CHAPTER 23 : Loneliness

39 4 0
                                    



"Ma, pasok na po ako"

"Sige 'nak ingat ka"

"Opo"

"Wala ka yatang makakasabay ngayon"


Actually 4 days na ma



"Ahmm... Wala nga po. Busy na sina twoteen kailangan nyang pumasok nang maaga para makapag practice pero malaki na ako ma haha kaya kong namang pumasok mag-isa, sige po papasok na ako" sabi mo then kissed her cheek.

Naglalakad ka na papunta sa pinto nang tawagin ka nya ulit.

"Anak"

"Po?"

"Alam kong nasanay ka na lagi silang kasama pero----"

"Ma...alam ko po. Alam kong dadating sa point na magkakahiwalay kami"

Kahit nangako silang hindi nila ako iiwan



"Nak, alam kong hindi ka okay. Andito lang si mama ha"

Lumapit sya sayo at hinaplos ang ulo mo.


Y/n...tama na 'wag kang iiyak. Kelangan mong masanay na wala si Hoshi, kahit iniiwasan ka ni Dk at kahit na lumalayo ang loob ng boyfriend mo sayo, kailangan mong magpakatatag. Kaya mo 'to.



"Thank you ma, sige po alis na ako"

-------

Habang naglalakad ay napatingin ka sa putikan at naalala mo na naman ang ginawa ni Wonwoo sayo.

Sinaktan talaga nya ako physically. I hate him so much aaaargh!

-- sa school---

"Y/n!" tawag ni Lea sayo

"Oh Lea! Good morning!"nakangiting bati mo sa kanya

"Goodmorning din!" sabi nya na nakangiti sayo

"Tara sabay na tayo papuntang room" sabi mo sa kanya

"Sige sige" sabi nya at nagsimula na kayong maglakad.

"Hmm Y/n musta ka na? Wala kang kasabay ngayon ah" tanong nya

"Ah..ano..kasi ano--"

"Just kidding haha don't worry alam ko na. Kinuwento na sakin ni pres Scoups, ayoko nang mag-isip ka pa kasi maaalala mo na naman tapos masasaktan ka.  Hayaan mo na haha" sabi nya then tap sa balikat mo

"Ahh...t-thanks" maikling sagot mo na may pilit na ngiti sa labi.

Pagdating sa room...

"Ba't konti lang classmate natin dito? Asan sina pres. Scoups?" nagtatakang tanong mo

"Oh... naalala ko nagtext nga pala sakin si pres. Scoups, 'di ko nabasa nagmamadali ako kanina eh" sabi nya habang kinukuha ang phone nya sa bag.

"Ah ano daw sabi?" tanong mo

"Teka lang...ito na"

(Message from pres. Scoups)

[ Good morning vice pres. Sabi ni prof hindi magiging regular ang klase ngayon kasi ilang araw nalang ang natitra satin para makapag-praktis para sa event sa biyernes. Ikaw muna bahala sa mga kaklase natin na hindi kasali sabihin mo sila nalang ang mag-isip ng decoration para sa event thank you :). Nagpapraktis na pala kami ngayon ]

"Ahh kaya pala" sabi mo nang marinig ang message ni Scoups.


Hays bakit hindi nagtext sakin si pres. ? Madalas may good morning sya sakin at lagi akong ini-inform sa mga usapang school activities


SEVENTEEN IMAGINESWhere stories live. Discover now