Ilang weeks ang nakalipas at sa wakas ay tapos na rin ang tinatawag namin na "Hell Week" kung saan dito kami nag hahabol ng mga requirements, lessons at syempre hindi nawawala ang exams na nakakasabog utak. Ang paa ko na namamaga nang dahil sa contest ay okay na din.
Kasalukuyang nagpapahangin ako sa ilalim ng puno dito sa hardin, lahat ng estyudante ay nagpapahinga at nagpapalamig ng utak dahil kanina lang natapos ang last exam namin. Ako lang mag isa dito dahil nasa room sina Lyra at Haellyn at matutulog daw muna sila.
Ipinikit ko ang aking mga mata na pagod na pagod dahil ilang weeks akong puyat at dilat na dilat ang aking mga mata dahil sa pag-aaral at makapagpasa ng mga dapat ipasa.
Nahiga ako doon at ginawang unan ang aking dalawang kamay na nasa aking batok, pwede akong maupo sa kahit ano pwesto ko gusto kase naka P.E uniform kami. Patulog na sana ako nang may pumitik sa noo ko kaya napadilat ako at bumungad sa akin ang mukha ni Zyler.
"ano? Pagpahingahin mo naman ako." Bagot kong sabi at tumalikod sa kanya, hindi siya sumagot ngunit ramdam ko na naupo siya sa aking tabi. Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
Ako ay nasa azotea ng aming bahay nang dumating ang isang lalaki na naka suot ng asul na uniporme,
"Binibini, hilig mo pala ang gumuhit?" Tanong ng isang lalaki na hindi ko maaninag ang mukha dahil sa sobrang labo pati na din ang paligid. "Oo, sa mga oras na wala akong magawa ay ito lang aking ginagawa." Sabi ko habang nakatingin sa aking iginuhit sa isang malaking papel."Ano naman itong mga kuwaderno na ito?" Tanong niya habang tinitignan isa-isa ang mga iyon na agad kong kinuha dahil nahihiya akong ipakita iyon sa iba. "Ginoo, huwag niyo iyang buklatin. Nakakahiyang ipakita ang mga iyan." Sabi ko at kinuha ang mga kuwderno na sinusubukan niyang buklatin.
"Bakit ka naman nahihiya? Ano ba ang mga iyan?" Sabi niya sa akin habang inaayos ang mga kuwaderno at inilayo sa kaniya. "Iyan ang mga kuwento na aking nililikha. Mahilig din akong gumawa ng mga kwento." Ngiting tugon ko sa kaniya.
"Maari ko bang basahin ang isa mo g gawa?" Tanong niya at bumusangot naman ako at umiling pero pinipilit niya pa din ako kaya sa huli ay pinabasa ko din sa kaniya ang isa sa mga maayos at maganda kong gawa.
"Secretos que el viento solo conoce?" Banggit niya sa pamagat na nakasulat sa pinaka unang pahina ng kuwaderno. "Huh? Alv-----
Bigla akong nagising sa hindi malamang dahilan, umupo ako ng maayos at tinignan ang orasan sa phone ko. Alas-singko na pala, kanina pa nag uwian. Napalingon ako sa aking gilid at nakita ko si Zyler na nakaupong natutulog na nakasandal sa puno.
Umupo ako sa kanyang harapan at pinagmasdan ang kanyang mukha na tinatamaan ng sinag ng araw, gulo-gulo ang kanyang buhok at mas bagay sa kanya ang ganoong style. Para siyang isang bata na payapang natutulog at parang walang kamalay malay sa mundo.
Nakatingin lang ako sa kanya nang bigla siyang gumalaw na parang binabangungot siya kaya tinawag ko ng ilang beses ang kanyang pangalan pero hindi pa din siya nagigising. "Zyler!!" Sigaw ko at dumilat na ang kanyang mga mata.
Pawis na pawis siya na para bang may humahabol sa kaniya. "Anong nangyari sa iyo?" Alalang tanong ko sa kanya, "ano ang napagi----" naputol ang aking sinasabi nang yakapin niya ako ng mahigpit.
"H-Huwag kang umalis.." ano bang sinasabi nito? Maya maya pa ay nakaramdam ako ng pamamasa ng aking damit sa balikat na parte. Umiiyak siya? Lilingon na sana ako pero mas niyakap niya pa ako at nilingon ang aking ulo ulit sa likod gamit ang kanyang kamay na nakahawak sa aking batok.
"H-Huwag mo akong tignan.." bulong niya sa aking tenga kaya nanahimik ako at nanatili sa ganoong pwesto. Tinapik ko ng mahina ang kanyang balikat hanggang sa tumigil siyang umiyak. "Ano ba ang iyong napaginipan?" Tanong ko
BINABASA MO ANG
Secrets that the Wind Only Knows
RandomWhat if kung ang iginuhit mo ay biglang naging isang totoong tao?