




Nang matapos akong makapag-ayos ng sarili ko ay saka ko naman narinig ang pagbusina nito sa labas kaya lumabas na din ako .




Bigla na naman akong nakaramdam ng mabilis na pagkabog ng dibdib ko ng makita ko itong cool na cool lang na nakasandal sa kotse niya habang inaantay ako .




Ms.Nobody And The Campus PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon