"Class dismissed. Have a good day everyone"Nag unat si Renaldo sa tabi ko at kinusot ang mata. Ang lakas ng loob niyang tumabi dito sakin sa harap eh puro tulog lang naman ginagawa niya. Break time na namin, late akong nagising kanina kaya hindi na ako nakapag almusal sa bahay. Tinignan ko si freaky at mabilis niyang inayos ang mga gamit niya. Siya ang lagi kong kasama tuwing break time at siya din ang umoorder ng pag kain para saaming dalawa.
"A-ah Blaise ano kase, may kukunin lang sana ako saglit sa library" Nauutal utal niyang sabi habang inaayos ang salamin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Pag hihintayin mo ko?" Mataray kong sabi agad naman siyang umiling.
"Ah sige mamaya nalang pala" Good.
Kinuha ko ang wallet ko sa bag at tumayo na. Inayos ko lang saglit ang uniform ko dahil umangat ng konti ang palda ko dahil siguro sa pag kakaupo. Tuesday ngayon at ang pag kakaalam ko ay pareho ang oras ng breaktime namin kay Kol. Sa canteen kaya ulit siya kakain? Pwede kasing lumabas ang mga college ka pag break time nila samantalang kaming mga highschool ay sa canteen lang pwedeng kumain. Unfair. Pag labas ko ng classroom ay kusang tumaas ang isang kilay ko dahil nakita kong tumatawang naakbay si Renaldo sa namumulang si insect. Parang alalay namang nakasunod ang kaibigan ni insect sakanila habang halos mapunit ang muka sa kakangiti.
"See? Pumayag na mga kaibigan mo kaya tara na, sa table ka namin kumain" narinig kong sabi ni Renaldo kay insect. kailan pa sila naging ganiyan ka close? Sa table nila? Kay Kol? Nararamdaman ko ang onti onting pag usbong ng galit sa puso ko.
"Bilisan mo nga mag lakad!"
I didn't meant to shout but it seems like I said it loud enough for everyone in this hall to hear. Nakita ko din ang sandaling pag tigil nila Renaldo. Nasa unahan namin sila. Binilisan kong mag lakad at binangga si insect. Ha! Pasalamat siya at nakaakbay sakaniya si Renaldo dahil sigurado ako na kung hindi ay malamang nakahilata nanaman siya sa sahig.
Nakapila na si freaky habang kanina ko pa sinasabunutan si insect sa utak ko. Nasa harapan ko sila nakaupo kaya tanaw na tanaw ko ang mga nakakairita nilang tuksuhan at tawanan. Ang iingay nila! Kakasama nila kay insect ay nahahawa sila sa pagiging palingkera niya! nakakadiri. Asan na ba si freaky?! Ang lapit lapit lang ng bilihan ng pag kain napaka tagal niya pa. kahit kailan talaga ang kupad kupad niyang kumilos! Wala akong magawa dahil sa hindi malamang dahilan ay walang sumusubok na tumabi o kumausap saakin. Kinuha ko ang wallet ko at tinignan ang laman, ng wala akong makalikot ay sinara ko din agad at padabog na nilagay sa table. Kinuha ko naman sunod ang cellphone ko at galit na binuksan ito. Ang tagal ng pag kain!!
"Kailan mo ba sasagutin tong kaibigan namin, Angel?" narinig kong sabi ng isang babae mula sa table nila Kol.
"Hindi naman siya ng liligaw" Ha! Ang kapal talaga ng muka niya! Hindi ng liligaw?! Stupid. His a Calaruega but you made him go to that filthy market and you'll say hindi ng liligaw? Stupid ka! Stupid! I really can't understand guys! I mean I'm incomparable to her and yet he still chose to like that girl?!
"Booo kol! Ang hina mo" sabi ng isa pang babae na katabi ni kol. Nakita ko ring kinuha niya ang kamay ni kol at sapilitang inakbay sa namumulang si insect.... Ang ingay nila! I can't take this anymore! Malakas kong nilapag ang cellphone sa table at padabog na tumayo ngunit bago ko pa magawang sumugod ay inilapag na ni freaky ang pag kain habang nakatayo sa harapan ko dahilan upang hindi ko na makita sila Kol. How dare her!
"What do you think you're doing!?" alam kong binubuhos ko sakaniya ang galit na nararamdaman ko pero hindi nalang siya nag salita at nakangiting umupo sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Skyscraper's pride (Laurentius Series # 1)
RomancePeople always adore heroes but never villains. They always chose to love the story of the good guys but never for once thought of hearing the so-called bad one's side. I am Blaise Celeste Anotoinette Laurentius. Well, you can say that I live in a ca...