CHAPTER TWO
TWO months nang walang girlfriend si Drew. Naninibago siya dahil wala man lang tumatawag or nagtetext sa kanya. Mag-isa siyang nanonood ng sine dahil sino naman ang isasama niya? Hindi na lang din siya kumakain sa labas- nagpapa-deliver nalang siya or di kaya ay nagda-drive thru.
Nabo-bored na siya na wala man lang siyang maka-date. Minsan na nga lang siya nagkakaroon ng oras para mag-relax, wala naman siyang makasama.
“Makipag-chat ka nalang. Malay mo may makilala ka,” suhestiyon ni Jiggs, isa sa mga kasama niyang PSG.
May tirahan talaga sila sa loob ng Malacanang Park. Para iyung dorm, may sala, may munting kitchen, may ilang CR at mga kuwarto na matutulugan. Lahat silang mga single pa ay sama-sama. May iba naman kasing ‘quarters’ para sa may mga asawa na. Si Jiggs ang roommate niya sa bachelors’ quarters. Katulad niya ay opisyal din ito, pero nasa Army. Siya kasi ay sa Philippine Air Force. Helicopter ang pinapalipad niya pero bihira siyang makapagpalipad dahil mas may mga senior pilots sa kanya sa PSG. Enjoy naman siya sa Malacanang pero lagi niyang naiisip na magrequest na ng reassignment- para makabalik na siya sa air base.
“Sino naman ang makikilala ko sa chat? Baka mamaya, psycho pala yun. O di kaya nagpapanggap na babae.”
Nasabi niya kasi kay Jiggs na malungkot talaga kapag walang lovelife. Eto’t weekend pero nasa quarters lang siya. Gusto man niyang lumabas, wala naman siyang date! Ang ironic ng life niya. Kaya eto, nag-effort mag-suggest si Jiggs kung ano pa ang puwede niyang gawin. Palibhasa engaged na ang lalake sa jowa nitong nurse. Nasa Qatar at pauwi na in six months para magpakasal sila.
“Marami kayang nagkakatuluyan na sa chat lang nag-umpisa. Bolahan sa email, tapos nagka-inlaban. Kita mo nga yung sa pelikula ni Tom Hanks at Meg Ryan!”
“Napanood ko na yan. ‘You’ve Got Mail’ yan!”
“Tumpak!” Kumuha ng pocketbook si Jiggs at humiga sa kama.
“Wala ka bang duty ngayon?”
“Naka-standby ako. Kaya magbabasa muna ako nito.” Tiningnan ni Drew ang binabasa ni Jiggs.
“E di ba love story yan?”
“Love story na may action. Spy kasi yung babae, yung lalake naman, may-ari ng bakeshop pero ang stepfather niya, member pala ng sindikato!”
“Ayos ah. Ako sunod ha.”
“Sige. Pag natapos ko ilalagay ko na lang sa table mo.”
Lumabas muna si Drew at nagpahangin. Alas-siyete palang ng gabi pero tahimik na sa loob ng Malacanang Park. Mula sa kinatatayuan niya ay nakikita niya ang mailaw na palasyo ng Malacanang Palace. Sa gitna nila ay ang Ilog Pasig kung saan dumadaan ang mga barge.
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: DREW
ChickLitThe Cavaliers Book 2 Iniwan na naman si Drew ng jowa. Laging ganun ang eksena. Siya ay laging inaayawan dahil mahirap daw karibal ang bayan. Pero anong magagawa niya? Mas importante ang sinumpaan niya. Magkaka-lovelife pa ba siya? *** follow me on...