CHAPTER 3: Clumsy!

121 8 3
                                    

•~•~CHAPTER 3~•~•
_____________________

Nagpalit ka na ng damit at kinuha ang lyrics na inabot sayo ni Joshua noong last meeting ng music club.

Humiga ka muna at binasa ito pero unti-unti kang nakaramdam ng antok.

"Hoy!bakit ba ang lampa mo?! "

Isang batang lalaking mukhang masungit ang nakikita mong nakatayo sa harap mo at nagsesermon sayo.

"Wag mo nang sigawan si Y/n, kita mo naman na nadapa na sya tapos pagagalitan mo pa"

Isa pang batang lalaki ang dumating at inalalayan ka sa pagtayo.

"Hindi ka talaga marunong mag-ingat, lampa!" dagdag ng masungit na bata

"Halika na nga sasamahan ka na namin sa pag-uwi para magamot na ng mama mo 'yang gasgas mo sa tuhod" sabi ng batang umalalay sa pagtayo mo.

Nakarating na kayo sa bahay mo pero bago ka pa man pumasok ay narinig mo ang pagtatalo ng magulang mo.

"Anak ko rin sya at mas kaya ko syang buhayin kesa sayo!"galit na sambit ng papa mo

"Oo! Kaya mo syang buhayin pero hindi mo sya kayang alagaan ng maayos dahil mas uunahin mo pa ang pangbababae mo kesa sa kanya!" sagot ng mama mo sa kanya

"Wala akong pakialam basta isasama ko sya sa pag-alis ko!!"sigaw ng papa mo

Hindi mo magawang pumasok dahil ayaw mo silang makitang nag-aaway at mas nararamdaman mo ang kirot sa puso mo kesa sa gasgas sa tuhod mo.

Tumingin ka sa dalawang batang lalaki na kasama mo at nakita mo ang mga nangungusap nilang mga mata

"Ang daya mo iiwan mo na kami?" sabi ng isang batang lalaking umiiyak habang ang isa ay tila pinipigilan ang sarili sa pagluha

Biglang bumukas ang pinto at.......

Four tres two uno uno two,achimen moningkol pilsudeon naega~~

Nagising ka dahil sa ringtone mo.

"Anak kanina pa tumutunog yang phone mo" sabi ng mam mo

Kinuha mo ang phone mo at tumambad sayo ang mga messages at missed calls ni Woozi at ibang member ng Music Club.

Nanlaki ang mga mata mo dahil bigla mong naalala ang sinabi ni Woozi na may practice kayo, 3 pm.

Agad kang tumayo sa kama at nag-ayos ng sarili.

"Saan ka pupunta?"tanong ng mama mo

"May praktis po ang Music Club ngayon ma" sagot mo

"Alas singko na anak ah, pupunta ka pa rin?" tanong ng mama mo habang inaayos ang mga nagkalat mong gamit sa kwarto

"Huh? 5pm na po?!" gulat mong tanong at tumingin sa relo

"Oo, hindi na kita ginising dahil mukhang ang lalim ng tulog mo, yung parang nananaginip ka na may boyfriend ka na hahaha" biro ng mama mo

"Mama naman"nakapout mong sambit habang nagsusuklay ng buhok

"Haha joke lang anak, ito naman nilalambing lang kita napapansin ko lang kasi na masyado kang busy ngayon at madalang ka na daw tumawag sa papa mo sa ibang bansa" sabi nya may pagtataka

"Ahmm, sorry ma andami po talagang gawa sa school eh" sagot mo at niyakap sya nang mahigpit

"Basta anak, mag-ingat lagi ha at kung talagang uncomfortable ka pa rin sa pagsakay sa mga sasakyan maglakad ka nalang basta kasama mo sina hamster at twoteen sa pag-uwi nang gabi para may panakot ka sa mga manghaharang sayo hahahah" pagbibiro na naman ng mama mo kaya napatawa ka

"Haha opo, sige ma alis na po ako" paalam mo then umalis ka na din agad

Habang naglalakad ka ay naalala mo ang panaginip mo

"Sino kaya yung mga batang yun? Bakit ko sila napapanaginipan?" tanong mo sa sarili

[ FLASHBACK ]

15 years na ang lumipas simula naaksidente kayo ng papa mo and that was the time na nag-away sila ng mama mo and isinama ka nya sa pag-alis.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naaksidente kayo at mas matindi ang tinamo mo kaya halos 1 month kang comatose.

Nagkaroon ka rin ng trauma na nararamdaman mo everytime na sumasakay ka sa kahit anong sasakyan.

Simula noong maganap ang aksidenteng iyon ay nagbago ang papa mo at minabuti nyang mag-ibang bansa para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng pamilya nyo.

Napagdesisyonan din ng magulang mo na lumipat kayo sa hometown ng papa mo na mas maayos at tahimik na lugar.

Lugar kung saan ka kasalukuyang nakatira at kung saan mo nakilala ang dalawang best friend mo.

[END OF THE FLASHBACK]

Nasa school ka na at may unfamiliar na magandang babae na lumapit sayo

"Hi, pwede bang magtanong?"tanong nya

"Sure ano ba yun?"tanong mo din

"Hindi ko kase alam kung saan ang director's office dito" nakangiti nyang sagot sayo

"Ah sige ituturo ko nalang sayo tutal malapit lang naman yun sa practice room namin" sabi mo sa kanya at nagsimula na kayong maglakad

"Practice room? Para saan yun?"tanong nya

"Practice room ng Music Club" nakangiti mong sagot sa kanya

"Wow, ibig sabihin singer ka?" namamangha nyang tanong sayo at nahihiya ka lang na tumango sa kanya

Naisipan mo din syang tanungin dahil malayo-layo pa kayo sa director's office

"Ano nga palang naisipan mo kaya ka nagtransfer dito?" tanong mo sa kanya

"Ah nabalitaan ko kasi na masaya daw sa school na 'to and there's a special reason kaya ako lumipat dito" masaya nyang sagot sayo

"Ahh" tumango ka lang sa kanya

"So we're here" sabi mo then turo sa director's office

"Ah thanks, btw I'm Jenny pala" pagpapakilala nya sayo

"I'm Y/n" respond mo then nagshake hands kayo

"Sige Jenny I have to go"pagpapaalam
mo sa kanya

"Sige thank you again Y/n"sabi nya then nagwave sayo

Nakangiti ka din na nagwave back sa kanya at dumiretso ka na sa practice room nyo.

Bubuksan mo na sana ang pinto pero narinig mo ang boses ni Pres. Scoups mula sa loob

"I can't believe na nagkagusto tayo sa iisang babae"seryoso ang tono ng boses nya

"Huh? Bakit nasa practice room namin si pres., eh 'di naman sya member ng Music Club ah?"bulong mo sa sarili

•~•~• END OF CHAPTER 3 •~•~•

• Sino nga ba talaga ang dalawang batang lalaki na nag- aappear sa panaginip mo?

• Ano kaya ang ibig sabihin ni Jenny at ano kayang pinag-uusapan nina Scoups?

• Thanks for reading this

• Abangan ang mga susunod na chapter❤️

SEVENTEEN IMAGINESWhere stories live. Discover now