3

4 1 1
                                    

Third Person's POV

Mahimbing na nakaupong natutulog si Adellaine sa tabi ni Zyler habang hawak ang kamay nito. Nasa ospital pa din sila at kasalukuyang nagpapahinga dahil sa tinamong saksak sa tiyan nito. Maya maya pa'y nagising na si Zyler, napatingin ito kay Adellaine na natutulog. "Bakit niya pa ako niligtas?" Mahinang sabi ni Zyler, umupo siya ng maayos at pinanood na matulog si Adellaine.

Hindi maialis ni Zyler ang kanyang tingin dito marahil ay napapansin niyang parang isang anghel kung matulog si Adellaine. Maputi ang balat nito, matangos ang ilong, makinis ang mukha at maganda din ang kanyang hindi ganoong kalakihan na mga mata. Nasa isip ni Zyler na parang pamilyar ang itsura ni Adellaine, tila ba na parang nakita na niya ito dati.

Nagulat siya nang bahagyang gumalaw si Adellaine kaya agad siyang napaiwas ng tingin at binawi ang kanyang kamay na kanina pa hawak ni Adellaine. "Oh gising ka na pala." Sabi ni Adellaine habang kinakamot kamot ang mata nito, "ano bang nangyari sayo? Bakit may sumaksak sayo?" Tanong nito at nanatiling tahimik lamang si Zyler na nakatingin sa binatana.

"Sagutin mo naman ako, buset na to." Sabi ni Adellaine at pumunta sa harapan ni Zyler dahilan para maharangan ang bintana. "Hoy! Ano ngang nangyari sayo?" Tanong ulit nito, "wala lang iyon, huwag mo nang isipin. Ang mahalaga buhay ako." Sagot lang ni Zyler at mas lalong nairita si Adellaine dahil sa sagot nito. "Bahala ka nga diyan!" Sabi nito at umalis na sa harapan ni Zyler tska naupo na lang sa sofa na nakatapat sa harap ng bintana.

Pinagmamasdan lang ni Adellaine ang magandang city lights na nasa labas habang si Zyler ay tahimik na nakatingin kay Adellaine. "Sino ka ba talaga? Adellaine" mahinang sabi ni Zyler at hindi ito narinig ni Adellaine, matagal na iyong bumabagabag sa utak ni Zyler dahil napaka pamilyar ni Adellaine sa kanya. Noong una niyang makita si Adellaine ay agad siyang nakaramdam ng kasiyahan, hindi niya alam kung bakit pero siya ay masaya na nakita si Adellaine.

"Ayos na ba ang iyong pakiramdam?" Tanong ni Adellaine kaya agad na natauhan si Zyler. "Oo" maikling sagot nito at binalot muli sila ng matinding katahimikan nang magsalita ulit si Adellaine, "bukas pa tayo makakalabas at hindi muna tayo papasok ng school bukas." Sabi nito at tahimik lang na tumango si Zyler. "A-Adellaine.." tawag ni Zyler kaya napalingon sa kanya si Adellaine.

"Bakit? May kailangan ka ba? Nagugutom ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni Adellaine. "S-Sino ka ba talaga? Bakit ang bait mo sa akin?" Tanong ni Zyler at bahagya pa itong nahihiya, "Ako ang lumikha sa iyo kaya responsibilidad kita." Sagot ni Adellaine at muling tumingin sa city lights na nasa kanyang harapan,"l-lumikha?"

"Ikaw ay aking iginuhit lamang ngunit eto ka ngayon, nasa harapan ko sapagkat ay hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero may parte sa akin na masaya ako na naging isang tunay na tao ka." Sagot ni Adellaine na may ngiti sa kanyang labi. Nakaramdam ng kasiyahan si Zyler sa sagot ni Adellaine at hindi niya alam sa kanyang sarili ay bahagya siyang napangiti ng patago.

"Magpahinga ka na diyan, uuwi na ako." Napatingin agad si Zyler kay Adellaine na tumayo na sa pagkakaupo at naglakad na patungo ng pinto. "S-Sandali." Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang boses ni Zyler kaya napatingin siya rito. "Bakit? May kailangan ka pa ba?" Tanong nito, gusto niya sanang huwag nang umalis si Adellaine pero hindi niya ito masabi at walang lumalabas na boses sa kanyang bibig.

"Mukhang wala ka naman nang kailangan pa, aalis na ako." Ngiting sabi ni Adellaine tska lumabas ng kwarto. Malungkot na nakaupo si Zylee sa kanyang kama at pinaglalaruan ang kanyang mga daliri. 'Bakit kasi hindi ko nasabi?' Iyon ang nasa isip ni Zyler nang bumukas ang pinto kaya agad siyang napalingon doon, inaasahan niyang si Adellaine ito ngunit nagkamali siya.

Nawala ang kanyang kasiyahan at napalitan ito ng galit. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sa babaeng masamang nakatingin sa kanya. "Hindi ko inaasahang mabubuhay ka pa," sabi nito at dahan dahang lumapit kay Zyler. "Balang araw, mawawala ka din sa mundong ito at hindi na muling makakabalik. Iyon ang iyong kapalaran at kasalanan iyon ng babaeng iyon." Madiin na sabi ng babae

Secrets that the Wind Only KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon