CHAPTER SIX

10.9K 295 2
                                    

CHAPTER 6

“BAKIT ka ba kasi naniniwala sa sumpa?” Nakatayo sa harap niya si Mavi, may hawak itong mixing bowl dahil gumagawa ang babae ng leche flan.

Linggo at pareho silang walang pasok. Nakaupo si Stella sa sofa sa sala na halos karugtong lang ng kusina nila sa apartment. Sinabi na niya sa housemate ang napag-usapan nila ni Drew nang nagdaang gabi.

“Alangan namang hindi? Nakita mo na nga ang nangyari sa nanay ko, di ba? Dakilang biyuda. Yung kapatid niya, ganun din. Yung lola ko, biyuda din. Parang may club sa pamilya namin at ayokong maging member!”

“Baka nagkataon lang naman kasi lahat. Masyado lang kayong mapagpaniwala.” Naglagay ito ng asukal sa liyanera saka itinapat sa apoy.

“E bakit kayo? Hindi nga kayo kumakain ng manok kapag new year di ba?”

“Gaga, iba naman yun!” Ibinuhos na nito ang laman ng mixing bowl sa liyanera saka inilagay sa steamer. “Matagal nang SOP yung di pagkain ng manok at itlog pag new year.”

“Pareho din yun! Walang mawawala kung susundin ang paniniwala.”

“Merong mawawala!” Muli siyang hinarap ni Mavi. “Mawawalan ka ng lovelife at kaligayahan. Aba day, ang guwapo yata ni Drew! Saka opisyal pa ng air force. Araw-araw ka bang nakakatagpo ng piloto sa buhay mo?”

“E baka kung ano ang mangyari sa kanya. Baka bigla siyang mamatay. O di kaya ay mapikot. Natatakot na ako e.”

“Hindi ka puwedeng mabuhay sa takot. Tatanda ka nga talagang dalaga niyan!”

“Mas mabuti pa yatang tumanda na lang akong dalaga kesa mabiyuda. Baka di ko makaya e.”

“Luka-luka! Wag ka ngang nega diyan! Kung anu-ano kasi ang iniisip mo,” saway sa kanya ni Mavi. “Stella, lahat naman sa mundong ito ay sugal. Kung iniisip mo na agad na talo ka bago ka pa man sumugal, e talo ka nga. Pero paano pala kung manalo ka? Sayang din ha. Yummy ni Papa Drew!”

Natawa rin ang dalaga sa tinuran ni Mavi. Pero natatakot pa rin siya.

Bahala na si Batman!

THREE days na ang nakakaraan simula nang sabihin sa kanya ni Stella ang tungkol sa sumpa, pati na rin ang gusto nitong maging magkaibigan na lang sila. Hindi pa rin nakaka-recover ang binata. Pero imbes na magmukmok ay sumama siya kay Spike para dalawin ang mistah nilang si Brey na nasa V Luna Hospital. Naabutan nila ang lalake na nanonood ng DVD sa kuwarto nito.

“Mukhang busy ka bok ah!” wika ni Spike. Nakatayo silang dalawa sa may pinto at halatang nagulat si Brey nang makita sila. Pero agad itong ngumisi.

“Bok!” nitong inilahad ang kamay. Tinanggap naman nila iyun. “Buti nadalaw kayo.”

The Cavaliers: DREWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon