CHAPTER 17 : Afraid to lose you

66 5 0
                                    

"Gusto mo sya diba?"

Bigla kang kinabahan sa tanong si Hoshi

"S- Sino?"tanong mo

"Si Mingyu" sabat naman ni Dk

"H-Huh? A-Ano bang sinasabi nyo?"

"Y/n, kulang pa ba yung saya na naiibigay namin? Yung effort namin para sayo? Yung pagmamahal na binibigay namin sayo?"seryosong tanong ni Hoshi

"Kulang pa ba kami? Hindi pa ba kami sapat?"tanong din Dk

Natulala ka at hindi alam ang isasagot sa kanila. Para bang napako ka sa kinatatayuan sa mga narinig mo.

"Pfft HAHAHAHA Hoshi-hyung nakita mo ba yung reaction ni Y/n?"tanong ni Dk habang tawa nang tawa at nakahawak pa sa tiyan niya.

"HAHAHAHAHA oo, nakakatawa parang nakakita ng multo tapos namumutla pa ampanget! HAHAHAHA"

Lumakas pa ang tawa ng dalawang loko sayo.

"Aissh!!! Mga baliw!"

Tumakbo ka ng mabilis papalapit sa dalawa kaya't tumakbo din sila sayo palayo pero dahil mabilis kang nakalapit ay agad mong nahawakan ang damit ni Dk sa likod. Hinila mo sya papalapit sayo then kinuha mo ng mabilis ang kanang kamay nya at saka ito pinilipit.

"WAAAAAAA! Hoshi- hyung awww Hoshi-hyung tulong aaaargh!" daing ni Dk

Hindi alam ni Hoshi kung lalapit ba sya sayo o tatakbo nalang papalayo.

"Aasarin nyo pa ako?" nakataas ang kilay na tanong mo

"Hindi-- awww hindi na Y/n aargh" sagot ni Dk na dumadaing pa rin sa sakit

"Yah! Y/n, bitawan mo na si Min" sabi naman ni Hoshi

"Bibitawan ko sya basta ikaw ang papalit dito sa pwesto nya?" nakangiting tanong mo

"Yah! Y/n" pasermon na sigaw ni Hoshi and you just rolled your eyes on him bago bitawan si Dk

Nagpout ka bago magsimulang maglakad at iwan ang dalawa.

Hindi ko na talaga alam kung sasabihin ko ba sa kanila.

"Hoy Y/n! Hintayin mo kami" sigaw ni Dk at agad silang tumakbo at umakbay sayo

"Pero Y/n...seryoso gusto mo ba siya?" tanong ni Hoshi

"Hindi ko alam"

"Oo o hindi lang Y/n"

"Ang alam ko maraming nagkakagusto kay Mingyu at 'yong iba may balak na mag confess sa kanya" kwento ni Dk

"Eh ano naman kung mag confess sila?" tanong ni Hoshi

"Hyung, alam mo ba na pwedeng babae na ang manligaw ngayon?" tanong din ni Dk

"Hindi magandang tingnan na babae ang nanliligaw. Oo 'yong mag confess okay pa, pero hindi ko hahayaang manligaw ang babae sa akin. Pag wala akong feelings or may iba akong gusto sasabihin ko agad sa kanya para 'di na sya umasa" sabi ni Hoshi kaya pumalakpak kayo ni Dk sa kanya.

"Wow, kala mo naman talaga may nag confess na sa kanya" pang- aasar mo sa kanya

"Kung alam mo lang"

"Sus! Alam ko naman na wala hahaha" pang- aasar mo kaya naman kinabig nya ang leeg mo at kunwaring sasakalin ka gamit ang bisig nya.

"Igaganti kita dito Min. Sabihin mo lang" sabi nya kay Dk at nagtawananan kayo.

"Pero Y/n, totoo nga. Magagandang students from fashion department ang narinig kong nag- uusap about kay Mingyu at hinahanap nila sya sa canteen kanina baka mag coconfess sila---

SEVENTEEN IMAGINESWhere stories live. Discover now