CHAPTER THREE

13.6K 306 4
                                    

CHAPTER THREE

“KANINA pa nakatingin sayo yung lalake,” bulong ni Carol kay Stella. “Type ka yata.”

“Hindi ko siya type,” sagot ng dalaga kahit hindi pa niya natitingnan ang lalake.

“Tomboy ka yata talaga e,” sabad ni Trixie, saka tumawa. “Lahat na lang ng lalake hindi makaporma sayo.”

“Hay naku, basta. Para sa ikabubuti din nila ito.” Inayos ni Stella ang mini-skirt niya. “Dahil ako ay isang government warning- I am dangerous to their health.”

“Magiging bato sila kapag tinitigan mo?” biro ni Carol. “Medusa, ikaw ba yan?”

“Wala ka namang jowa di ba? Bakit di ka man lang lumandi, para mas marami kang raket! Tingnan mo kami ni Joyce, di nauubusan ng project sa modeling,” sabad ni Tetay.

“E kasi nga malalandi na talaga kayo at madaling sumama sa mga lalake.”

“Grabe ka naman magsalita, Stella. Para naman kaming kaladkarin niyan,” sagot ni Carol. “Virgin pa ako no!”

Napatingin silang lahat sa babae. Napangisi ito. “Di na kayo mabiro!” Muling nagkatawanan ang mga babae.

“Excuse me.” Hindi nila namalayan na may nakalapit na pala sa kanilang isang lalake. “Kilala ka daw ng kasama ko, Miss.”

Lumang style, sa loob-loob ni Stella. Ang akala niya ay sina Tetay ang kinakausap ng lalake, pero sa kanya nakatingin iyun.

“Sino ka?” Nameywang si Stella habang pinapasadahan ng tingin ang kaharap. Mukha namang matino. “Do I know you?”

“Kilala ka daw ng kasama ko.” Itinuro nito ang grupo ng mga lalake na umiinom sa di kalayuan. Lahat ng mata ay nasa kanya.

“Wala akong kilala sa mga kasama mo, sorry.” Niyaya na ni Stella ang mga kasama na pumasok sa bar.

SANAY na si Stella sa mga lalakeng iba’t iba ang gimik para makipagkilala sa mga babae. Lalo na sa raket niyang pagpromote ng mga high-end na alak, lagi siyang may nae-encounter na mga ganung tipo. Kung minsan pa nga mas garapal, lalo na ang mga mayayabang na may pera, parang pati kaluluwa niya ay gustong bilhin. Kaya’t pinipili din niya ang mga tinatanggap na raket sa agency kung saan siya affiliated. Small time model siya, hindi naman kasi extra-ordinary ang height niya, hindi rin naman pang-Diyosa ang ganda niya, eksakto lang. Puwede naman siyang mag-artista kung tutuusin, pero alam niyang hindi siya pang-lead kundi pang-supporting roles lang. Pero ayaw naman niyang mag-showbiz dahil alam niyang magulo. Tama na sa kanya ang pa-raket raket twice a week, or pag madaming events, apat hanggang limang beses sa loob ng isang linggo siyang nasa labas.

Pero hindi naman iyun ang regular na trabaho ng bente singko anyos na dalaga. Pumapasok siya tuwing hapon sa isang Language Center sa Taipan Building sa Ortigas Center araw-araw. Mula ala-una hanggang alas-siyete siya ng gabi roon, nagtuturo ng English sa mga Koreano online. Para iyung call center at shifting ang trabaho. Kaya pagkatapos ng shift niya ay libre na siyang rumaket pa.

The Cavaliers: DREWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon