19

0 0 0
                                    

Hindi ko mailais ang tingin ko kay Lucas na ngayong nasa harapan ko.
"Anong ginagawa mo dito? Lucas tska paano mong nalaman na nandito ako?" tanong ko, "Sinabi ni Celeste at saka masama bang bumisita? Gusto lang naman kitang makausap." Sabi niya at namuo ang hindi nakakaayang ngiti sa kaniyang mukha.

"Wala akong oras, umalis ka na." Sabi ko at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto ni Zyler para sabihin na nakita ko si Lucas pero pagpasok ko ay mahimbing na siyang natutulog.

Napagod siguro siya sa paglilibot namin ngayon,"di bale bukas na lang"  sabi ko sa aking sarili tska dahan-dahang sinara ang pinto para hindi magdulot ng ingay.

Pumasok ako sa aking kwarto at nagsimula nang gawin ang night routine ko tska payapang namahinga sa malambot na kama.

KINABUKASAN---

Napabangon ako sa pagkakahiga dahil sa ingay na naririnig ko mula sa baba. "Ano bang meron? Bakit ang ingay doon?" Tanong ko sa aking sarili tska lumabas na nang kwarto.

Paglabas ko ay sakto ding kakalabas lang ni Zyler sa kwarto niya, "oh good mor---"

"Anak!" Malakas na tawag sa akin ni nanay na nasa baba, "halika na buksan mo na itong mga regalo para sa iyo! Ikaw din, Zyler!" Ha? Regalo?

Naistatwa pa ako ng ilang segundo nang mapansin ko ang mataas na christmas tree sa salas. "Teka.." napatingin ako kay Zyler na nakatingin lang din sa akin. "Anong araw na ngayon?" Tanong ko

"Ika-25 ng Disyembre"

Bumagsak ang aking panga nang malaman kong pasko na pala ngayon! Ang bilis ng panahon na hindi ko man lang namalayan na pasko na pala ngayong araw. Mabilis akong bumaba sa salas tska kinuha ang mga regalo ko, napatingin naman ako sa christmas tree na mukhang kakatayo lang nito.

"Ma, diba wala naman itong christmas tree kahapon?" Tanong ko kay nanay na abala sa pagbukas ng mga regalo. "Ah ngayon lang iyan itinayo dahil nakalimutan nilang malapit na pala ang pasko kaya ayan." Paliwanag ni nanay

So hindi lang pala ako ang nakalimot sa pasko. Sinimulan ko nang magbukas ng mga regalong natanggap ko, pagpunit ko ng gift wrap ay nakita ko pa lang ang mga letrang "c" at "o" at agad na bumagsak ang panga ko sa gulat.

No doubt.

"COPIC!!!!!!" Sigaw ko at tulayang pinunit ang gift wrap tska niyakap yakap ang full set ng Copic Markers! "Hala! Hala! Totoo ba to?! Omg!!!" Masayang sabi ko at hinarap sa akin ang Box ng Copic Markers. Pakiramdam ko ay puro sparkling yung pumapaligid sa Copic Markers na hawak ko ngayon.

"Eh sino naman nagbigay nito?" Tanong ko sa aking sarili tska tinignan ang card na nakadikit sa gift wrap ng Copic Markers. Pagkabasa ko ay automatic na lumaglag ang panga ko nang mabasa ko ang pangalan.

"D-Dylan?"

"Ah oo anak, nagpunta kanina dito si Dylan para ibigay yan kaso tulog ka pa kanina kaya pinaiwan na lang niya." Sagot ni nanay na nagpupulot ng mga punit na gift wraps sa sahig, "a-ah ganon ba?" Yun na lang ang aking nasabi at muling napatingin sa Box ng Copic Markers.

Napatingin naman ang ako sa direksyon ni Zyler na nagbubukas ng regalo sa tabi ng christmas tree. Pagkatapos naming mag bukas ng mga sari-sarili naming mga regalo ay nag almusal kaming lahat.

"Hay nako! Hindi ko inaakalang mapupuno ng gift wrap ang dalawang trash bag!" Sabi ni Tita Soledad na may pagkastress ang kanyang tono ng pananalita, "eh ganoon talaga sister! Tska pasko ngayon! Dapat magsaya tayo!" Masayang tugon ni nanay

"Tska birthday ni Ate Niña ngayon noh? Dapat lang talaga na mag saya tayo! Lets go and parteh parteh!" Sabi naman ni Marietta na inikot pa ang kaniyang kamay na nakataas na parang nagsasayaw sa bar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secrets that the Wind Only KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon