7

10 2 0
                                    

Pagbangon ko ay napahawak ako sa aking ulo dahil sobrang sakit nito. "A-Aray.." mahina kong sabi nang may gumalaw sa aking gilid. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Zyler sa tabi ko at hindi lang iyon, mas nagulat pa ako nang makita ko siyang topless.

Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa aking sa sarili. Ano bang nangyari kagabi?! Tinulak ko siya ng malakas kaya nahulog siya sa higaan. "Hoy! Gumising ka diyan! Anong ginawa mo sa akin kagabi ha?!"

"A-Aray..natutulog yung tao eh." Sabi niya at hinihilot ang kanyang ulo na nauntog sa sahig. "Sagutin mo tanong ko!" Sabihin mong mali ang naiisip ko kung hindi magwawala ako at lalayas ako sa bahay na ito at hindi na muling magpapakita sa kanya.

"Ako dapat ang magsabi non, ano ang mga ginawa mo sa akin kagabi?" Ha?

"A-Anong ibig mong sabihin?!" Tanong ko at napatakip ng kumot sa aking katawan, "wala kang maalala?" Tanong naman niya at umiling ako bilang sagot. Napasapo siya sa kanyang noo, "magsisisi ka kapag naalala mo."

Pinilit kong isipin kung ano ang nangyari kagabi, ilang sandali pa ay napatakip ako sa aking bibig nang maalala ko na ang mga nangyari.

"YEHEY! NAHALIKAN KO ANG LALAKENG HINAHANGAD NIYOOOOOONGG LAHAAAAT!" sabi ko at tinuro lahat ng mga babaeng kaklase ko, "HAHAHAHA ANO? inggit kayo noh? HAHAHAH"

Pinipapaupo ako ni Lyra, "ano ba! Huwag mo nga akong hawakan hayst!" Sabi ko at binawi ang braso ko na hawak hawak niya. Lahat ng tao ay nakatingin sa amin, ayan sige! Tignan niyo lang ang pinaka maganda at pinaka maswerteng nilalang sa balat ng lupa!

Umupo ako at nilapit ang mukha ko kay Zyler na tulala sa kawalan. "Oh? Bakit ka nakatulala diyaan?" Tanong ko at pilit siyang nililingon sa akin pero hindi talaga siya tumitingin. "Umuwi na tayo, lasing ka na." Binuhat naman niya ako, "ano ba?! I-Iinom pa ako ehhh!!" Hinampas ko siya sa ulo pero hindi siya natinag.

"Ihahatid ko na kayo." Rinig kong sabi ni Celeste, "sige, alagaan niyo siya ah." Sabi ni Haellyn. "Ibabaaaa mooo akoooooo" sabi ko habang sinasabunutan si Zyler dahil ayaw niya akong ibaba hanggang sa nakarating kami sa parking lot at makasakay sa sasakyan ay sinasabunutan ko siya.

"Ah ayaw mo akong ibaba ha?!" Sinabunutan ko ang kanyang kilay dahil para mapasigaw siya sa sakit. "A-Ano ba?! Naibaba na kita at h-hindi na kita h-hawa--- aray!! Bitiwan mo yan!" Sigaw niya at inilayo ang aking kamay na sinasabunutan ang kanyang kilay.

Pagdating namin sa bahay ay pasan pasan niya ako sa kanyang likod,"alam mo ba, ang gwapo mo." Sabi ko habang ginugulo gulo ang kanyang buhok, "lahat ng babae nahuhumaling sayo pero bakit ako? Hindi nahumaling sayoo? Bulag na ba ako non?"  sabi ko pa, hindi niya ako sinagot kaya binatukan ko siya ng malakas. "Aray! Ano ba? Kanina ka pa ah." Sabi niya at tinawanan ko lang siya.

Hiniga na niya ako sa kama ko, kinumutan niya din ako. Nakikita ko siyang nagpapalit ng damit, tumayo ako at hinila siya bago pa maisuot ang t-shirt na hawak niya. "Tara! Matulog na tayo!" Nakahiga kaming dalawa sa higaan ko ngayon at hanggang sa mawalan na ako ng malay.

"Seryoso bang nagawa ko iyon?" Gulat kong tingin sa kanya na sinusuot na ang t-shirt na siguro ay buong gabi na hindi niya suot, "oo, totoong nagawa mo sa akin ang mga bagay na iyon kagabi." Napasabunot ako sa aking sarili dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Bakit ba kasi ako nagpadala sa soju na yan ha?! Tumayo na ako sa pagkakahiga nang magring ang phone ko, nakita ko ang pangalan ni Lucas kaya agad ko iyong sinagot.

"Hello?"

"Asan ka na? Nasa labas na ako ng bahay niyo." Labas ng bahay? Napaisip ako sandali nang maalala kong may date nga pala kami ngayon! "A-Ah sandali, nalate kasi ako ng gising!" Binabaan ko na siya ng tawag tska nagmamadali na bumaba sa labas kahit pa na paika-ika akong tumakbo, naabutan ko siyang nakasandal sa kanyang sasakyan at napatakip naman ako ng mukha dahil bagong gising lang ako. Nakakahiya oh, wala pa akong kaayos ayos!

Secrets that the Wind Only KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon