CHAPTER 18 : Manliligaw

60 5 0
                                    

Naikulong na ang dalawang magnanakaw at pinauwi na rin kayo ng mga pulis matapos nyong magbigay ng statements.

Inihatid ka na ni Mingyu sa bahay nyo.

"Salamat Mingyu, mag- ingat ka pag- uwi ha"

He nodded and smiled at you.

Papasok ka na sa bahay nang bigla ka nyang tawagin.

"Y/n!"

Nakangiti ka namang lumingon sa kanya.

"Mn?"tanong mo

"Ah...ano...pwede ba a-akong ma--"

"Oo" mabilis na sagot mo  dahil iniisip mong tatanungin ka nya kung pwede ba syang manligaw.

Nagulat ka din sa sinabi mo kaya't agad kang pumasok sa loob ng bahay,  sinarhan ang pinto at tumuon dito.

Shit! Ano ba? Bakit ko sinabi 'yon?Aissh baliw ka na talaga Y/n! Pinayagan mo na agad manligaw si Mingyu!

Tumunog ang phone sa bulsa mo kaya't agad mong tiningnan kung sino ang nagmessage.

Mingyu?

(Message)

Mingyu:

Bakit mo ako pinag-sarhan ng pinto?Magtatanong lang sana ako kung pwede akong makiinom nauuhaw na kasi ako hehe

(Assuming ka 'te hahaha)

Shit naman! Assuming ko bwesit!

Agad mong binuksan ang pinto at nagulat ka nang bumungad sya na hawak na lantang bulaklak.

"Para sayo Y/n"

Natulala ka at hindi alam ang gagawin.

Tumingin sya sa bulaklak at tila nahihiyang ngumiti bago bumalik ang tingin sayo. "Sorry kung ngayon ko lang naibigay ha? Dapat kanina kaso dumating 'yong mga magnanakaw...nalanta na tuloy" he pouted.

"Ah ano ka ba haha o-okay lang btw makikiinom ka ba?"

"Ang totoo sinabi ko lang 'yon para ma-surprise kita"

"You mean... plano mong papasukin muna ako ta's palalabasin mo ulit para ma- surprise sa dala mong bulaklak?"

Nakangiti syang tumango sayo kaya't napangiti ka din at napailing dahil sa kacute-an nya.

"Nga pala...narinig ko 'yon ha? Wala nang bawian, nasabi mo na" sabi nya na abot-tainga ang ngiti

"Huh? Ang alin?"

"Diba sabi mo "Oo" so it means, payag ka nang ligawan kita?"

Kumalabog ang puso mo. Naisip mo kung ito na nga ba ang tamang pagkakataon.

Payagan ko na ba syang manligaw? Oo na! Nasabi ko na rin naman sa mga bestfriend ko. Alam ko naman sa sarili kong gusto ko sya at gusto nya rin ako at matapos ang nangyari kanina, nakita ko kung gaano ako kahalaga para sa kanya. Ayaw ko din namang sirain ang gabi nya ayt nasira na pala dahil sa mga epal na magnanakaw na 'yon kanina. Tingnan ko kung mag work aissh! Bahala na.

Huminga ka ng malalim at nakapikit na sumagot.

"Oo na"

"Talaga?!" ngiting- ngiting tanong nya.

Aissh! That cute smile!

"Mn" tumango ka na tila ba napipilitan pero iba ang saya na nararamdaman mo sa loob mo. Tila nagkakagulo ang buong sistema mo at ang mga paru- paro ay masayang nagliliparan sa tiyan mo.

SEVENTEEN IMAGINESWhere stories live. Discover now