11

13 0 1
                                    

"Adell!"

Nagising ako nang may paulit-ulit na kumakalabit sa aking balikat, dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang ang mukha nina Zyler, Haellyn at Lyra. Umupo ako nang makaramdam ako ng pagkahilo kaya napahawak ako sa aking ulo.

"B-Bakit kayo nandito?" Tanong ko kela Lyra at Haellyn, "dito namin sana balak matulog but anyways! Bakit ka nasa sahig? Ano ba ang nangyari?" Tugon naman ni Haellyn at naalala ko ulit ang mga nangyari kanina.

"M-May pumasok sa kwarto ko.." napatingin ako sa aking lamesa at nagulat ako nang makita ang drawer ko na bukas kaya agad akong tumayo tska lumapit doon. Laking gulat ko ng hindi ko na makita ang kuwaderno na aking nakuha sa matanda.

"Yung notebook..!" Sabi ko at hinanap ulit sa aking lamesa pero alam kong sa drawer ko lang iyon nilagay! "Huh? Anong notebook?" Lumapit sakin si Lyra at sumunod naman sina Zyler at Haellyn. "Yung notebook na nakuha ko sa matanda, wala na dito!" Sabi ko,"ibabalik ko pa iyon kay Dylan dahil sa kanyang dating kasintahan iyon."

"Dylan? Yung boss mo?" Tanong ni Haellyn at tumango naman ako habang hinahanap pa din ang notebook pero hindi ko pa din talaga makita. "Sasabihin ko na lang siguro sa kanya kapag nagkita kami." Sabi ko at sumuko na ako na hanapin ang notebook na iyon.

Walang duda, iyon ang kinuha ng kung sino man iyon pero bakit naman iyon ang kinuha nila? Napaupo na lang ako sa aking higaan at tumabi naman sa akin sina Lyra at Haellyn, si Zyler naman ay nakaupo sa harap ng aking lamesa. "Okay lang iyan, makikita mo din iyon." Sabi ni Haellyn na hinawakan ang aking balikat.

"Tska pala, kamusta na ang paa mo?" Tanong ni Lyra sabay higa sa aking higaan na parang kanya ito. "Medyo okay na at ano ba gusto niyong pagkain?" Tanong ko at napabangon naman agad si Lyra.

"Ano ang gusto niyo? Ipagluluto ko kayo." Pare-parehas kaming napalingon kay Zyler na tinitignan ang aking sketch pad, "hoy! Wag mo yang pakialamanan!" Sigaw ko at mabilis na kinuha sa kaniya ang sketch pad. "Bakit? Ang ganda ng nga drawing mo diy---"

"Hindi pwede." Maawtoridad kong sabi at nilayo sa kanya ang sketch pad ko na balak niyang kunin. "Magluluto na nga lang ako." Sabi niya at tumayo na tska lumabas ng kwarto. "Nako masarap bang magluto iyang si Zyler?" Tanong ni Haellyn at nginitian ko lang siya at wala nang sinabi pang iba.

Ilang oras pa ang lumipas ay tinawag na kami ni Zyler para kumain na at syempre sa usapang pagkain, G na G ang dalawang kasama ko ngayon. Pababa pa lang sila ay nakita na nila ang pagkain kaya mabilis silang pumunta doon.

"Hala! Mukhang masarap ito ah!" Sabi ni Haellyn na kumuha kaagad ng plato. Ang niluto ni Zyler ay omellete na may fried rice sa loob, "ittadakimasu!" Sabi pa ni Haellyn at sumubo na nang pagkain, natatawa na lang ako sa kaniya dahil parang napapaligiran siya ng mga anghel ngayon.

"Ano? Masarap ba?" tanong ni Lyra na prang nasasabik na siyang kumain dahil sarap na sarap si Haellyn, "nako teh! it's your time to try it! beri delisyus!" sabi pa ni Haellyn at natatawa na lang ako sa kanilang dalawa, "ikaw ha, tinatago mo talent ng asawa mo." tawa tawang sabi ni Lyra dahilan para mapatigil ako sa pagtawa.

"asawa asawa ka diyan? dami mong alam." sabi ko na lang at todo na pinigilan ang sarili na mamula ang mukha ko, oo aaminin ko naman na isang husband material itong si Zyler tska hindi lang yon noh, gwapo pa tapos matangkad in short nasa kanya na lahat ng mga magandang katangian. Full package siya kumbaga, maswerte na lang ako dahil ako ang may gawa sa kanya.

"oh? hindi mo ba kakainin yung pagkain na niluto ng asaw----"

"tigilan mo ako sa asawa na yan." pagpuputol ko kay Haellyn at hinampas siya sa kanyang braso at naupo sa tabi nila, "ikaw naman Zyler? ayaw mo bang kumain? masarap itong niluto mo oh" sabi naman ni Lyra kay Zyler na pinapanood lang sila na kumain. "Mamaya na ako." sabi nito at naglakad palabas ng bahay.

Secrets that the Wind Only KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon