TWO

57 3 0
                                    




"Hey freak. Come with me" Tawag ko sa katabi ko.


Kakatapos lang ng pangalawang subject namin. Puro pag papakilala at onting discussion lang tungkol sa subject ang ginagawa namin. Meron kaming isang oras na break time bago mag pa tuloy sa 3rd period at dahil nagugutom na ako naisipan kong pumunta ng canteen. At dahil muka namang walang pupuntahan yung katabi ko naisip ko na isama siya para siya ang pumila at mag order para sakin.


"A-ako ba?" nauutal niyang sagot habang tumitingin sa paligid. Stupid, muka bang may iba akong kausap.

"Obviously"

"Sa-sa-saan tayo pupunta?" ah! Ayoko sa lahat tatanga tanga.

"Come" hindi na siya nag tanong pa. tahimik siyyanv tumayo at sumunod saakin.



Well, I don't really have friends and I don't need one. They are just a bunch of distractions. And I can't really find someone worthy enough to be my friend. But I am not really alone. I mean I'm a Laurentius and being lonely isn't an option. Every year I have someone who follows me around like a dog. An obedient dog. Oh, if you think that I'm forcing them to do stuff for me, I don't. Let's say, I am giving them a favor. Being with me means a lot. You see, in high school social life is important. Likes, followers all those things matters. Hindi mo na kailangan maging kasing yaman ko para makilala sa paaralan na 'to. Being seen with me is enough to boost your social life.

Umupo ako sa pinaka gitnang table ng canteen. Tahimik ako na nag hihintay kay freaky para sa pag kain ko. May mga nag tangkang tumabi saakin pero sa huli ay pinili nalang nila na sa iba umupo. Meron naman na sinubukan akong kausapin. i only entertain those who aren't asking stupid questions


"Hi Blaise. Ano ginagawa mo dito?" Uh? Baka nag papa pamper.

"Dito pa rin ba kuya mo?" Not sure, check mo college department.

"What's you perfume?" bango no? 'di mo afford yan.

"Saan ka mag co---"

"Shit ang baho!" Naputol ang pag sasalita ng babae sa harapan ko dahil sa malakas kong pag mura. Ang lansa! Tumingin ako sa likod dahil mukang duon ng gagaling ang amoy.

What the fuck. You've got to be kidding me. This insect! Ah!

Tumayo ako sa table at mabilis na nag martsa papunta kay insect. Kahit saan nalang ba nanduon siya. Baket ba laging ang lansa lansa ng amoy niya. kinukuskos ba niya ang isda sa balat niya. Fuck.

"Nang aasar ka ba talaga?!" Malakas kong sabi ng makarating ako sa table niya.

Nakatalikod siya saakin pero ramdam ko ang gulat niyang ekspresyon. Tinignan ko ang table niya at nakita ang nakakadiri niyang pag kain. Ang lakas ng loob niyang kumain dito sa canteen eh ang baho baho naman ng pagkain niya. Is that even edible? Well, I think I saw one of our guards eating that pero I was so disgusted by the smell and told him to stop eating that when I'm around. My mom got mad at me for that but kuya was there and defended me.



"Bakit blaise?" Mahinhin niyang tanong. Nakakairita ang boses niya. Sa sobrang inis ko ay ngayon ko lang napansin na may ibang tao pa palang nakaupo sa table niya. Tinignan ko sila isa isa pero wala akong nakitang pamilyar na muka.

"Your disgusting food makes me sick! You make me sick!" Mahahalata ang nag halo halong inis, irita at galit sa boses ko.

"Sorry blaise, eto lang kase ang pag kain sa bahay. Pasensiya na"

I don't care! I wanna throw her food so bad but I can't even stomach touching her... what is that? A plastic container? God, how poor is this woman. She can't even buy a proper lunch box.

Skyscraper's pride (Laurentius Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon