Kasalukuyan akong mag-isa dito sa rooftop na nakaupo sa bangko at nakatulala sa kawalan. 12 am na at gising pa din ako, namamaga ang mga matang kakatapos lang umiyak. Niyakap ko ng mahigpit ang aking sarili at pilit na iniisip kung bakit ganito ang nangyayari.
Bakit ganoon ang pakikitungo sa akin ni Zyler?
"Huwag mo na akong kakausapin kahit kailan" kusang humakbang ang aking mga paa palikod, "a-ano?" namumuo ang luha sa gilid ng aking nga mata, bakit ganito siya? Ano ba itong pinagsasabi niya?
"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko huwag mo na akong kakausa---"
"Huwag mo ituloy." Putol ko sa kaniyang sasabihin, ayaw ko nang marinig ang mga salitang iyon. "B-Bakit?" Tanong ko at hindi ko maialis ang aking mga mata sa tingin niyang kasing lamig ng yelo.
"Bakit? A-Ayaw mo na ba sa akin?" Tanong ko muli at napaiwas siya ng tingin, "magsalita ka!" Sigaw ko dahilan para mapatingin lahat ng taong napapadaan sa hallway.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay nakatingin sa gilid, "sagut---" hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang biglang nagbago ang expression ng kanyang mukha. Tila ba na parang gulat siya sa kaniyang nakikita kaya tumingin din ako kung saan siya nakatingin ngunit wala naman akong nakitang kakaiba.
"Mag-aral ka na." Malamig niyang tugon sa akin at umalis sa aking harapan.
Hindi siya aalis sa aking tabi pero hindi ko makakausap? Anong kalokohan iyon? At ano bang pumasok sa kaniyang utak at naisipan niyang sabihin sa akin mga salitang iyon? Nababaliw na ba siya?
"Baliw ka! Depongal ka!" Sigaw ko at binato ko ang maliit na upuan na nasa aking tabi na nagdulot ng malakas na ingay. "Mangangako ka na hindi ka aalis sa aking tabi tapos hindi mo ako hahayaang kausapin ka?!"
"Ede sana umalis ka na lang!" Sigaw ko pa ulit at magbabato pa sana ako pero wala na akong mahablot sa paligid ko. "Nakakainis ka." Sabi ko sa aking sarili at muling tumulo ang aking luha.
Isa kang baliw Zyler. Isa kang dakilang baliw. Ikaw ang pinaka baliw sa buong mundo at sa balat ng lupa. Nakakainis ka.
Ah ano ba itong mga pinagiisip ko? Di hamak na mas mukha akong baliw keysa sa kaniya na sinasabunutan ko na ang sarili ko dito tapos iiyak.
Gusto kong malaman kung bakit ganoon siya sa akin pero sa tuwing lalapit ako sa kaniya ay hindi niya ako kakausapin, kung magkakasalubong naman ay dadaanan niya lang ako.
Ayos naman siya noong nadischarge kami sa hospital pero bakit simula noong sinabi niyang may pupuntahan siya ay bigla siyang nagbago? Hindi kaya may nangyari?
Tumayo ako at dahan-dahang naglakad hanggang sa makita ko ang ibaba. Nakatingin lang ako sa ibaba nang makita ko si Zyler na lumabas mula ng bahay, saan siya pupunta ng ganitong oras?
Gusto ko man siyang sundan pero ayaw gumalaw ng aking mga paa. Sinundan ko lang siya ng tingin na naglalakad palayo.
Bumalik na lang ako sa aking kwarto, kailangan ko nang matulog dahil maaga akong papasok bukas para matapos ang mga kailangang tapusin. Mabuti na lang at agad akong nakatulog.
Hating-gabi at mag-isa akong nakatayo dito sa azotea. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang mayakap pero wala siya dito.
Kung sa Pasig lang din sana siya nakatira ay panigurado araw-araw buo ang aking araw pero hindi, nakatira siya sa Maynila at malayo sa akin.
Papasok na sana ako sa loob nang biglang bumukas ang tarangkahan at pumasok ang isang lalake na nakasuot ng puting polo, itim na pantalon at mahabang bota na sapatos ng mga sundalo at may dala itong lampara.
BINABASA MO ANG
Secrets that the Wind Only Knows
RandomWhat if kung ang iginuhit mo ay biglang naging isang totoong tao?