" Aivie paserve naman nito sa table number 23 ,please ... "
" Aivie ,palinis naman ng table 5 and 13 dahil may mga bago tayong dating na customer ."
" Aivie ,pakuha naman ng mga order ng mga customer natin sa table 16, 19 and 20 ha ? "
" Aivie -- "
Argh !! Shiiiiit !!
Nahihilo na ko sa kanila .
Hindi ko na alam kung sino ba sa kanila ang uunahin ko .
Andami-dami nilang pinapagawa sakin samantalang nag-iisa lang naman ang katawan ko .Paano ko 'yon magagawa lahat ng sabay-sabay ?
Hindi nalang ako umangal pa sa halip ay kumilos nalang agad ako bago pa ko mapagalitan na naman .
Well ,simula ng mag-umpisa ako dito ay wala talagang araw na hindi ako napagod at sumakit ang katawan ko sa sobrang dami ng ginagawa ko .
Feeling ko nga hindi lang ako basta waitress dito e .Parang feeling ko all around ang trabaho ko literal .
Tagalinis ,tagakuha at tagahatid ng order ,taga tawag ng customer sa labas tapos kapag may nag-complain na customer namin gusto nila ako pa ang humarap kapag wala 'yong manager namin .Argh !! 'Yong totoo ?Ano ba talagang trabaho ko dito ?
Tapos hindi ko alam kung dahil ba sa bago palang ako kaya kung makautos 'tong mga 'to sakin wagas e .Kung tutuosin naman kasi wala naman silang ibang ginagawa .Nakatayo lang o di kaya ay nagsusulat .Pwedeng pwede naman nilang gawin 'yong mga inuutos nila sakin pero hindi ko alam bakit sakin pa nila inaasa .
Sa lahat ng kasama ko dito ako lang ata 'yong sobrang pagod .Hindi ko nga alam kung dahil lang ba 'to sa naninibago palang 'yong katawan ko kaya ako sobrang napapagod dahil kumpara sa una ,mas malaki at matao 'to kaya madaming kailangang gawin .O baka naman masyado lang talaga nilang pinaparami 'yong ginagawa ko kaya ganito .Haysst !!
Tapos kapag may hindi ako nagagawa agad na iniutos nila dahil hindi ko pa naman natatapos gawin 'yong naunang pinapagawa nila ay sinisigawan na nila 'ko at pinapagalitan sa harap ng mga kasama namin .Minsan kasalanan pa ng iba pero magugulat nalang ako ,sakin mapupunta lahat ng sisi ni wala nga 'kong alam sa mga nangyayare dahil sa dami kong ginagawa e.Tsk !!
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa matatagalan 'tong trabaho na 'to .Bukod sa nakakapagod na at nakakapuyat .Meron ka pang mga kasamang mahahaba ang sungay sa ulo na walang ibang ginawa kundi pahirapan ka .Hindi ko alam kung masyado lang ba talaga akong mabait o ewan kaya ganito nalang sila makitungo sakin .Ang paplastik .
Malaki nga sinasahod ko ganito naman mga kasama ko .Pahirap .
* booooooogsh *
Agad akong napalingon kung saan nanggaling ang nabasag na 'yon .
" Ahm sir ,let me take care of it ." - pagpigil ko sa isa sa mga customer namin na nakasagi ng baso dahilan para malaglag ito sa table niya at mabasag .Akmang pupulutin niya na kasi sana 'yon ng dumating ako sa pwesto niya .
" Ow okay .. I'm sorry miss .I didn't mean to drop it ." - paghingi nito ng paumanhin sakin na ikinailing ko lang .
" No need to apologized sir .It was an accident .What's more important is you didn't get hurt ." - nakangiting sambit ko dito saka ko unti-unting pinulot ang malalaking parte nito ng dahan-dahan .
BINABASA MO ANG
Ms.Nobody And The Campus Playboys
CasualeMeet Ms. Nobody . A girl who are very simple and unique . A girl who choose to make her own world just to avoid getting too much attention from the others . A girl who doesn't wanted anyone to be with her and make her life mess . And a girl who pref...