Ngayong araw na magsisimula ang Hell Week at ilang araw akong binabagabag ng aking mga nalaman noong nakaraang araw pero sa aking mga nalaman ay hindi ko pa din nakuha ang kasagutan kung bakit nakita ko sina Haellyn at Lyra sa mga imaheng nagpakita sa isip ko.
"Nakakakita ka ba ng mga imahe sa iyong isipan?" Muling bumalik ang aking paningin at napaangat ang aking tingin sa dalawang babaeng magkamukha ang kanilang itsura. "S-Sino kayo?" Tanong ko at umayos ng tayo.
"Tulad nga ng aking sinabi ay ang aking pangalan ay Celeste." Sabi ng babaeng kaninang nagpakilala na laging may suot ng itim na talukbong na ngayon ay tinanggal na niya. "At itong katabi ko ay aking kakambal na si Petrisia." Saad nito na nakaturo sa babaeng katabi niya ngayon.
"Ngayon sagutin mo ang aking tanong, nakakakita ka ba ng mga imahe sa iyong isipan?" Tanong niya ulit, "Oo, ipaliwanag niyo sa akin kung ano ang mga iyon. Matagal na akong nakakakita ng mga ganoong imahe." Sagot ko
"Aking bibigyan ka lamang ng ilang kaalaman ukol sa iyong mga nakikita." Tugon niya at humakbang palapit sa akin. "Ang mga imaheng iyong nakikita ay mga ala-ala mula sa iyong unang buhay." Seryosong sabi nito, "malapit nang dumating ang oras na malalaman mo ang lahat. Tulad ng sinabi ko sa iyo noon, lilipas ang limang buwan at sa ikaanim na buwan ay mangyayari ang isang gulo."
"Anong klaseng gulo ba itong sinasabi niyo?" Tanong ko, "ang gulong ikaw mismo ang gumawa. Kung binura mo lang sana kaagad ang larawan na iyong ginuhit ay hindi na sana 'ulit' ito mangyayari." Sabi niya at humakbang patalikod.
"Iyon lang aking maipapaalam sa iyo dahil ikaw na mismo ang makakaalam ng buong katotohanan sa tamang oras at panahon."
Pagkasabi niya ng nga iyon ay nawala na siya kasama si Petrisia na kanyang kakambal, hindi man halata na ako ay binabagabag ng mga ito pero sa looban ko ay puno ako ng takot ukol sa sinasabi nilang gulo na ako 'daw' ang mismong gumawa.
Hindi ako na liliwanagan sa aking mga nalaman, madami pa din akong katanungan na wala pa ring kasagutan. Siguro nga ay mas mabuting antayin ko muna ang panahon ba malalaman ko ang lahat, kung ano man iyon ay handang handa na akong malaman ang lahat.
Hindi kaya? Ito ang sinasabi ni Lucas na sikreto na tanging hangin lang ang nakakaalam?
"Uy kunin mo na, lutang ka nanaman." Sabi ng aking kaklase na hawak ang test paper na nakalahad sa aking harapan. Agad akong kumuha ng isa, pinasa sa likod at sinagutan kaagad ang test paper.
Makalipas ang madaming oras ay natapos na ang mga tests na naka schedule ngayong araw. Apat na araw pa bago matapos itong Hell Week dahil pagkatapos nitong exams ay aasikasuhin naman namin ang mga bagay na dapat ipasa tulad ng bwisit na thesis at iba pang mga projects.
Kasalukuyan akong nasa cafe kasama sina Haellyn at Lyra, si Zyler naman ay pupuntahan daw siya at hindi na niya sinabi kung saan. Ang sabi niya lang ay huwag akong mag-alala kahit pa na sabihin niya iyon ay nag-aalala pa din ako sa kaniya na baka may mangyari nanamang masama sa kaniya at makita ko nanaman siya sa hospital.
Nagrereview lang kami dito kahit pa ang totoong nangyari ay kwentuhan lang. "Mag review na nga tayo!" Natatawang sabi ni Haellyn na hindi pa din mapigilan ang pagtawa. "Tumigil ka na! Ano ba!" Sabi naman ni Lyra na nagpipigil ng tawa habang ako ay nakatingin lang sa kanila na iniisip pa din kung bakit sila nasa imaheng nagpakita sa aking isipan.
Posible kaya na kasama ko din sila sa unang buhay ko na sinasabi ni Celeste? Teka, may nakalimutan akong itanong sa kaniya! Di bale, sa susunod na lang ng aming pagkikita tska ko itatanong sa ngayon ay itong exams muna ang aking aasikasuhin.
"Oh ano? Magrereview ba tayo o tatawa na lang kayo diyaan?" Bigla silang natigilan sa pagtawa at tahimik na binuklat ang kanilang notebook tska nagsimulang magbasa. Pinagmasdan ko lang sila at parehas silang pinagpapawisan kahit pa na sa amin nakatapat ang aircon dito sa cafe.
BINABASA MO ANG
Secrets that the Wind Only Knows
AléatoireWhat if kung ang iginuhit mo ay biglang naging isang totoong tao?