CHAPTER 1 : It's you!

217 7 4
                                    

•~•~CHAPTER 1~•~•
_____________________

"Ang daya mo,iiwan mo na kami?" dalawang batang lalaki ang umiiyak sa harap mo ngunit tila napakalabo ng lahat at hindi mo maaninaw ang mukha nila at...

"Anak!!!bumangon ka na,mahuhuli ka nyan sa klase mo!"

Nagulat ka dahil muli mo na namang napanaginipan ang mga bagay na hindi mo maipaliwanag ngunit hindi mo rin maitanong sa mga magulang mo dahil sasabihin lang naman nila na...

"Hay naku anak, ang hilig mo kasing manood ng anime at horror movies, kaya kung ano- anong napapanaginipan mo"

Pumunta ka na sa hapag-kainan at naalala mo yung sinabi ng mga loko mong kaibigan na may gwapo daw na magtatransfer sa school nyo at panahon mo na raw para maglandian dahil hanggang ngayon NBSB KA PA RIN DAW

"Oh anak andito na ang mga bf mo"sarkastikong sabi ng nanay mo

"Huh? Sino po?"nagtatakang tanong mo

"Sino pa ba edi si hamster at twoteen mo" natatawang sagot ng mama mo

"pft Hahaha!!!talaga ba ma boyfriends ko?!" natatawang sambit mo

"Goodmorning mama!!!" bati ng dalawang loko sa mama mo

Mama ang tawag nila sa nanay mo simula noong naging magkakaibigan kayo.

Dumiretso si Hoshi sayo at hinihila ka na papuntang c.r, oh wag kung ano-ano iniisip mo.

"Y/n maligo ka na bilisan mo! Tigilan mo na yang pagkain mo kaya ka nataba eh" sabi nya then pisil sa pisngi mo

"Wow hiyang-hiya ako sayo ha? Haha" pang-aasar mo

Nakatingin lang sya sayo for 10 seconds at napansin mong iba yung titig nya sayo

"Pfft hahaha! oh hamster na-offend ka ba?? Bakit ganyan ka makatingin?" natatawang tanong mo

"Huh? * _* a-ano kasi b-bilisan mo nang maligo, pag napagalitan ulit tayo ni prof Yoo sasabihin na namin na ikaw lang ang dahilan ng pagka-late namin" pananakot nya

"Bakit ba kasi ang aga nyong mangbulabog ha?!" sigaw mo sa kanila habang nakataas pa ang kilay

"woooww!! kelan ka pa po naging maaga y/n ha!?"sarkastikong tanong ni DK

"Hoy Min, pag yan si Y/n nagalit naku, baka sipain na naman tayo palabas nyan HAHAHA nagmana pa naman sayo yan pfft" pang-aasar ni Hoshi kaya naman parehong nanlaki ang mata nyo ni Dk

"Aissh! Para kang bata hamster! Umayos ka nga...lumayas na nga kayo!! hintayin nyo nalang ako sa labas ng school,wag kayong papasok hangga't wala pa ako ha?"
bilin mo habang tinutulak ang dalawa palabas sa bahay mo.

Nakalayo na sila at nagmadali kang naligo at naghanda para sa pagpasok.

Nasa labas ka na nang bahay nyo kaya't huminga ka na ng malalim dahil medyo malayo pa ang tatakbuhin mo.

Nagtime-check ka at konti nalang ang oras na natitira para sa pagpunta sa school.

Tumakbo ka nang buong lakas at sa muling pagtingin mo sa relo ay hindi sinasadyang nabunggo ka sa isang lalaking naka-mask.

"Sorry po, nagmamadali lang talaga" sambit mo habang dinadampot ang mga gamit mo.

Umasa ka na tutulungan ka nung lalaki pero nagkamali ka dahil habang naglalakad sya palayo na para bang walang nangyari ay narinig mo pa ang cold at malagong nyang boses

"Hindi talaga marunong mag-ingat...clumsy" hindi mo alam ang dahilan pero napatigil ka ng ilang segundo at pakiramdam mo ay napakalakas ng impact sayo ng word na...

"c-clumsy?" nauutal ka pa habang inuulit ito.

Wala pang tumatawag sayo ng clumsy sa pamilya at mga kaibigan mo dahil cool girl ka

May halong inis at pagtataka kang tumayo.

"Wala akong oras na makipagtalo o makipaglokohan sa mga walang kwentang tao" sabi mo sa sarili at sinadya mong bungguin ang balikat ng lalaki.

Nilampasan mo lang sya at hindi nilingon.

Dumiretso ka na sa classroom nyo at bumungad agad sayo ang inyong responsable, magilagid pero napaka-gwapong president nyo na si Scoups

"Morning Y/n! Nasaan sina Hoshi at DK?" tanong nya

"Huh?! W-wala pa sila?!"hindi mo na hinintay ang sagot ni Scoups at agad kang tumakbo palabas nang---

"Hinintay ka pa naman namin tapos iniwan at nilampasan mo lang kami" biglang sumulpot si Hoshi na nakasimangot ang mukha

"Ah a-ano kase--" 'di mo natuloy ang pag-eexplain dahil hinila ka ni Jun sa tabi nya. Dumating kasi ang professor nyo, wag kang assuming hmmp.

"Hoy playboy! Masakit yun ah!" inis na bulong mo sa kanya habang hinihimas ang braso mo

"Ayaw mo nun? Makakatabi mo ang hearthrob ng school nato?" then ngumiti ng nakakaloko sayo

"Tsk! Ewan ko sayo, balakadyan! "

Umupo ka sa tabi ni Minghao. Ang mayaman, cute, cool, handsome at one of the hearthrob ng school nyo.

Tinanggal mo yung earphone sa tenga nya habang nakapikit sya kaya...

"Yah!! bakit--" 'di nya natuloy ang sinasabi nya dahil tinakpan mo ng kamay yung bibig nya

"Shh... Wag kang maingay, andyan na si prof Yoo oh!" bulong mo sa kanya

Nakita mong namumula sya kaya napangiti ka.

"Mas gumaganda ka everytime na ngumingiti ka" he said kaya napangiti ka ulit

"Goodmorning, he is your new classmate--"

"IKAW?!" sigaw mo na ikinagulat ng buong klase.

[END OF CHAPTER 1]

• This is the first story that I've made here, I hope nagustuhan nyo

• Sino ang dalawang bata na napapanaginipan mo?

• Anong dahilan ng pagkamoody ni Hoshi?

• Bakit may impact ang word na "clumsy"sayo?

• Let's find out sa mga susunod na Chapter!

SEVENTEEN IMAGINESWhere stories live. Discover now