Nasa school kami at lahat ng estyudante ay excited sa darating na event this week. "So sino ang pambato natin?" Kasalukuyan na pinaguusapan kung sino ang isasalang sa Fashion Design Competition at kailangan namin ng dalawang model para irampa ang mga damit na nagawa namin. "Si Zyler po sir! Para sure win!!" Lahat sila ay nakatingin kay Zyler na tahimik lang sa likod ko, "Zyler, okay lang ba iyon sayo?" Tanong ni Sir Santos at tumango na lamang siya dahilan para magtilian ang mga babae sa room.
"Eh sino naman sa babae?" Nanahimik na lang ako dahil imposible din naman na ako ang pipiliin tska automatic na din na si Avril ang pipiliin dahil siya ang pinaka maganda sa klase. "Si Adellaine kaya?" Napalingon kaagad ako nang marinig ko ang pangalan ko, "hindi. Ang boto ko ay si Avril!" Sabi naman ng isa kaya nakahinga ako ng maluwag at nanahimik na lang ulit.
Kung ano man ang piliin nila, ituturn down ko din iyon dahil una sa lahat ay hindi ako marunong rumampa na parang isang model. Kung maglakad nga ako ay parang lalaki eh paano pa kaya kung rumampa ako? Baka madaig ko pa yung lalake kung lumakad. Naririnig kong maraming may gusto na si Avril ang ipartner kay Zyler kaya napagdesisyunan na si Avril at Zyler ang representative namin sa contest na ito.
Abala ang lahat sa pagdiscuss kung ano ang mga damit na gagawin namin. Ang competition na ito ay may tatlong category, first category ay Casual, pangalawa naman ay Evening Gown at ang pangatlo naman ay Filipiniana. "Sinong may naiisip na idea ng damit diyaan? Ikaw, Adellaine? May naiisip ka ba?" Tanong ni Haellyn dahil siya ang nagaasikaso, siya kasi ang President ng room namin.
"Hmm magpapasa na lang ako ng ilang sketches tska niyo pagusapan." Sabi ko at nagsimula nang kumuha ng bond paper tska nag drawing ng mga damit na connected sa three categories ng competition na ito. Nagddrawing lang ako habang sila ay busy na pinag uusapan kung ano ang maaring gamitin sa paggawa ng damit.
Naudlot pansamantala ang diskusyon dahil recess na namin, bumaba na kami nina Lyra at si Zyler naman ay tahimik na natutulog sa kanyang arm chair. Napasulyap pa ako sa kanya bago bumba papuntang cafeteria, "siguro ay mananalo tayo sa contest na to noh?" Sabi naman ni Lyra, tumango tango naman si Haellyn na para bang sobrang confident niya dahil representative namin si Zyler.
Naglalakad na kami nang mabunggo ako ng isang lalaki at natapon ang dala niyang juice sa damit ko. "Sorry sorry" sabi ng lalake at may kinuha siya sa kanyang bulsa tska eto iniabot sa akin. "Eto panyo, sorry kung natapunan kita" napatulala lang ako sa kanya dahil para siyang si Zyler, ang gwapo niya. Kapantay niya lang si Zyler pagdating sa kagwapuhan pero ito, iba ang lalaki na ito. Napukaw ako sa kanyang kagwapuhan at pati na din sa kabaitan na ipinapakita niya sa akin ngayon.
"Uy bakit ka tulala?! Kunin mo na yung panyo, inaabutan ka na nga eh." Natauhan ako nang magsalita si Lyra kaya medyo taranta kong kinuha ang panyo na kanina pa nakalahad sa aking harapan. Narinig ko ang pagtawag nito at nakaramdam ako ng bahagyang kilig dahil pati pagtawa ay nakakaakit. "Sige salamat," sabi ko habang pinupunasan yung damit ko na nabasa at nagpipigil din ako ng kilig.
"Oh eto" inabot ko na sa kanya pero umiling siya, "sa iyo na muna yan. Tska may pamalit ka ba ng damit? Pwede naman kitang pahiramin ng t-shirt" ngiting sabi nito at nahihiya na ako dahil pinahiram na nga niya ako ng panyo tas papahiramin nuya pa ako ng t-shirt. Tinanggihan ko siya pero mapilit siya kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya kasama sila Lyra papuntang room niya dahil kukunin niya yung t-shirt.
Habang naglalakad kami ay napansin ko na ang sama ng tingin sa akin ng mga babae, naririnig ko pa sila na nagbubulungan sa gilid ko. "Ang harot naman niyan, noong una si Zyler ang kasama tapos ngayon naman si Lucas." nairita ako sa sinabi ng babae na iyon pero hindi ko pinahalata, pasalamat siya at mabait ako kung hindi baka kanina ko pa siya nasampal diyan ng kaliwa't kanan.
BINABASA MO ANG
Secrets that the Wind Only Knows
DiversosWhat if kung ang iginuhit mo ay biglang naging isang totoong tao?