18

0 0 0
                                    

6:30 pm

Kasalukuyang may nagaganap na party dito sa loob ng bahay nina Tita Soledad dahil birthday ngayon ni Niña na pinsan ko. May party lights pa at nag D-DJ pa si Tristan na kapatid ni Niña, "nag eenjoy ka ba?!" Malakas na sabi ni Marietta na sumasayaw sa harapan ko, "oo" maikli kong sagot.

"Ano?! Hindi kita marinig!" Sigaw niya at inilapit niya pa ang kaniyang tenga sa akin, mahirap na magkarinigan dito dahil sa lakas ng kanilang patugtog. "OO! NAG EENJOY AKO!" Malakas an sigaw ko sa kaniyang tenga na napatakip siya at gulat na tumingin sa akin.

"Babasagin mo ba tenga ko ha?!" Reklamo niya at pumunta keyla Niña na sumasayaw sa salas. Nandito ako ngayon sa dining area at kahit saang parte ng bahay ay maingay at may mga nagsasayawan, partida sa ingay na nagaganap dito may nag bumibirit pa sa labas ng bahay.

Napaangat ang aking tingin sa second floor, mula dito kasi ay kita ang pinto ng kwarto ni Zyler. Hindi pa siya kumkain ng miryenda mula kaninang nakabalik kami at hindi din siya lumalabas ng kwarto.

"Uhm Ate Cess" tawag ko sa katulong ni Tita Soledad, "may gatas, tsaa at milo po ba kayo?" Tanong ko at agad naman niyang binigay sa akin ang mga hiningi ko.

Nilagay ko sa isang baso ang tea bag at nilagyan iyon ng mainit na tubig, pagkatapos ng ilang minuto ay tinanggal ko na ang tea bag tska nilagay naman ang gatas at nilagyan ko din ng milo.

Umakyat ako habang dala ang baso ang aking tinimpla na inumin para kay Zyler, pagtapat ko sa tapat ng pinto ng kaniyang kwarto ay kumatok ako ng malakas para mariniy niya dahil kahit nasa kwarto ka dito sa ikalawang palapag ay maririnig mo ang ingay mula sa baba.

"Zyler! Gising ka ba?!" Malakas na sabi ko pero walang sumasagot kaya binuksan ko na ang pinto at bahagyang sumilip sa loob. Laking gulat ko nang makita kong walang tao doon, pumasok ako at inilapag ang tinimpla ko sa lamesa doon tska binuksan ang bintana.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid  at nakita ko si Zyler na may kausap na lalakeng naka puting polo, pulang pantalon at nakatsinelas lang din ito. Sinuri ko ang mukha ng lalake pero hindi ko man lang mamukhaan ang kaniyang mukha dahil ang medyo malayo sila dito mula sa bahay ni tita. Hindi ito si Lucas o si Dylan.

Ibang tao ito at hindi ko siya kilala.

Ilang sandali pa ay umalis na ang lalake at papasok na sana sa loob si Zyler nang mapaangat ang kaniyang tingin sa aking direksyon. Maya-maya pa ay pumasok siya ng kwarto at mabilis na sinara ang bintana.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin habang isinara niya din ang kurtina. "Ah dinalhan kita ng inumin dahil hindi ka pa nagmimiryenda mula kanina, hindi ka din bumababa kaya nag-aalala ako." Sabi ko

Napatingin naman siya sa basong nakalapag sa lamesang nandoon, lumapit siya doon tska kinuha ang baso at ininom ang aking tinimpla na inumin. "Ano ito?" Tanong niya habang paulit-ulit na iniinom ang tinimpla ko.

"Milktea" maikli kong sagot at napaiwas ng tingin, "ah eh sino yung kausap mo doon sa labas?" Tanong ko tska umupo sa higaan "wala nagtanong lang ng direksyon, naliligaw daw kasi siya." Sagot naman niya at tumabi sa akin.

"Eh bakit ka naman nasa labas?" Tanong ko pa ulit, "nagpapahangin lang at nais ko ng kapayapaan kahit saglit man lang." Tugon niya at uminom ulit ng milktea na tinimpla ko, "pag pasensyahan mo na ang mga pinsan ko ha? Sadyang ganoon lang sila at normal na lang sakanila yung ganito kasi ganyan lagi ang nagaganap kapag may birthday dito." Paliwanag ko

"Tska nga pala," sabi ko at napatingin sa kaniya na iniinom ang aking milktea. "Hmm?"

"Sino si Victoriana na binanggit mo kanina? Iyon kasi ang pangalan ng kasintahan ni Dylan noon" sabi ko at napatingin naman siya sa akin. Ilang segundo kaming nabalot ng katahimikan at nakatingin lang siya sa akin. "May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko at nagulat ako nang bigla niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin.

Secrets that the Wind Only KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon