EIGHT

23 1 0
                                    




Madami na kaming ginagawa at halos araw araw din kung mag pa quiz ang mga guro. Kakatapos lang namin ng quiz sa Pre-calculous at si insect ang nakakuha ng pinakamataas na marka!! Ah!! this is bad. This is the third quiz na nataasan niya ako. This is not right! I should be aiming for the first place. I can't keep being on the second!.... First! Ano nalang ang sasabihin ni dad saakin.


"Ayos lang yan Blaise. Bawi ka nalang next time" Nakangiting sabi ni freaky.

I know she's just trying to comfort me but I don't need that.


"No! this isn't okay. Hindi dapat ako bumabawi! i should always be first. Insect!!!"

Handa na sana akong sugurin si insect ng biglang bumukas ang pintuan.


"There you are! Blaise! Cara! sama kayo sa Saturday. Moalboal ulit. bye," What the fuck?? Again? hindi ba sila nag sasawang mag swimming?


Simula nuong nakaraang linggo ay hindi na kami nag usap pa ni Kol o kahit mag ka tinginan man lang katulad ng madalas na ng yayare saamin tuwing nag kakasalubong kami. Dalawang linggo na ang lumipas pero parang kahapon lang ngyare ang lahat. Minsan ay nakakasalubong ko sila Lia,Nate at Liv sa hallway at masaya naman nila akong kinakausap kahit medyo naiilang pa ako sakanila.


Mabilis ko ng kinuha ang bag ko ng marinig ang tawag ni manang para ipaalam na nasa labas na sila Renaldo. Mukang ako nalang pala ang kulang dahil Nakita ko na nasa loob na rin ng kotse si freak. Napataas ang kilay ko ng Makita na si Renaldo ang nasa tabi ng driver seat at sa tabi nalang ni Kol ang bakanteng upuan. This is not happening. There's no way I'm gonna seat beside him.


"Hey freak, Dito ka, jaan nalang ako" Tatayo na sana si freaky pero Nakita ko ang pag pigil sakaniya ni Lia.


"We're talking about Fashion. You know, her mom. Kaya ikaw na muna jan"

As if that girl knows anything about fashion. Fashion disaster pwede pa. Plus, why does she always just casually ordering me around. Umirap nalang ako sa kawalan at napilitan ng tumabi kay Kol. Pero sinigurado ko na malayo ang distansiya naming dalawa.

"Lia if you're gonna talk about Fashion you should be talking to someone who looks like she's walking in Paris every single day. Right madam" May halong pang aasar sa boses ni Renaldo na ikinainis ko. Nag tawanan naman silang lahat maliban sa katabi ko.


"Renaldo inaasar mo ba ko" I said with a threatening voice. He just raised his hand as if he was surrendering.


Mabilis kaming nakarating sa resort at gaya ng dati ay may swimming pool parin ang binook nila at dalawa pa rin ang kwarto pero sa tingin ko ay mas maliit ito kumpara nuon.

Inayos ko ang gamit ko sa kama at nag palit na agad ng swimsuit ganon din ang ginawa nila. Nag lalagay na ako ng sunscreen ng may mapansin sa gilid ng tyan ni Olivia.


"May tattoo ka pala. Looks good" I said still staring at her tattoo. Tinignan niya 'to bago humarap saakin


"Hmm. Pinalagay ko when I went to Switzerland." She said with her usual poker face.

Madalas ko na siyang nakikita sa school at nakakausap pero ngayon ko lang napansin kung gaano siya kaganda. I know she's pretty, like really pretty but now that I'm staring at her I can't help but be mesmerized by her looks. She has a slim face complimented with a high cheek bone, almond eyes, and thin lip. Everything about her screams of sexiness and sophistication. Though, kung hindi mo siya kilala personally ay mapagkakamalan mo siyang mataray.


Skyscraper's pride (Laurentius Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon