Chapter 1 : Affliction

916 29 0
                                    


" Hi mom ... "






" Alam mo po ,miss na miss na po kita .. Gusto ko sanang lagi kitang kasama at gusto ko rin sanang lagi kang nandito sa tabi ko lalo na pagmalungkot ako ... "



" Pero bakit ganun ?Ang aga mo naman ata 'kong iniwan ? "



" Muntikan ko na ngang isiping di mo na ko mahal e kasi iniwan mo ko agad ng mag-isa .Walang nag-aaruga at nag-aalaga .Well ,meron naman sana kaso ... ayuko sa kaniya .Ayuko sa mga kagaya niya ... "




" Para sa'kin kasi ... siya ang dahilan kaya wala ka na .Siya ang dahilan kung bakit an'layo mo na .Siya ang dahilan kung bakit di na kita laging nakakasama at nakakausap ng personal .Siya rin ang dahilan kaya sobra-sobra akong nagdurusa ngayon ng mag-isa ... "





" M-mom ? .... B-bumalik ka na p-please ... "





" Maawa ka naman sa'kin ooh *sniff* ... "





" Ngayong wala ka na pakiramdam kooo ... ako nalang ang nabubuhay dito sa mundong 'to e ... "





" Walang k-kasama .. Walang kausap .. Walang kakilala at walang k-karamay sa lahat ng bagay ... "





" Ang hirap mabuhay ng mag-isa mom kaya sana po ... b-bumalik na kayooo ... *sniff* Namimiss na po kasi kita ng sobra e .. "




" Madami tayong mga bagay na ginagawa ng magkasama kaya ang hirap magpatuloy ngayong wala ka na . "




" M-mom ... walang kwenta ang buhay ko kung wala kayo sa tabi ko *sob* Mahal na mahal po kita mom *sob* Mahal na mahal po kita ... "





Patuloy lang ako sa pag-iyak habang dahan-dahang hinahaplos ang itim na lapida sa harap ko kung saan nakaukit dito ang pangalan ng pinakamahalagang babae sa buhay ko ... ang Mommy ko .




Halos isang taon na rin simula ng mawala siya pero hanggang ngayon .Damang-dama ko parin ang sakit at pangungulila ko para sa kaniya .





Mahal na mahal ko siya at siya lang ang nagbibigay sigla at kulay sa mundo kong minsan na ring binalot ng galit at puot para sa isang lalaking simula't sapul ay siya na ang sinisisi ko sa lahat ng mga kamalasan na nangyayari sa buhay naming mag-ina .





Isang lalaking naging dahilan para magbago na rin ang tingin ko sa mga kagaya niya .





Mga kagaya niyang lalaki na wala halos pinagkaiba sa kaniya .





Mga lalaking labis kong kinamumuhian na kahit kailan yata ay hindi ko magagawang tanggapin at papasukin sa mundo ko ang kahit na sino sa kanila .




Mga lalaking walang pakialam sa damdamin ng mga babae .





Mga lalaking ang alam lang ay makipaglaro ,manloko at manakit .





Mga lalaking mapang-abuso ,mapang gamit at mapagmaliit .





Mga lalaking kahit kailan ay walang kwenta .





Simula nung mawala si Mom ...






Pinatay ko na rin siya sa puso't isip ko .Inalis ko na lahat ng kagaya niya sa mundo ko at nabuhay akong sarili ko lang ang kilala ko .






Hindi ko kailangan ng lalaki at mas lalong hindi ako mabubuhay para lang sa mga lalaki .






Wala silang kwenta para sa'kin .Mga wala silang puso !!






At nung mawala si Mommy ...






Do'n na rin nagsimulang mas lumala pa ang pagiging isang man-hater ko .






'Yong tipong ayukong lumapit ,makipag-usap o kahit makipagkaibigan man lang sa mga lalaki .





Ayuko sa kanila at hindi ko na hahayaang may isa na naman sa kanilang makapasok o pumasok sa tahimik kong buhay para lang sirain 'yon at gawing mesirable kagaya ng ginawa nila sa mommy ko .






Hindi sila ang taong pag-aaksayahan ko ng oras at panahon .Hindi rin sila ang makakakuha ng atensyon ko at lalong lalo nang hindi sila ang isa sa mga magiging dahilan ng pag-iyak ko .

Ms.Nobody And The Campus PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon