CHAPTER 9 : Because of him

77 6 1
                                    


•~•~CHAPTER 9~•~•
___________________

"Ang swerte ko, ang swerte swerte ko" bulong mo habang nakayakap kina Dk at Hoshi.

Sila ang mga kaibigan mo na hindi ka iniwan kailanman. Mga loko at hindi din pumapalya sa pang- aasar at pagsira ng araw mo pero hindi ka nila kailanman dinala sa mga masasamang gawain. Para bang ikinulong ka sa pagmamahal at pag- aalaga nila. Paulit- ulit mong naalala kung paano mo sila nakilala sa tuwing nag- aaway kayo at ibinabalik ang mga memories ng pagsasama nyo kaya't hindi mo magawang iwan o kalimutan ang dalawa.

FLASHBACK

Dahil sa aksidenteng nangyari sayo noong 7 years old ka, nagkaroon ka ng amaxophobia (fear of being or riding in a vehicle) kaya napagdesisyonan ng parents mo na wag ka nang papasukin sa school dahil malayo ang elementary school sa bagong bahay nyo.

That's the reason kung bakit hindi mo rin naranasan ang makihalubilo sa mga estudyante sa loob ng anim na taon, nakakulong lang sa bahay at tanging ang tutor at ibang kapit-bahay ang tanging kakilala sa lugar nyo.

Lagi kang nakatingin sa mga estudyante na dumadaan sa tapat ng bahay nyo at hindi mo maiwasang mainggit sa kanila. Kaya nang dumating ang 12th birthday mo...

"Anak, anong wish mo? Sabihin mo lang"

Nakangiti ang mama at papa mo habang hawak ang pink na cake sa harap mo at pareho silang excited na marinig ang sagot mo.

"Uhmm, papa dito ka nalang sa bahay wag ka nang umalis"

Nawala ang ngiti nila nang marinig ang sagot mo. Ibinigay ng mama mo ang cake sa papa mo at agad syang umupo sa tabi mo.

"Anak... maganda ang trabaho ng papa mo dun sa ibang bansa at tingnan mo, mabait ang boss nya dahil pinayagan syang umuwi para ma-celebrate natin nang magkakasama ang birthday mo"

Hinihimas nya ang mahabang buhok mo.

"Oo nga anak, mahirap nang makahanap ng trabaho at boss na meron ako sa panahon ngayon kaya sana maintindahan mo kung hindi pwedeng mag- stay ang papa ha, hindi ko naman kakalimutan na tawagan kayo lagi nak" mahinahong paliwanag ng papa mo.

Ngumiti ka naman sa kanila upang ipakita na naiintindihan mo sila.

"Anak iba nalang, anong wish mo?" tanong ng mama mo.

"Ma, pa, gusto ko pong pumasok sa school, gusto ko magkaroon ng kaibigan"

Nagtinginan ang mama at papa mo.

"Anak"

"Po?"

"Pag- uusapan pa namin ng papa mo ang tungkol dyan ha"

Natatakot ang mga magulang mo sa kung anong pwedeng mangyari sayo pag malayo ka sa paningin nila.

Sa kwarto ng mama at papa mo...

Pabulong lang silang nag- uusap dahil maaari kang magising sa kabilang kwarto at maaari mo ring marinig ang pinag- uusapan nila.

"Paano yun? Baka kung anong mangyari sa anak natin 'pag andun sa school?" nangangambang tanong ng mama mo sa papa mo.

"So anong gusto mo? Habang- buhay nalang natin ikulong si Y/n dito sa bahay? Karapatan din nyang mabuhay ng normal" sagot ng papa mo

SEVENTEEN IMAGINESWhere stories live. Discover now