CHAPTER 21 : Paglisan

20 4 0
                                    

Sumilip ka sa bintana at nakita mong nagsasayaw habang papaalis si Mingyu at halatang-halata ang sayang nararamdaman.

Pfft baliw na Minggoy... kinilig siguro dun sa kiss ko sa cheek nya

(lol akala mo naman 'di rin sya kinikilig)

Pumunta ka na sa kusina at nakita mong nakaupo doon ang mama mo na tila may kausap sa telepono.

"Oo sorry ha...siguro next week nalang ako bibisita dyan sige na maghahanda pa ako ng pagkain bye lagi kayong mag-ingat ni Lin ha"

Ibinaba na ng mama mo ang telepono at saka pumasok sa kusina.

"Ma, andito na po ako"sabi mo bago umupo

"Oh anak...kanina ka pa dyan?" sabi nya na tila nagulat

"Ah...hindi ma kadadating ko lang po" sagot mo na may pagtataka

" Ah...oh ano musta first monthsarry date nyo ni Mingyu? Masaya ba?" nakangiting tanong nya sayo

"Haha oo naman po ma" sagot mo

"Oh sige magkwento ka sakin mamaya ha...kumain ka muna" sabi nya habang naghahanda ng pagkain.

Matapos nyong kumain ay ikinuwento mo na sa mama ang lahat ng mga nangyari sa date nyo.

Matapos ang pagkukwento mo...

"Napakabait nga talaga ni Mingyu, alam nya kung paano ka pasayahin anak sana magtagal kayo...sige sige na anak magpahinga ka na ako na mag aayos nitong kinainan natin" sabi nya matapos haplusin ang buhok mo

"Opo ma... punta na ako sa kwarto ha?"

Sabi mo na nakaturo sa taas at tumango naman sya sayo.

Pagpunta mo sa kwarto ay agad mong kinuha ang phone mo at tiningnan kung nagmessage na sayo si Mingyu

"Ayt...wala syang message kahit isa?" bulong mo sa sarili

"Ahmm... siguro nagpapahinga na sya ngayon, magpapahinga na din pala ako...pero hindi naman ako napagod?" dagdag mo

Kinuha mo muna ang phone mo at nag-iwan ng mahabang message para kay Mingyu.

[ Mingyu, siguro nagpapahinga ka na ngayon hahaha napagod ka yata nang dahil sakin pero salamat talaga sayo ha sobrang napasaya mo ako sana masuklian ko yung mga effort mo para sakin goodnight yli❤️"]

(so mahaba na 'yan para sayo Y/n?🤣)

Nakangiti mong itinago ang phone mo then natulog ka na

Kinabukasan...

" Anak...gising na" sabi ng mama mo na malungkot ang mukha

"Oh ma? Ba't ang aga - aga ganyan mukha mo?"

"Anak" sabi ng mama mo at may iniaabot na papel sayo.

Nagtataka mong kinuha ang papel saka ito binuksan at binasa.

[ Goodmorning Y/n, alam kong maganda ang gising mo kaya sorry kung masisira ko. Sorry 'di ko agad nasabi sayo na lilipat na ako sa L.A doon na ako mag-aaral..,kahapon dapat ako magpapaalam sayo kaso may date kayo ni Mingyu. Ngayong umaga na ang alis namin kaya sorry talaga kung hindi ako nakapag-paalam ng maayos sayo basta tandaan mo mahal na mahal kita. Lagi mong aalagaan ang sarili mo dapat maging masaya kayo ni Min kahit wala ako ha i love you Y/n! ]

Binitawan mo ang papel at agad na kinuha ang phone mo. Ilang beses mong tinawagan si Hoshi pero unattended ito.
Tumakbo ka agad palabas sa kwarto.

"Anak! Saan ka pupunta?!"

"Saglit lang po ma!"

"Kwon Soonyoung bwisit ka! Sinira mo nga ang umaga ko" bulong mo sa sarili habang tumutulo ang luha sa mata mo.

SEVENTEEN IMAGINESWhere stories live. Discover now