Last day na namin ngayon sa resort kaya sinulit ko na sa kakaswimming, kanina pa akong akong alasais nagsiswimming dito kasi binabawi ko ang hindi ako nakapagswimming kahapon dahil nga substitute ako ni Selena sa kainan na iyon.
1pm ang alis namin kaya eto ako ngayon, nangingitim na dahil hindi ako umalis ng beach at pool kahit pa na inaahon na nila ako. Paalam muna sa aking maputing balat, gusto ko magenjoy kaya paalam muna.
"Hoy! Adellaine! Magbanlaw ka na aba naman, 12 pm na! Ano pa bang balak mo ha? Negra ka na!" Sigaw sa akin ni Lyra na hinihila ako pataas, "hindi ka pa ba nageenjoy sa lagay na yan? Ang itim-itim mo na oh! Para kang buto ng chicken na nasunog!" Dagdag niya pa
"Oo na! Aahon na." Sabi ko at umahon na ako sa pool, sabay kaming naglakad papuntang room dahil magbabanlaw muna ako bago kami kumain ng tanghalian.
Pagpasok ko ng room ay tulog pa din si Zyler, siguro ay napagod nga talaga siya kakahanap sa akin lalo pa at umuulan nung mga oras na iyon. Nagpunta pala sila sa isang cave at nag ghost hunting kuno kaya hindi ko sila makita.
Hindi man lang nila ako itinakas sa trabaho ko, mas gugustuhin ko pang mag ghost hunting keysa sa maiwanan magisa sa gitna ng lugar na hindi ko alam kung saan iyon.
Pagkatapos ko magbanlaw ay hindi ko muna siya ginising, dadalhan ko na lang siya ng pagkain dito. Lumabas na ako at dumiretso sa rooftop kung saan nila ako sinorpresa, kumuha na ako ng pagkain ni Zyler tska bumalik na sa room.
Pumasok ako at nakita ko na parang binabangungot siya kaya mabilis akong lumapit sa kanya. Sinubukan ko siyang gisingin pero bigla akong natigilan sa nakita ko.
Umiiyak siya.
"Zyler!" Malakas na sabi ko at mabilis na dumilat ang kanyang mga mata na namamasa masa pa, "binabangungot ka ba?" Alalang tanong ko sa kaniya, tumingin siya sa akin at bigla na lang niya akong niyakap.
"Zyl---" humigpit ang kanyang yakap na para bang ayaw niya akong paalisin sa tabi niya, "bakit ka umiiyak?" Bulong ko sa kaniyang tenga ngunit hindi niya ako sinagot.
"A-Ahh ano, dinalhan kita ng pagkain." Sabi ko at agad naman siyang humiwalay sa akin, pinatong ko na sa higaan ang plato na dala ko na may pagkain "kakain lang ako doon sa rooftop ha?" Aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Bakit? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong ko at hindi ko alam kung bakit humigpit nanaman ang hawak niya, "ano ba gusto mo?" Tanong ko pa pero nanatili lang siyang tahimik. "Kakain na a---"
"Samahan mo ako dito." Ramdam ko ang biglang panginginig ng kanyang mga kamay na para bang may kinakatakutan siya, masyado bang masama ang kanyang napaginipan para manginig siya?
"Sige, sasamahan kita. Kukuha lang ako ng pagkain." Sabi ko at binitawan na niya ang kamay ko kaya lumabas na ako at bumalik sa rooftop, "oh Adellaine! Kain na! Mamaya maya aalis na tayo!" Sabi ni nanay
Kumuha na ako ng pagkain tska mabilis na naglakad pabalik sa room, malapit na ako nang may nakita akong lalakeng naka t-shirt na puti, shorts na itim, sumbrero na itim at tsinelas na galing sa loob ng room namin.
Hindi ko siya mamukhaan dahil nakaharang ang sumbrero sa mukha niya kaya mabilis akong pumasok ng room at nakita ko si Zyler na tulala sa kawalan. Pinagpapawisan din siya kahit pa na malamig dito sa kwarto, sino ang lalaki na galing dito?
"Zyler, eto na ako." Tumingin siya sa akin na puno ng takot ang kanyang nga mata. "Anong nangyari? Sino yung lalake na iyon?" Tanong ko sa kaniya ngunit nanatili nanaman siyang tahimik. "K-Kumain na lang tayo..." sabi niya.
Pagkatapos naming kumain ay sakto namang dumating na ang iba pa naming mga kasama at nagliligpit na sila dahil aalis na kami. Kanina ko pa napapansin si Zyler na wala sa sarili, sino kaya ang lalake na iyon? Kahit ako ay hindi mapakali.
BINABASA MO ANG
Secrets that the Wind Only Knows
RandomWhat if kung ang iginuhit mo ay biglang naging isang totoong tao?