Huling Hiling

4 0 0
                                        

dedicated to: 损所

Year 1998

"Mama, sino sya?" ani ng maliit na tinig na lumalabas sa aking bibig

Takang tinitingnan ang kay liit na sanggol sa mga braso ng aking ina

"Sya si Sofia, anak. Mula ngayon kayong dalawa na ang laging magkasama ha?"

"Magkasama?" muling pagtataka

"Oo. Kapag may nangaaway kay Sofia, ipagtatanggol mo sya"

May pagtataka man, walang ano-ano ay ngumiti ako ng kay tamis na tila ba ito na huling araw para ngumiti

Year 2005

Napabalikwas ako't agad na napatakbo kung saan nanggagaling ang malakas na paghagulgol ng nakababatang kapatid.

Doon ay natagpuan ko siyang hawak hawak ang lanta at sira-sirang bulaklak na sa tingin ko ay binunot pa niya sa aming hardin

"What happened?" tanong ko

Ang kaniyang maliliit na kamay ay unti-unting ipinunas sa namamasang mga mata dulot ng pag-iyak

"Our neighbor's son ruined the flower, kuya! I hate him! Can you give him a punch, kuya?" ani nito at muling umiyak nang kay lakas

Lumuhod ako upang pantayan ang kaniyang mga mata na patuloy na inaagusan ng maiiinit na luha

"Sofia, having revenge is not a good thing. If he ruined your flower, then better take care of their flowers instead"

"Why, kuya?" tanong nito na may pagtataka sa mga mata

"Because revenge can't give us good things"

Year 2016

"Kuya, that girl likes Jherwin! I can't let her steal him from me!" nanggagalaiting sabi niya pagkatapak na pagkatapak pa lamang sa makintab na sahig ng aming bahay

Inis na inihilamos ko ang kamay sa aking mukha.

"If he really likes you he won't look back to that girl. You don't need to wait her at the gate and smash her face with a book! You can get sue by that!"

"I won't let her do that to me, kuya. Why don't you do something so that we can get rid of that girl huh? You liker her diba?!" muling pasigaw na sambit nito sa akin

Natigilan ako at napayuko.

Kung gusto ko man sya...

Wala akong pag-asa...

Year 2018

"Whoo! Kapagod mag practice. San tayo ngayon bro?"

"A-ano?" tanong ko nang hindi gaanong narinig ang sinambit ng kaibigan

Muli na namang sumakit ng sobra ang ulo ko sa hindi malamang kadahilanan

"Ayos ka lang bro?"

Ipinikit ang mga mata at nagbabakasakaling hilo lamang ang nararamdaman

"Bro!"

Naramdaman kong ang mabigat na katawan ay lumikha ng isang malakas na tunog nang lumapat ito sa maputik na lupa.

Ang kaibigang may pag-aalala sa mukha ang huling nasilayan bago ipikit ang mabibigat na talukap ng mga mata

Year 2020

Ang amoy ng gamot at sariwang hangin ay naghahalo dulot ng nakabukas na bintana rito sa ospital

Halos dalawang taon na rin noong una kong maramdaman ang sintomas ng sakit ko

I was diagnose with Brain Tumor. 

Pasalamat na nga ako at tumagal ako ng ganito kahaba. 

Natigil ang pagmumuni muni ko nang bumukas ang pinto ng silid na inuukupahan ko

And there I saw my sister's boyfriend-- Jherwin

"Kuya" 

Lumakad ito papalapit sa kung saan ako nakahiga na tila lantang gulay

Ngumiti ako at pilit na hinawakan ang kanyang kaliwang balikat 

Bumuntong hininga muna ako bago sabihin ang mga huling salita na nais kong banggitin.

"Alam kong hindi na rin ako magtatagal pa-"

"Kuya wag mong sabihin yan" pagputol niya sa sasabihin ko ngunit nagpatuloy ako

"Si... Jackie. I love her but it seems she can't give the love I want because she wants someone at alam mong ikaw 'yon"

Sandaling tumigil ako't pinagmasdan ang ekspresyon nya na tila nangangamba sa sasabihin ko

"I want you to find her a man like you. Kapatid mo o kung sino na hawig sa'yo" I bitterly laugh and continued

"At si Sofia, gusto kong mahalin mo sya ng higit pa sa pagmamahal ko sa kanya. Kapag niloko mo sya ikaw ang una kong dadalawin" 

Tumawa siya at pinunasan ang mga luhang tumulo mula sa kanyang mga singkit na mata

Pumikit ako at dinama ang paligid sa huling pagkakataon

Ngayon ang araw na iyon...

Ang huling araw ko sa mundong ito...

Pero wala akong pagsisisi 

Sapagkat nasabi ko ang mga munting huling hiling na nais ko sa aking mahal at kapatid

I smiled for the last time and let myself be drown by the darkness

And the last thing I heard was the loud shouting of someone calling the doctor.

Arts Of FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon