"Good morning"Nakangiti kong bati sa mga taong ngumingiti saakin habang nag lalakad. Maaga pa kaya hindi pa ganon kadami ang tao na nag lalakad sa hallway. Hindi nawala ang ngiti sa labi ko habang papunta sa classroom.
Pag pasok ko ng classroom ay wala pa ang dalawa kong katabi. Bilang lang din sa kamay ang makikitang istudyanteng nakaupo. Grupo grupo silang nag ku-kwentuhan, habang ang iba naman ay nakayuko at mukang natutulog sa kanilan upuan. Binati ko din sila, mahahalata mo ang pag tataka sa kanilang mga muka pero hindi na sila nag salita at binati nalang din ako.
I took a selfie and add some good morning Gif on the side and posted it on my Instagram story. Ilang segundo palang ay may mga nag react na dito, ang iba ay nag dm pa para bumati ng Good morning. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti ng makita ko na nag reply si Kol sa Story ko.
KolCalaruega_
Good Morning Ms. :))
Can I have your number?
I bit my lips to stop my self from smiling wider to Kol's message. Nakita ko na typing pa rin siya kaya hindi muna ako nag reply. Nag taka ako ng wala pa rin akong na rereceive na message, wala na rin ang typing. Baka nag kamali lang ako.
ItsmeLaurentius
Its 09xxxxxxxxx. Send me a load. Thanks.
I can't help but giggle while sending it to him. Of course, I was just kidding. I have an unlimited load and he knows that.
Napatingin ako sa pinto ng makarinig ako ng hikbi. My brow furrowed when I saw insect crying. Her hair was a mess, and her things were covered in dirt. Napatingin siya sa gawi ko, tinaasan ko siya ng kilay ng makita ang takot sa mga mata niya. Kasunod niyang pumasok ang mga babaeng lagi niyang kasama. Padabog kong nilapag ang phone ko ng samaan nila ako ng tingin.
What the heck. How dare they glared at me? Gustong gusto ko na silang sugurin pro kinalma ko nalang ang sarili ko. I was in a good mood and I don't want some lowlife creature to ruin that.
"Kalma self. Mas maganda ka sakanila. Wag mo silang papansinin. Behave" I whispered to my self while my eyes were close. I took a breath in and then out. I repeat that a couple of times until I felt that I am calm again.
Sabay na pumasok si Kai at Cara. Agad naman akong tinanong ng kung anu-ano pa tungkol kay Kol. Napansin daw niya ang biglang pagiging malapit namin sa isat-isa habang si Kai naman ay yumuko lang sa arm chair niya at natulog. Kung tutulsin ay kagabi pa ako kinukulit ni Cara na mag kwento pero hindi pa ako sigurodo sa sasabihin ko kaya hindi ko nalang muna siya sinagot. Si Elise lang muna ang pinag sabihan ko ng ngayre dahil sanay ako na sinasabi ko sakaniya ang lahat.
Mabilis lang ang klase at puro project lang ang pinagawa. Ang iba ay nextweek namin ipepresent at ang iba naman ay long quiz. Breaktime na kaya napag pasiyahan na namin na bumaba ni Cara. Inaya kami ni Kai na sa table na nila kumain. Hindi na ako nag reklamo, sabay kaming tatlo na bumaba at pumunta sa canteen.
Mabilis kong natanaw si Nate at Lia sa table. Kumunot ang nuo ko ng hindi nakita si Kol. Ang alam ko ay breaktime na din nila, asan na kaya siya? should I send him a message and ask him? Hindi kaya ay mag mukha akong clingy pag ginawa ko 'yon?
"Inutusan ng prof si Kol, pero I'm sure pababa na rin 'yon" Nate said. I just look away.
"Hindi ko naman tinatanong" I mumbled. Lia laughs while holding her stomach while Nate just smirks.
BINABASA MO ANG
Skyscraper's pride (Laurentius Series # 1)
RomancePeople always adore heroes but never villains. They always chose to love the story of the good guys but never for once thought of hearing the so-called bad one's side. I am Blaise Celeste Anotoinette Laurentius. Well, you can say that I live in a ca...