CHAPTER 29 : Celebration

23 4 0
                                    

________________________

-----------------------------------

[ Linggo ]

"Anak, gising na may naghahanap sayo!"

"Ma....sino po---- ehh? Talaga ma?!"

Para bang nakainom ka ng kape at nabuhayan ang buong pagkatao mo nang muli mong narinig ang mga salitang 'yon.

May naghahanap sa akin? Talaga ba? Pagkalipas ng ilang linggo na walang nagpaparamdam sa akin? Waaah ang saya ko

Agad kang bumaba sa kama mo at tumakbo palabas sa kwarto.

"Anak! Dahan- dahan!"

"Opo--- twoteen ko!!"

Sigaw mo na tila ba hindi kayo nagkita ng ilang taon.

Parang tumatalon ang puso mo sa saya at gusto mo itong sabayan.

Ngumiti at kumaway si Dk na nakaupo sa sala nyo.

Agad kang tumakbo pababa sa hagdan.

Wala kang pakialam kahit mukha kang bata na sabik mayakap ang tatay nya.

Namiss mo ng sobra ang pagpunta ni Dk sa bahay mo at lalo na ang ngiti nya. Para bang parusa sayo ang ilang linggo na naging malamig sya sayo, umasta na parang hindi kilala at hindi nagparamdam kaya nga ganto ka kasaya nang makita ulit ang lively na best friend mo.

"Oh! Y/n dahan- dahan!" sigaw nya at agad kang sinalubong sa baba ng hagdan.

"Twoteen!"

Para bang gusto mong umiyak nang mayakap ulit sya.

Napakalambot ng puso mo sa mga taong mahal mo. Para kang isang bato sa harap ng iba ngunit napakalambot na mamon sa harap nila.

"Aissh! Sa susunod 'wag ka nang biglang tatakbo nang ganun 'pag malayo ako sayo ha? Paano kung bigla kang mahulog dyan sa hagdan edi hindi kita masasalo!"sermon nya habang nakayakap din sayo.

"Oo na po" you chuckled at tila isang bata na nakayakap sa tatay nya.

"Y/n... I'm sorry ha--"

"Shh,  okay lang 'yon twoteen...ang importante pinapansin mo na ako" sabi mo bago bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. "Nag-almusal ka na ba? Tara kakain tayo"

Agad mo syang hinila papunta sa kusina.

"Y/n, pwedeng maligo ka na muna?" tanong nya

"Huh? Ma-mabaho na ba a-ako?"

Inamoy mo ang sarili mo kaya't napatawa sya.

"Hahaha hindi! Ang ibig kong sabihin, gagala tayo kaya maligo ka na muna tapos sa labas na rin tayo mag-aalmusal" he smiled then tap your head.

"Ahh...haha sige sige upo ka na ulit doon, 10 minutes!"  sabi mo bago pumasok sa C.R

"Hahaha 10 minutes, eh 3 minutes ka lang kaya katagal maligo HAHAHA" pang-aasar nya sayo.

"Aissh! okay then 3 minutes!!!"

Namiss ko 'tong pang- aasar mo twoteen...hays sana magparamdam na din sakin si Mingyu. Hindi na ulit sya nagparamdam after ng event. Nahawakan ko nga ulit ang mukha nya that time pero lumuluha sya at dumudugo ang labi. Narinig ko nga ulit ang mahinahong salita nya pero "sorry Y/n" ang lumabas sa bibig nya... Oo gusto ko syang makausap at mahawakan ulit pero hindi sa ganung kalagayan, hays feeling ko paulit- ulit nadudurog ang puso ko 'pag naaalala ang pangyayaring 'yon

SEVENTEEN IMAGINESWhere stories live. Discover now