Find The Killer

5 0 0
                                    

If what we had was real. How could you be fine~ Cause I'm not fine at all"

Umaalingawngaw sa apat na sulok ng aming silid aralan ang boses ko habang kinakanta ang kantang Amnesia ng 5 Seconds Of Summer. Ngunit agad din akong napatigil nang mapansing bigla na lamang tumahimik ang aking mga kaklase na tila ba sila'y nakakita ng anghel.

"Ba't ang tahimik n'yo?" natatawang tanong ko ngunit kahit anong tawa ko ay ni-paggalaw ng mga mata ay hindi nila magawa

"Excuse me, late na ba ako?" rinig kong sabi ng tinig na kailanman ay hindi ko makakaligtaan

Shet! Na malagket mga sis! Yung dati kong ka-MU nandito!
Kaya naman pala makatahimik ang mga kaklase ko ay wagas. Alam kasi nila kung paano ako umiyak at nagdusa noong nawala (kung mayroon man) ang namamagitan sa amin

"Wala kasi kaming klase" matapang na sagot ko kahit na sa sobrang lakas ng kabog ng aking puso ay nasa pinakarurok na nito

"Ah. Ganoon ba? Anong ginagawa ninyo?" 

Hindi na ako nagulat na kinakausap niya ako na para bang walang nangyaring kung ano sa amin. Hello, zer you hurt me remember? Pero naalala ko, he has a lot of girls and I'm not surprise if he didn't care about the incident we had.

"Naglalaro kami ng Find The Killer. Gusto mo sumali? Kasali kasi si Jam" sabat ng isang kaklase

Darn it! At kailan pa ako nasali sa laro nila? Samantalang nag-iisa ako ritong parang sira na kumakanta mag-isa

"Sige. Nandito kasi ako para maki-seat-in kaso wala naman pala kayong klase" sambit nito at umupo sa upuang malapit sa mga kaklase ko

Samantalang muntik naman akong mabuwal sa kinatatayuan ko nang biglaan na lamang akong hikitin ng matalik kong kaibigan na kasali rin pala sa larong iyon

Damn! I feel so betrayed. How can you do this to me, Sis?

"Oh hayan! Pumili kayo sa isa sa mga nakatuping papel riyan at dapat gampanan ninyo ang magiging papel n'yo" paalala ng leader kuno 

Isa-isa kaming bumunot at kung minamalas ka nga naman. 

Killer pa ang nakuha ko

What a day!

Isa-isa kong kinindatan ang sa tingin ko ay ang maaaring maging victim hanggang sa umabot ang paningin ko kay Hades. 

No choice, self. You have to do this.

I threw a killer-like-wink on him ngunit imbes na siya ang mamatay, ako pa yata

"Got you, miss. I want us together again. And this time handa na akong ligawan ka. Surprise, I'm yours now" 

Oo, mamatay na ako

Sa kilig

Punyemas ka Hadeeeees!

Arts Of FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon