ELEVEN

19 1 0
                                    




Hindi na ako nag salita buong byahe. Tahimik lang ako na nakatingin sa bintana. Nararamdaman ko na tinitignan tignan ako ni Cara pero hindi na rin siya nag abala pang mag salita. I don't know what they think they knew but Kol and I were just friends. Hindi ko alam kung bakit parang kailangan pa nilang itago saakin na si Insect ang kasama niya. What happened on the Coalest is just a normal thing friends do. I think. I am just his friend and Insect is his girlfriend. I should stop assuming that there is something more. Maayos na ang relasyon naming dalawa at ayoko ng masira ito.


Kumaway lang saakin si Cara pag baba niya ng kotse. Tinanguan ko lang siya at sinara na ang bintana. Nakita ko na parang gusto niya pa akong kausapin pero hindi ko na siya hinayaan.


"Manong tara na"


Pag dating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto. Humiga ako sa kama at tumitig lang sa kisame. We are friends, right? tingin niya ba ay aawayin ko ang minamahal niya kaya hindi niya ako nagawang imbitahan?


Kinuha ko ang MacBook ko sa may table at naisipan mag tingin ng social media. Binuksan ko ang instagram ko at halos tungkol sa naganap na engagement party ang nakikita ko. Nakita ko ang post ni Kai tungol sa party.I click on his profile to see more photos about the party pero puro siya lang ang pinost niya. Tinignan ko ang story niya at sila 'yon ni Cara. Meron ding video at inikot niya ito sa table kung saan ay mag kakasama sila nila Cara, Liv, Nate at Kol. Wala akong nakitang insect kaya nag taka ako. Naka tag si Kol sa video niya kaya ito naman ang clinick ko pero naka private ang account niya. I sighed heavily and decided to just give it up.


Isasara ko na sana ang laptop ng may mahagip ang mata ko na pictures at nakatag duon ang tingin ko ay account ni insect. Agad ko itong pinindot. Naka public ang account niya. Agad na bumungad saakin ang mga pictures niya sa engagement party. Meron duon na siya lang mag isa at meron din na si Kol lang. Malake ang ngiti ni Kol at makikita mong masaya talaga siya. Wala na akong pake kung makikita niya na iniistalk ko siya at hindi na nag dalawang isip na tignan ang story niya.

Picture nilang dalawa agad ni Kol ang nakita ko. Nilipat ko ito at ang sunod naman ay video kung saan ay pinag tatawanan niya si Kol habang pinupunasan ang sarili. Parang nabasa siya ng tubig. Ang sumunod naman na video ay ang tawa nilang dalawa habang nakasakay sa yacht.


Inulit ulit ko ito at hindi namalayang kanina pa pala tumutulo ang mga luha ko.


"Fuck I hate this"


Tumayo ako at kinuha ang tissue sa table sa may baba ng Tv at inis na pinunasan ang mga luha. Pero kahit anong punas ang gawin ko ay hindi sila tumitigil sa pag tulo. I accepted it already. Na hanggang mag kaibigan na lang kami pero ang sakit parin. Kahit ilang beses kong ulit-ulitin sa utak ko na si insect ang gusto niya at hindi ako. Tanggap ko naman na-na hanggang dito nalang talaga siguro kami, pero ayaw makisama ng puso ko at patuloy na humihiling na baka pwede pa.


Ibinato ko na ang box ng tissue sa  couch at hinayaan nalang na tumulo ang luha dahil nasasayang lang 'to kakapunas ko. Hindi ko na namalayan na nakatulugan ko na pala ang pag iyak.


Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng phone ko. Inabot ko ito at nakitang tumatawag si kuya sa messenger ko. Tinignan ko at oras at nagulat ng makitang alas sais na pala. Kinusot ko ang mga mata bago sinagot ang tawag.


"Why?" Bungad ko. Bahagya pa akong nagulat dahil paos ang boses ko. Umiyak nga pala ako kanina.


"What the"


Nag taka ako ng bigla niya 'tong nilipat sa video call. Binuksan ko din ang camera ko at nagulat ng makitang maga ang mga mata ko. Shit! mabilis akong napaupo sa kama at mukang natauhan.


Skyscraper's pride (Laurentius Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon