CHAPTER 13 : Ang kulit

62 5 0
                                    

Pabalik ka na sana sa room upang kunin ang bag at gamit mong naiwan doon ngunit narinig mo ang pagtawag ni Dk. Agad mong hinanap kung asan sya at natanaw mong nasa gate sya kasama sina Scoups, Hoshi at Minghao na kumakaway sayo. Itinaas ni Hoshi ang mga gamit at bag mo upang ipaalam na hindi mo na kailangang bumalik sa room.

Ngumiti ka at agad na nagtungo sa kanila.

Nang makalapit ka na sa kanila ay kinuha mo na sa kamay ni Hoshi ang mga gamit mo "Thanks!" sabi mo then he smiled at you and pat your head.

Nagsimula na kayong magkwentuhan at maglakad pauwi.

"Y/n, ano nga palang nangyari? Ma- eexpell ba kayo?" tanong ni Hoshi

"Hindi" matipid mong sagot

"Sayang!" sabat ng nang- aasar na si Minghao at umiiling- iling pa kaya naman siniko mo sya

"Aww!" daing nya habang hinihimas ang tagiliran nya.

"Ano bang sabi ng Dean sa inyo?" tanong ni Scoups

"Wala naman, nag-sorry lang si Angela" sagot mo

"NAGSORRY SI ANGELA?!!" sabay sabay at gulat na tanong ng apat kaya napabuntong- hininga ka nalang

"Napakasynchronized nyo talaga ano?Lagi nalang kayong sabay-sabay, pero tinatamad akong magkwento gusto ko nang umuwi" iniwan mo sila at nagpatuloy nang maglakad

"Hinintay ka namin tapos iiwan mo kami?" tanong ni Minghao na agad na humabol sayo.

"Aissh! Edi maglakad din kayo!" sagot mo at nagpatuloy pa rin sa paglakad

"Eh ano ba talagang nangyari? Hindi ko alam kung tama yung pagkakarinig ko eh, sabi mo nagsorry si Angela...totoo ba yun?" tanong ni Dk na nasa left side mo na pala at agad na umakbay sayo.

"Oo pero nagtataka nga din ako, dahil bago pa man ako dumating sa office ay umamin na daw sila...na sila yung nagsimula ng gulo" kwento mo sa kanila habang nakatingin sa malayo

"Ano kaya ang nakain nun? Baka naman yung sinigang din na nakain mo kanina kaya nagdilang-anghel din haha" pang-aasar na naman ni Minghao kaya nagtawanan din ang ibang boys

"Isa ba talaga 'to sa mga hearthrob sa school natin? Cool ba talaga 'to? Langya 'di ko alam kung bakit maraming nagkakagusto dito" sabi mo habang nakataas ang isang kilay at pinagmamasdan si Minghao na nasa right side mo.

"Sige na liliko na ako baka mabugbog pa ako ni Y/n" sabi ni Minghao na ngumisi pa sayo bago tumakbo paalis at lumiko na kung saan ang daan patungo sa bahay nila.

Naging classmate mo na si Minghao noong senior high students kayo pero hindi ka pa nya kinakausap at kinukulit noon. Cool nga talaga sya noon sa paningin mo. Lagi syang may sapak na earphone sa tainga at hindi nakikipag- usap kung kani- kanino kaya hindi mo din masyadong kinakausap noon. Well, ang lagi mo lang din naman kausap ay ang dalawang bestfriend mong sina Hoshi at Dk. Hindi ka kase nakikipag- kaibigan sa mga babae. Yun ay dahil simula pagkabata, lalaki na ang mga naging mga kaibigan mo ( Mingyu and Wonwoo) kaya't mas na- adopt mo na rin ang mga trip, ginagawa at pati ugali nila kaya nga siguro wala kang naging crush simula noong nag- highschool ka dahil feeling mo one of the boys ka pero alam mo din sa sarili mong hindi ka lesbian na babae ang gusto. Wala ka din namang babaeng nagugustuhan. Siguro dahil noon, hindi pa dumadating ang taong magpapatibok sa natutulog mong puso. (Bakit noon? So meron na ngayon?!hmmm...)

"Bakit kaya sa harap lang natin ganyan kakulit si Minghao pero pag sa iba naman napakasungit nyan... pansin nyo?" sabat ni Dk na nakatingin sa direksyon kung saan lumiko si Minghao.

"Oo nga nakakapagtaka... pero at least hindi sya masungit sa harap natin diba? Napaka- humble pa ng lalaking 'yan kahit mayaman hindi nagdadala ng sasakyan" sabi naman ni Hoshi na nakaakbay na sayo at kay Dk.

SEVENTEEN IMAGINESWhere stories live. Discover now