THREE

42 3 0
                                    



Tapos na kaming kumain. Dapat talaga ay sa bahay na namin kakainin ang inorder naming Croissant, pesto pasta at coffee pero sabi niya ay dito nalang daw dahil wala namang masiyadong tao pa. Tahimik akong nakatingin sa bintana ng matanaw ko ang pamilyar na muka. Impossible na siya yon dahil base sa direksyon na pinanggalingan niya ay wala ng ibang lugar na maari niyang puntahan duon kung hindi Market lang. I am sure they have enough money to hire a nanny kaya inalis ko nalang agad iyon sa isipan ko.


Pag ka apply ko ng last product para sa skincare ko ay tahimik akong bumaba para kunin ang pina microwave kong popcorn kanina. It's already 10 in the evening pero wala pa rin si kuya. Umalis siya kaninang hapon kasama ang mga kaibigan niya. Sa tingin ko ay nag bar gusto ko nga sanang sumama para naman ma experience ko kaso sabi niya pag nag 18 nalang daw ako which is in September pa. Nadatnan ko sa sala ang isa sa mga katulong namin kaya nag pa timpla na din ako ng hot chocolate. When I'm already satisfied with my food ay umakyat na ako at bumalik sa kwarto. Pag ka higa ko sa kama ay kinuha ko agad ang remote ng kurtina ng bintana at isinara. Pinatay ko din lahat ng ilaw maliban sa wall lamp na nasa taas ng TV at tinuloy ko na ang tinatapos kong palabas sa Netflix.




Eight na ng umaga at kakatapos ko lang maligo dahil galing ako sa pag woworkout. Nandito pa rin ako sa banyo at nag aayos. Pinatay ko na ang hairdryer ng tuluyan ng matuyo ang buhok ko. Nag lagay muna ako ng moisturizer at sunblock bago ako nag lagay ng kaonting blush on at lip tint. Tumitig muna ako saglit sa salamin bago ko naisipan na lumabas na ng banyo. Binuksan ko ang closet at nag hanap ng masusuot.

I don't really have a walk-in closet dahil hindi pumayag si mommy. It's too much daw for a seventeen years old girl. Although my dad wouldn't really mind. I don't want to disobey my mom kaya naisip ko na pag nag debut nalang siguro ako. I feel lazy to dress up kaya I decided to just wear a black above the knee dress and my brown velvet Fendi slides. When I am already contented with my looks I went into my kuya's room and wake him up.




Nandito ulit kami ni kuya sa coffee shop. Ayaw pa sana niyang mag pa gising kanina dahil anong oras na daw siya nakauwe pero hindi ko siya tinigilan. Padabog pa nga siyang pumasok sa banyo kaya tawa lang ako ng tawa kanina. Nakaupo ako malapit sa bintana at hinihintay siyang makabalik. Siya kase ang pinag order ko para saaming dalawa. Habang tahimik akong nag mamasid sa labas ay naestatwa ako ng isang pamilyar na lalake ang nakita kong papasok dito sa coffee shop. Anong ginagawa niya dito? Malayo dito ang Villa nila at kung si Kol talaga ang nakikita ko ngayon ay hindi imposibleng siya nga talaga ang nakita ko rin kahapon.



Tumama ang paningn siya saakin pag pasok dito sa loob. Agad naman akong nag iwas ng tingin at binaling ang pansin sa bintana. Naramdaman ko ang pag tigil niya at ang pag titig saakin. Wait. Bakit ako kakabahan sakaniya? Matapang ko siyang hinarap ulit at nakipag laban ng tingin. Sigurado akong parang tanga na kami ditong nag tititigan pero hindi ako mag papatalo. Napangiti ako ng siya ang unang pumutol sa titigan namin at nag lakad na papunta sa counter.

Wait... Shit. Si kuya.

"Hey. You okay?" gulat akong napatingin kay kuya ng nasa harapan ko na siya. San galing 'to? Hinahap ko pa man din siya sa counter tapos nandito naman na pala siya.


"Yeah. I was just looking for you, ang tagal mo kase" Sinimangutan lang niya ako at nilapag na sa harapan ko ang kape.



Buti naman at mukang hindi niya napansin si Kol. Nakita ko na bumili lang siya ng kape at hindi ko sigurado kung anong pagkain tapos umalis na din agad. Tinitigan ko pa siya hanggang makalabas siya ng pintuan. Mukang napansin ni kuya na may sinusundan ako ng tingin kaya tinignan niya rin ito pero buti nalang ay nakalabas na si kol at hindi mo na matatanaw. Umirap ako kay kuya ng makita ko na  na weweirdohan siya saakin. Hindi kami masiyadong nag tagal dahil parehas lang kaming kape ang inorder.


Skyscraper's pride (Laurentius Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon