Chapter 15 : Unexpected Bond

45 1 0
                                    


Sabado ngayon at kasalukuyan akong naglalakad papunta sa kung saan para mamasyal and at the same time ay para makapaghanap na rin ng mga pwede kong mapag-applyan .



Kung hindi niyo kasi naitatanong ay wala na akong trabaho .




Unti-unti na kasing nalulugi ang resto na pinagtatrabahuan ko kaya naman napagdesisyonan nalang nila na magbawas ng mga empleyado at kung hindi nga naman ako malas ay isa nga ako sa mga tinanggal nila .Hayst !! Gaano ba talaga ako kamalas sa buhay ?



At kung kailan naman din nawalan na 'ko ng trabaho ay saka naman din ako pinapaalis na sa tinitirhan ko .




Kinabukasan kasi matapos kong mawalan ng trabaho ay pumunta naman doon ang may-ari ng tinitirhan ko para lang ipaalam sakin na hindi niya na raw papaupahan ang bahay na 'yon dahil meron na daw bumili ng lupang pinagtatayuan no'n .




Sabi pa nito ay bibigyan niya nalamang daw ako ng isang linggo para makapaghanap at makalipat dahil sa susunod na linggo na din daw balak ng bagong may-ari na ipagiba 'yong bahay na 'yon para magpatayo ng panibago .Diba ?Sabihin niyong hindi ako malas sa lagay na 'yon ?




" Hi Maam/Sir !! Welcome to EJ's Korean Restaurant !!! "




Habang naglalakad sa tabi ng kalsada ay naagaw ang atensyon ko ng isang babaeng crew na nasa bandang unahan ko lang .



Nakatayo ito sa labas ng resto nila habang masayang binabati at inaassist papasok sa loob ang mga bagong dating nilang customer .




Hayst !! Buti pa ang isang 'yan may trabaho pa din hanggang ngayon .Samantalang ako ,magsisimula palang ulit sa paghahanap ng panibagong mapapasukan .




Nang nasa bandang harap na ako nito ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kabuuang itsura ng labas ng restaurant nila .




Mukha siyang pangsosyal at may kalakihan din talaga .Mukhang big time ang may-ari nito ah .Siguro mataas din ang standard and qualification nila d'yan when it comes on their workers .Sana naman hiring sila ngayon .Baka sakaling pwede ako .



Di pa man ako tuluyang nakakalagpas doon ng mapansin ko ang isang poster stand sa may gilid ng entrance nila dahilan para mapahinto ako .


Urgent Hiring !!
We are looking for an applicant for waitress position .

Qualifications :
* Female and it must be single
* Young and Good looking
* With Experience


If you think that you're the one we're looking for please come and visit us here .


Napatunganga naman ako sa nabasa ko .



Hiring nga sila pero teka ..

Ms.Nobody And The Campus PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon