CHAPTER 19 : Boyfriend

47 5 0
                                    

Habang naghahapunan ay ikinukwento mo ang lahat ng nangyari sa mama mo kasama dito ang mga sinabi sayo ni Mingyu pati ang naganap na pagharang sa inyo ng mga magnanakaw.

Matapos maghapunan ay umakyat ka na sa kwarto mo.

Magpapalit ka na sana ng damit ngunit bigla mong naalala ang yakap ni Mingyu sayo.

"Ang bango nya....nakakaadik" patuloy mong inaamoy ang damit mo na kinapitan ng scent ni Mingyu.

Bigla ding nag- appear sa utak mo ang paghalik nya sa noo mo at nararamdaman mo na naman ang pagbilis ng tibok ng puso mo.

Alam mong tila isa kang baliw habang inaalala ang lahat ng mga nangyari at mga sinabi nya sayo. Dapat may trauma ka na ngayon dahil sa naganap na pagharang ng mga magnanakaw pero mukhang matindi ang epekto ng mga salitang binitawan nya kanina.

"Nasa bag ko! Andyan ang pera bitawan nyo sya. Wag nyo syang sasaktan"

Mukha kang tanga na ngiting- ngiti at nakatingin sa kawalan habang paulit- ulit na inaalala ang mga salitang ito.

Langya si Mingyu! Anong ginawa nya sakin? Bigla nalang akong nagkaganto? Siguro nga gusto ko talaga sya. No. Gusto ko talaga sya at hindi ko na idedeny pa ang nararamdaman ko. Hindi ko na lolokohin ang sarili ko.

Tumunog ang phone mo at agad mong tiningnan ang message. Parang nakaramdam ka ng kiliti nang makita ang pangalan nya. Ang pangalan ng lalaking kanina mo pa iniisip.

(Message from Mingyu)

Mingyu: Good eve Y/n! Kumain ka na?

Y/n: Oo, ikaw?

Mingyu: Tapos na din hehe baka pala nakakaabala ako sayo?

Mingyu: Hala I forgot, kailangan mo palang magpahinga ngayon pasensya ka na hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko😁

Y/n: Ano ka ba haha okay lang btw salamat sa bulaklak ha😊

Mingyu: Haha kahit lanta na😂

Y/n: Atleast na-surprise ako kanina haha pero I'll keep it💕

Mingyu: Wow

Y/n: ???

Mingyu: Ngayon lang ako nakatanggap ng puso(💕) sayo😍

Y/n: Haha 'yong puso lang napansin mo?

Mingyu: Oo bakit?

Mingyu: May iba pa ba?😍

Y/n: Hindi mo napansin 'yong paghaba ng message ko haha noon nagrereklamo ka dahil maiksi mga reply ko diba?

Mingyu: Yieee oo ngaaa😍 Ansaya koooo!

Mingyu: Btw Y/n, pwede ba tayong mag-date?

Nabitawan mo ang phone mo nang mabasa ang message mabuti nalang at nasa kama ka nang mangyari ito.

Date? Date daw? Shit! First time ko aattend sa date aaaargh ewan paano ba 'to?

Nanlalaki ang mata mo nang kunin ulit ang phone mo. Iba't iba ang nararamdaman mo. Tila ba kinakabahan na kinikilig na sobrang saya.

Sige papayag na ako. Bahala na si Batman!

Y/n: Oo?

Mingyu: Ba't tinatanong mo din ako😂

Mingyu: Anyway I'm expecting na oo na talaga 'yan😉

Y/n: Mukhang kahit "hindi" ang isagot ko, oo pa rin ang basa mo haha

SEVENTEEN IMAGINESWhere stories live. Discover now