CHAPTER 15 : Nagseselos ako

58 5 1
                                    

"Y/n, bakit ba pinahirapan mo kaming gisingin ka kanina?" tanong ni Dk

"Hoy! Nagpuyat ka ba? Anong oras ka natulog kagabi? Bakit hindi ka nagtext sakin o kay Dk para matulungan ka namin?"  sunod-sunod naman na tanong ni Hoshi sayo

"Hays *hikab* inaantok pa ako andami nyong tanong, investigator ba talaga mga bestfriend ko?" tanong mo rin sa kanila habang papikit- pikit pa dahil sa antok.

" Y/n hindi ka ba naligo? Ba't hindi ka parin nagigising?" natatawang tanong ni Dk pero hindi mo sya pinapansin

"Y/n!!! Ang bagal mo maglakad malelate na tayo! " sermon naman ni Hoshi at agad na pumunta sa likod mo. Itinuon nya ang dalawang kamay sa mga balikat mo at itinutulak ka na nya upang bumilis ang lakad mo.

Pagdating nyo sa room bumungad na agad sa inyo ang napakabait nyong president na si Scoups.

"Good morning sa inyong tatlo! Tapos nyo ba mga homeworks nyo? Baka may kelangan pa kayong tapusin? Tutulungan namin kayo" sambit nya.

"Okay pres. tapos na kami,salamat nalang" nakangiting sagot mo sa kanya

Iba talaga ang klase nyo, parang pamilya. A college student must learn to be independent they said, pero sa dalawang taon na pamumuno ni Choi Seungcheol sa klase nyo iba ang naging paniniwala nyo. Natuto kayong dumipende sa isa't isa. Nagtutulongan. Ayaw ni Seungcheol na may naiiwan at ganun din kayo.  Pag may hindi naintindihan tulungan at ipaunawa sa kanila 'yon lagi ang sabi nya. Pero pinakang- ayaw nya ay mga nangongopya at nagpapakopya umiinit talaga ang ulo nya na tila isang guro. Kapag may nadadagdag naman sa klase, welcome na welcome agad at kapag may nababawas nalulungkot talaga ang lahat. Pero ang mga nabawas sa inyo ay hindi dahil bumagsak sila kundi sa mga personal reason nila. Kakaiba talaga ang pamumuno ng president nyong Seungcheol. Biruin mo, 19 ang boys sa klase nyo at 7 lang ang girls pero isa ang klase nyo sa pinaka-hinahangaan dahil sa pagiging disiplinado. Kaya't hindi na kayo nagtataka kung bakit ang ilang prof nyo na mismo ang lumalapit kay Seungcheol at nagrerecommend sa kanya bilang school president ngunit sorry po talaga at gummy smile lang ang naisasagot nya sa tuwing tumatanggi sa kanila.

"Pres. baliw 'yan. Nagpuyat yata ng sobra kagabi hindi nagpatulong aissh! Sinisira mo na naman ang umaga ko Y/n!" Frustrated na sambit ni Hoshi pero tinawanan mo lang sya

"pfft bakit ba nagpapagalit ka dyan?" mapang- asar pa na tanong mo

"Aissh! Ewan ko sayo! Tara na dun kina Seungkwan, Min" sabi nya at agad na hinila palayo sayo ang lihim na nagtatawang si Dk.

Nagkatinginan naman kayo ni Scoups at nagkibit- balikat lang sya bago umiling-iling at natatawang bumalik sa upuan nya.

Ikaw naman ay nagtungo na sa upuan mo kung saan nagkukwentuhan sina Minghao at Mingyu.

Naramdaman mo na naman ang paglagabog ng puso mo nang makita ang fresh na si Mingyu. Nakasuot sya ng blue polo shirt at black jeans. Naamoy mo na ang scent nya na parang dinadala ka sa paraiso sa sarap ng amoy nito para sa ilong mo at parang hinihila ka pa nito papalapit sa kanya. Nakita ka nyang papalapit at agad na itinaas ang kaliwang kamay para kumaway sayo at nagpakita na naman ng matamis na ngiti sayo.

Fvck that sweet smile. I see it again

"Uy! Y/n good morning" nakangiting bati ni Minghao sayo nang makalapit ka na.

"Same" sagot mo at umupo ka na sa gitna nila.

Nagkadikit ang mga braso nyo ni Mingyu at ramdam mo ang panandaliang pagkakuryente.

"Natapos mo na ba assignments mo?"tanong ni Minghao

"Oo"sagot mo habang inilalabas ang isang notebook at ballpen mo.

SEVENTEEN IMAGINESWhere stories live. Discover now