ADELLAINE'S POV
Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa aking mukha, bumangon ako at kinamot ang aking mga mata. Lumingon ako sa kaliwa at kanan ngunit hindi ko nakita ang presensya ni Zyler pero may isang babaeng na nakaupo sa tabi ng aking higaan. Nakasuot ito na talukbong, hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatakip ito ng talukbong pero ang kanyang mga mata ay pamilyar sa akin.
"S-Sino ka?" Tanong ko at doon ko napagtanto na siya ang nakasabay ko sa tricycle at ang nakita ko sa school na naglalakad sa hardin noong isang araw. "I-Ikaw yung.." nakaturo ako sa kanya at tumango na lamang siya. "Tumungo ka na sa ospital." Seryosong sabi nito at taka naman akong tumingin sa kaniya. "Bakit? May nangayari ba?"
"Malalaman mo pagdating mo doon." Sabi nito at kaagad ako nakaramdam ng kaba kaya mabilis akong lumabas ng bahay tska nagtawag ng tricycle, hindi ko na naisipan pang magsuot ng sapin sa kaba. May pakiramdam akong may nangyari kay Zyler! Pagdating ko sa ospital ay agad kong tinignan ang mga kwarto doon hanggang sa makita ko si Zyler na nakahiga sa kama na may bandage sa kanyang braso.
Nandito nanaman ulit siya tulad dati, lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kanyang mga kamay. Mahimbing siyang natutulog na may mask na suot at mukhang ito ang nagbibigay ng hangin sa kaniya. Napaluhod ako habang hawak pa din ang kanyang mga kamay, tumulo ang aking luha dahil sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko nanaman siya naprotektahan.
Ako itong may responsibilidad sa kanya ngunit ako itong lagi niyang sinasamahan, sa tuwing malungkot ako at nahihirapan ako, sa lahat ng bagay ay kasama ko siya pero paano naman siya? Nagiging malungkot ba siya? Hindi ko alam marahil ay puro ako Lucas at hindi ko na siya napapansin. Nakalimutan ko na din na responsibiladad ko siya at may dapat akong gawin.
Muli akong nabigo sa aking ikalawang pagkakataon, nandito siya ulit at may panibagong sugat sa kanyang katawan. "H-Huwag k-ka nang u-umiyak.." rinig kong sabi niya kaya kaagad akong napaangat ng tingin, bahagya siyang nakadilat at tila ba na hirap siya sa kanyang paghinga at pagsalita.
"Ano nanaman bang nangyari sa iyo?" Alalang tanong ko sa kanya at sa ikalawang pagkakataon ay ngumiti siya sa akin. "Ako ay naaksidente lamang, h-huwag ka n-nang mag a-alala pa." Nguting sabi niya sa akin, napayuko na lang ako dahil sa pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganito.
"K-Kung iniis-sip mo m-man na kasal-lanan mo ito..nagkakamali ka. A-Ako na m-mismo ang nags-sabi, w-wala kang kasalanan." Pagkasabi niya non ay niyakap niya ako, "tska hindi ba't sabi ko sa iyo ay huwag ka na muling iiyak ng dahil sa isang lalaki?" Humiwalay ako sa kanyang yakap at pilit na mapait akong ngumiti sa kanyang harapan.
"Sa susunod ay mag-ingat ka na, hindi ko kayang makita na ikaw ay nasa ganyang kalagayan." Sabi ko at muli ang nagpatibok ng aking puso, sa ikatlong pagkakataon. Ngumiti siya sa akin. Napansin ko ang plastic bag na may tatak na 711 na nakapatong sa lamesang nasa gilid ko. "Ano ito?" Tanong ko at binuksan ang plastic bag, nakita ko ang dalawang giniling at may juice doon. Kaagad akong napangiti dahil binilhan niya pa ako ng pagkain.
Ininit ko ang mga binili niya sa isang mircowave oven nang magsalita siya, "bakit wala kang suot na tsinelas?" Tanong niya, "nagmadali kasi akong pumunta dito dahil kinabahan ako na may nangyari sa iyo kaya nakalimutan ko nang nagsuot ng tsinelas." Paliwanag ko
"Pero paano mo nalaman na nandito ako?"
"May nagsabi sa akin, hindi na importante kung sino iyon at huwag mo na lang din isipin basta ang mahalaga ay nandito na ako sa iyong tabi." Sabi ko naman at sakto namang tumunog na ang microwave oven kaya kinuha ko ang giniling tska nilagay sa platong nandoon at inabot ito kay Zyler. Umupo siya ng maayos na agad ko namang inalalayan, kinuha niya ang plato pero muntikan niya itong nabitawan at buti na lang ay nasalo ko iyon kaya hindi ito natapon.
BINABASA MO ANG
Secrets that the Wind Only Knows
RandomWhat if kung ang iginuhit mo ay biglang naging isang totoong tao?