Idinilat ko ang aking mga mata at umupo ng maayos. Napahawak ako sa aking ulo, naramdaman kong basa ang aking mata. Teka, basa? Hinawakan ko ang mga mata ko at basa nga ang mga ito pero bakit?
Napalingon ako sa aking gilid, doon ay nakita kong nakaupong natutulog si Zyler na nakadukdok sa aking kama. Bakit naman siya nandito? Pinunasan ko na ang aking mga mata tska muling tumingin kay Zyler. Kanina lamang ay naiinis ako sa kanya pero ngayon, hindi ko alam. Hindi ko masabi kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi lang iyon ang inaalala ko pa, yung panaginip ko. Never ako nagkaroon ng ganoong panaginip, kung anu-ano na ang aking napapaginipan epekto na din siguro ito dahil mahilig akong gumawa ng mga kwento.
"Gumising ka na diyan." Kinalabit ko si Zyler kaya napadilat siya at straight face na tumingin sa akin. "Nakatulog na pala ako" napakamot siya sa kanyang batok at ginulo gulo ang kanyang makapal na buhok. "Saka bakit ka nga pala diyan natutulog? Hindi ba at doon ka lagi?" Tanong ko habang nakaturo sa higaan niyang nasa lapag.
Tinignan niya lang ako at hindi niya sinagot ang tanong ko. Kahit kailan talaga to hays! Napasapo na lang ako sa noo, lalabas na sana ako nang magsalita siya. "Umiiyak ka kasi kanina, sinubukan kitang gisingin pero hindi ka nagising. Pinagmasdan na lang kitang matulog." Sabi niya sabay pasok sa C.R.
Anong trip niya at pinagmasdan niya akong matulog?
Lumabas na ako, sakto naman na nakasabay ko sa paglabas ang nanay ko. "Ay sakto! Eto pera bumili ka ng mga nakasulat sa listahan na yan." Sabi niya sabay abot ng pera at isang pirasong papel kung saan nakasulat ang mga bibilhin.
Walang sabi akong lumabas ng bahay tska sumakay ng tricycle papuntang Puregold, doon lang talaga ako dahil yun lang ang pinakamalapit na bilihan dito. Tahimik lang akong nakatingin sa aking phone at tinitignan ang laman ng gallery ko, yun ang ginagawa ko kapag bored ako nakabisado ko na nga lahat ng picture dito kasi madalas ko itong gawin.
Napatingin naman ako sa aking katabi, nakatalukbong siya ng itim. Nangingibabaw siya kahit madilim dahil sa kanyang maputing balat, teka parang nakita ko na siya kung saan. Pilit kong inaalala kung saan ako nakakita ng tulad niya at sakto naman na nakadating na ako sa Puregold.
Nagbayad na ako tska nagsimulang bilhin ang mga nasa listahan. Kasalukuyan akong namimili ng tinapay, napahawak ako sa aking baba tila ba nagiisip ng mabuti. Ano ba mas masarap? Gardenia o Sandwich Loaf?
"Eto na lang" nagulat ako nang may naglagay ng Gardenia sa push cart ko at mas nagulat ako nang mapagtantuan ko na si Lucas iyon. Shete pakiramdam ko tuloy nasa k-drama ako, parang bumagal ang galaw ng mga nasa paligid namin tapos napatulala pa ako sa kanya.
"Oh ikaw pala yan" ngiting sabi ko at ngumiti naman siya, shems pakiramdam ko yung puso ko napunta sa ibang dimensyon ng mundo. "Oh eh anong ginagawa mo dito?" Tanong niya
"Ah eh inutusan kasi ako ng nanay ko, ikaw?" Balik kong tanong sa kanya at naglakad na siya kaya sinabayan ko. "Hmm wala nag gagala haha" tawang sabi niya habang nakatingin sa mga canned goods. "At dahil nakita dito, tutulungan na lang kita. Ano pa bang bibilhin mo?" Tanong niya at pinakita ko naman sa kaniya ang listahan.
"Mag-antay ka diyan, babalik lang ako." Napatigil ako sa paglalakad at siya naman ay tumakbo palayo. Tulad ng sabi niya ay mag intay ako kaya nagintay at ilang sandali ay dumating siya na may dala-dala. Teka.."oh ito na lahat ng kulang mo." Sabi niya sabay lagay sa push cart ko.
At ako? Eto speechless dahil sa ginawa niya. "T-Teka nakakahiya naman ikaw kumuha niyan lahat." Sabi ko at ngumiti naman siya sa akin, "ayos lang iyon basta ikaw." Tumigil sandali ang tibok ng puso ko nang sabihin niya iyon.
BINABASA MO ANG
Secrets that the Wind Only Knows
RandomWhat if kung ang iginuhit mo ay biglang naging isang totoong tao?