CHAPTER 10 : Seat

75 5 0
                                    



You: Hello Ho-hoshi *sob*

Hoshi: Oyy Y/n! Nakauwi ka na ba? Dito na pala talaga ako tutulog kina Seungkwan, pinag- aaralan namin yung report namin eh
Y
You: Sunduin nyo ako nasa school pa ako *sob*

Hoshi: Huh?! Gabi na ah! Ano pang ginagawa mo dyan? Wait--- umiiyak ka ba?

You: Saka na ako magpapaliwanag.

Hoshi : Sige sige pupuntahan ka namin ni Seungkwan. Dyan ka lang muna sa school ha, wag kang aalis.

You: Oo

After a few minutes, dumating na ang dalawa...

"Y/n ano pa bang ginagawa mo dito sa scho--ba't may pasa ka?!" gulat na tanong ni Hoshi nang mapansin ang pasa sa left cheek mo na tinuhod ni Angela.

"Sinong gumawa nyan sayo?" nag- aalalang tanong ni Seungkwan

"Uwi na tayo" sagot mo habang pinipigilan ang sariling maiyak sa harap ng dalawa.

Hindi ka nila pinilit na sagutin ang mga tanong nila dahil ramdam nilang badtrip ka talaga.

Naglalakad na kayong tatlo upang ihatid ka na sa bahay mo at lahat kayo ay walang imik.

Ayaw mo ding magsalita dahil ang tanging nasa isip mo lang ay makapagpahinga.

"Anong klase kaming kaibigan, hindi ka namin naprotektahan" malungkot na sambit ni Hoshi at nakita mo ang pagtulo ng luha sa mga mata nya.

"Hamster wag kang umiyak dyan, ano ka ba? Hahaha para kang bata and wala kayong kasalanan,  okay lang naman pati ako, ako pa ba?" ngumiti ka to make them believe na ok ka lang dahil yun ang pinakaayaw mong makita sa lahat,  ang makitang umiiyak ang mga kaibigan mo.

"Andito na tayo sa bahay mo Y/n, bukas ikwento mo samin kapag ready ka na ha, kelangan  mo nang magpahinga sa ngayon" nag- aalalang sambit ni Seungkwan habang nakahawak sa balikat mo

"Sige Y/n babalik na kami kina Seungkwan, magpahinga ka na ha" sabi ni Hoshi na may pilit na ngiti sa labi nya.

Tumango ka lang sa kanya at nagwave na sila sayo habang papalayo.

"Hamster" tawag mo at agad na lumingon si Hoshi sayo

"Promise ikukwento ko pag okay na pakiramdam ko, sa ngayon gusto ko munang kumalma at makapagpahinga"

Ngumiti ang dalawa sayo para ipakitang naiintindihan nila ang kalagayan mo.

"Seungkwan salamat sa pagsama kay Hoshi, mag- ingat kayo at nga pala please wala na munang magsasabi ng about dito sa kahit kanino, ako nalang magkukwento sa iba lalo na kay twoteen"

Ngumiti at tumango ang dalawa sayo matapos ay nagpaalam na sila at nagpatuloy na sa pag- alis.

Huminga ka ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay nyo.

Nagtungo ka sa kusina at naabutan ang mama mong naghahanda ng pagkain sa mesa. "Ma, andito na po ako"

"Anak, ba't ngayon lang kayo umuwi madami pa ba kayong ginawa?Kumain ka na--"

Napatigil sya sa pagsasalita nang makita ang pasa sa mukha mo.

"Anak, kahapon sugat sa tuhod tapos ngayon pasa sa mukha?! Ano bang nangyayari sayo?"nag-aalalang tanong ng mama mo

"Ma, I'll tell you later sorry kung pinag-aalala ko kayo pero ma okay lang ako"

Napailing nalang ang mama mo. "Hay naku, kumain ka na gagamutin ko 'yang sugat sa tuhod mo at pasa mo para makapagpahinga ka na" pekeng ngiti din tulad ng kay Hoshi ang ipinakita ng mama mo.

SEVENTEEN IMAGINESWhere stories live. Discover now