It has been 2 weeks and 3 days na since after the break up we had. Medyo maaga pa kung ikukumpura sa mga mature relationships ng iba. I tried so hard to forget him. Halos ilang lalaki na din ang nareto ng mga kaibigan ko and I keep on reminding myself na naka move on na ako but I'm not.
Akala ko nakalampas na ako sa linyahan kong 'okay na ako' hindi pa pala
"Kamusta na kayo ni Firoz?" tanong ni Sir Harold sa akin habang gumagawa kami ng ilang articles para sa dyaryo ng school
"Sir. Wala na yon. Ayos na kami, sir" nakangiting sambit ko at inilapag ang ballpen na ginagamit sa mesa
"Ayos nga ba? Nakausap mo na?"
Kamay ay muling napatigil sa pagsusulat nang banggitin iyon ni sir.
Usap?
Tingin ko ay di na namin iyon kailangan
"Sus si sir naman! We don't need closure, sir! Ilang usap lang sa classroom magiging ayos na kami"
"Alam mo, Fiya. Awkward nyan lalo at magkaklase kayo"
Dahil sa usapan na nangyari ay hindi ko na muling madugtungan ang ginagawa. The illness that I hate the most strike again.
Dumagdag pa iyong isipin ko na baka nga magkaroon ng awkwardness sa aming dalawa ni Firoz.
"Try nyo kayang mag-usap" suhesyon ng matalik na kaibigan
Paano nga ba?
Paanong pag-uusap ang kailangan namin?
"Nasaktan ka nya, oo. But you have to forgive him since ikaw ang unang bumitaw"
Matagal ko nang pinatawad kung mayroon man siyang nagawang masama.
Ako ang bumitaw, oo sapagkat ako'y nasasaktan na.
Dumagdag pa ang sakit noong narinig kong posibleng may bago siya.
"Gusto ko, Gab. Kaso paano? Paano kung ayaw nya?"
"Itatanong mo lang naman. Tsaka mas maigi kung mag-uusap kayo sa personal. You can see his body language na hindi nya kailanman maitatago"
I tried to do what Gab said. I even sent him an epic picture and greeted Happy Birthday tsaka isiningit ang gustong topic para sa amin. But you know what he did? He ignored it. I don't know, I felt embarrassed.
Tingin ko kasi naghahabol pa rin ako when in fact I just want a perfect closure with him kasi natatakot akong baka magkaroon ng awkwardness between us.
Pero makaraan lamang ang ilang araw..
Gaia: Sis!
Fiya: Bakit?
Gaia: Diba nag-day ako sa Facebook ng trotropahin o jojowain? You know what your ex answered noong ikaw ang binigay ko?
Fiya: Gaia, don't make me assume things again. Ano iyon?
Gaia: Trotrowain = Trotropahin na Jojowain. Comeback na ba diz?
Napatigil ako sa dapat na gagawin nang mabasa ang kararating lamang na mensahe ni Gaia.
Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman. Saya at Tuwa ba dahil may pag-asa pa rin o Takot na baka iyon ay pawang biro lamang?
Sa huli, hindi ko rin napigilan ang sarili ko na matuwa at inalintana ang negatibong maaaring mangyari.
Kinabukasan, ay maaga akong pumasok dahil na rin sa nangyari noong gabi.
My friends even teased and called me 'marupok'. Can't deny kasi mahal ko pa.
Ngiting ngiti ako habang iniensayo namin ang piyesang ipanlalaban sa sabayang pagbigkas sa darating na buwan ng wika.
Hindi ko rin mapigilan na lumingon sa labas sapagkat naroroon ang propsmen kung saan kasama si Firoz.
"Fiya" tawag ni Gab
"Oh?" Bumaling ako rito nang may ngiti pa rin sa mga labi
"Tinanong ko si Firoz tungkol sa nangyari"
"Talaga? Anong sabi nya?" may tuwang sabi ko
"Wala daw 'yon. Mema lang"
