THIRTEEN

15 0 0
                                    

"But, Like, I think we already have a thing. You know" I said to Cara while we are on our way to the library.


May pinagawa kase ang guro namin sa biology na by partners. Partner ko si Cara while Kol is with Insect. Huling subject na namin 'to ngayong araw at sinabi ni Ma'am na pwede na kaming umuwi kapag napasa na namin ang aming papers. Kailangan ko ng mag madali dahil mag isa lang si Elise sa Manor at sigurado akong na boboring na 'yon ngayon.


"You think? Hindi ka sigurado" Halatang nag dadalawang isip si Cara sa tinanong niya. I rolled my eyes at her. Tumigil din ako sa pag lalakad at hinarap siya.


"I mean, we didn't really talk about it. But we have this understanding. Like mutual understanding." I said before I continued to walk.


Pag karating namin sa library ay pinag hatian agad namin ang gawain. Ako ang unang natapos kaya tinulungan ko siya sa pag hahanap ng mga terms na kailangan namin. Mas maganda ang sulat ni Cara kaysa saakin kaya pinalipat ko muna sa Bond paper ang mga natapos ko. Nilagyan niya din 'to ng mga simpleng disenyo. Tumayo ako at pumunta sa bookshelf para kumuha pa ng libro. Kulang pa kase si Cara ng tatlo at hindi niya 'yon Makita sa libro na meron siya.


Sabi ko kay elise ay uuwi ako ng maaga. Kahit gusto kong mag madali, ayaw ko naman na maging basta-basta lang yung ginagawa namin. Ayoko din na mag search lang sa internet dahil sigurado ako na 'yon ang gagawin ng mga kaklase namin.


When I'm already satisfied with the book that I found, I decided to go back to our table. I stop when I saw insect. She also stopped walking when she sees me. We were in the same aisle. I raised a brow at her when she looks at me with her usual terrified look while she was facing me.


This is one of the reasons why I can't stand her. I hate pathetic people, and she's always being so pathetic. It annoys me how she lets other people bully her. I hate that instead of fighting for herself ay umiiyak nalang siya at tinatanggap ang mga binabato sakaniya. She was the kind of person that I can't really be with.



Napataas ako ng kilay ng makita na sa table namin ni Cara nakaupo si Kai. It only means that insect will be sitting with us. I won't accept that.


"Gate out. Find a different place to study." I whispered with my gritted teeth habang pinanlalakihan ko din siya ng mata.


"Wala ng ibang pwesto Madam. Hindi nalang kami mag sasalita para hindi mo kami mapansin" Kai said while scratching the tip of his nose with his finger.


"I doubt na kaya Mong manahimik" I sarcastically said. 


Ilang beses ko pa Siyang pinilit na umalis. I even pushed him away pero 'di man lang siya natinag. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa sinaway na ako ng librarian kaya napilitan akong umupo nalang sa tabi ni Cara. He even had the audacity to laugh at me. Sinabunutan ko siya dahil sa ginawa niyang pag tawa. He never fails to annoy me.


Mabilis kong tinype sa cell phone ko ang tatlo pang kulang na terms para sa Biology namin. Binasa ko muna ito bago sinend kay Cara para masulat na niya sa bond paper.


Pag ka send ko kay Cara ay agad kong nakita si insect na nakatayo sa harapan ko.Tinitigan ko siya ng masama. Nakita ko ang pag dadalawang isip niya sa pag upo sa tabi ni Kol. Hindi ko inalis sakaniya ang tingin kaya nakita 'yon ni Kai. His brows shot up. I did not like the way he was looking at me.


"What" Nang hahamon kong sabi. Umiling lang siya bago binaling ang paningin kay insect.


"Wag mong pansinin yan. Gutom lang yan" Narinig ko pang bulong niya kay Cara. I kicked him under the table kaya malakas siyang napadaing.





Skyscraper's pride (Laurentius Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon