Ten

27 3 0
                                    




Pinatay ko na ang blower ng maramdaman kong tuyo na ang buhok ko. Walang emosyon kong tinitigan ang sarili sa salamin habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Kakatapos ko lang maligo. Lumabas na ako ng bathroom at kinuha ang hinanda kong puting long sleeve dress na hanggang baba ng tuhod ko ang haba.

Umupo ako ng saglit sa gilid ng kama bago hinayaang bumagsak ang sarili at humiga. I let out a deep breath and stare at the ceiling.

Nasa iisang bahay kami ni Kol. Wala naman sigurong malisya 'to at isa pa wala kaming choice dahil malakas ang ulan at delikado kung pipilitin pa naming umuwi. Maaga pa ang klase ko bukas at wala akong dalang gamit kaya sigurado akong chopper na ang mag susundo saakin. Ano kayang oras ang klase niya? Pwede naman siyang sumabay saakin kung sakali.

Natigil ang pag iisip ko ng tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko 'to at nakitang tumatawag saakin si kuya. Tumayo ako at lumabas ng kwarto para pumunta sa may balcony. Binuksan ko lang ang sliding door at sumandal duon. Hindi ako tuluyang lumabas ng balcony dahil mahamog ang ulan.


"Where are you?" Bungad ni Royce pag kasagot ko ng tawag.


"At the resort. Hindi ako makauwi dahil sa ulan" simple kong sabi habang nilalaro ang kurtina.


"Who are you with?" Napairap ako dahil sa tanong niya.

I'm sure he knows that I'm with Kol kaya hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang itanong 'yon.


"Gael and Khalil Calaruega." I said.


Napatingin ako sa pababang staff ng resort. Mukang naayos na ang tutulugan nila khalil. I signaled him to get me a wine. Tumango ito at dumiretso na ng Kusina.


"Sila lang?" May halong pang aasar sa boses ni kuya.


"Kol. I'm with Kol kuya. Happy ka na?" Inis ko ng sabi. He just chuckled.


Sinarado ko na ang sliding door ng balcony pero hinayaan ko lang na nakabukas ang kurtina. Nilagay na ng tauhan ang wine na pinakuha ko sa table. Tinuto niya ang chimney para itanong kung gusto ko ba itong pasindihan. Tumango lang ako bilang sagot. Sa sahig ako umupo at hindi sa upua. Malambot at malinis ang carpet dito kaya komportableng umupo.


Saglit pa kaming nag usap bago siya nag paalam at may gagawin pa raw. Umalis na din ang mga natitirang tauhan dito sa manor at babalik nalang daw bukas. Mukang wala naman ng kailangan sila khalil at kung sakaling meron man, ako nalang siguro ang bahala. Tinititigan ko lang ang apoy sa chimney habang umiinom sa wine glass.


Napatingin ako sa hagdan ng makarinig ng mga yapak. Inilihis ko rin agad ang tingin ng makitang si Kol 'yon. Ininom ko ang natitirang wine sa aking baso. Nag salin ulit ako ng wine at dahan dahan kong inikot ang baso sa kamau ko.

Napatingin ulit ako sa hagdan dahil hindi ko na nararamdaman ang presensiya ni Kol. Kumunot ang nuo ko ng hindi ko siya makita. Namamalik mata lang ba ako kanina? No, I swear I really saw him.

Tatayo na sana ako para hanapin siya pero napatigil ako ng makita siyang nag lalakad galing sa kusina at may hawak ng wine glass. Itinaas niya ang wine glass na parang pinapakita ito saakin.


"I hope it's okay," He said referring to the wine glass.


Hindi ako nakapag salita at sinundan lang siya ng tingin hanggan sa makaupo siya sa tabi ko. Napaayos ako ng upo at nag tataka siyang tinignan. Suot niya ang plain black shirt ni kuya. Mas malake ang katawan niya kaya hapit na hapit sa kaniya ito. I bit my tounge to stop myself from smiling. Damn muscles. 


Skyscraper's pride (Laurentius Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon