SIX

28 2 0
                                    




Tahimik lang akong nag mamasid sa bintana dito sa back seat habang nag uusap naman si Renaldo at Kol tungkol sa alis nilang mag kakaibigan. Mukang balak nilang mag swmming. Saan naman kaya? Isasama kaya nila si insect? Kol might be interested to her but she's not entirely part of their squad kaya ang kapal naman ng muka niya kung sasama siya sakanila tsaka hindi ba ay kailangan niyang mag trabaho para may makain? I mean she's poor so I assume na wala siyang oras para sa mga ganuong bagay..... Bakit ko ba iniisip pa ang pag alis nila? Ano naman ngayon kung kasama siya, as if I care! Well..... Maybe I do? Fuck this.


"Madam, Nandito na po tayo." Sabi ni Renaldo habang sinusubukang tanawin ang bahay namin. Medyo mahaba pa kasi ang lalakarin mula sa gate hanggang sa mismong Manor. kahit tanaw naman ito mula sa gate ay mahirap ng Makita ngayon dahil siguro madilim na at hindi sapat ang ilaw para Makita ang mismong exterior nito.


"Celeste" Napatigil ako sa pag pasok sa gate ng marinig ang malalim na boses ni kol. Tinignan ko siya at hindi nag salita. Hindi ko nga pala nakukuha ang bag ko. Shit! Nakakahiya! Masiyado akong nasanay na si manong Rupert na ang nag dadala ng gamit ko kaya Nawala sa isip ko na may dala akong bag!


Dali dali kong kinuha ang bag at nag lakad na ulit palayo sakanila ng hindi nag papaalam. I hate bidding goodbye and I can't see the needs of it.


Nandito ako sa kwarto ni kuya at pinapanuod siyang mag impake. Mas napaaga ang pag punta niya sa manila. Ang alam ko ay sa sabado lilipad na siya pa manila. Hindi ko alam kung bakit parang sobrang minamadali niya ang pag punta niya ng manila eh ang alam ko ay sa August pa ang simula ng klase niya. Narinig ko kagabi galing sa isa sa mga kaibigan niya na nadatnan ko dito sa bahay na may hahanaoin siyang babae ruon. Wala naman siyang nakukwento sakin at hindi na rin naman ako nag abala pang mag tanong.



"Kuya can't I come with you?" I said while looking at him sadly. Tinignan niya ako at lumapit saakin.

"You have school. You can't skip you know that" Umupo siya sa gilid ng kama at ginulo ang buhok ko. Iniwas ko ang ulo ko at inis na tumingin sakaniya.

"I know! Pwede namang mag pasundo ako ng Sunday. We have choppers you know" Nakangiti siyang umiling.

"Hindi ba ay pupunta ka ulit sa Isla sa sabado kasama si Calaruega? I bet you don't wanna miss that" he winked at me while wearing his annoying smirk. Ano nanaman bang sinasabi niya?!

"Ewan ko sayo! Bahala ka na nga diyan!" Inis kong sabi at padabog na umalis sa kwarto niya. Narinig ko pa ang tawa niya hanggang makapasok ako sa kwarto. What is wrong with him! Ah!! Mag aaral na nga lang ako. Bukas na nga pala ang reporting namin.


Mabilis lang na natapos ang report namin at tulad ng inaasahan ay kami ang highest at pangalawa nanaman ang grupo nila insect. I admit that they did good but we did great! Hindi ko kayang tanggapin na limang puntos lang ang lamang namin sakanila pero wala na akong magawa. Sa susunod ay sisiguraduhin kong hindi lalapit saakin ang makukuha niyang puntos. This is not enough, I still need to put more effort. I won't let her caught up to me.


Nag bigay lang ng maikling komento ang aming guro at sinabi kung ano pa ang kailangan naming iimprove when it comes to reporting at nag paalam na. Masaya namang tumayo si freak at humarap saakin.


"We're the highest! Oh my! It's been a while since I felt this satisfied with my score. T-thank you Blaise" Nakangiting sabi ni freak.


"No. This is still unacceptable. We barely made it to the top. I mean, limang puntos lang ang lamang nung insect na 'yon." Seryoso kong sabi. Naramdaman kong umiling lang si Renaldo sa tabi ko.

Skyscraper's pride (Laurentius Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon