CHAPTER SEVENTEEN
ANO na naman ang problema ni Stella? Nagtataka si Drew dahil hindi sinasagot ng nobya ang mga tawag niya. Di kaya nagtampo?
Alam niyang hindi niya nasundo ang babae sa isang event nito sa Malate pero sinabi naman niyang may lakad siya. At nakokonsensya pa rin siya sa ginawang paglabas kasama ni Hailey pero nangyari na e. Hindi niya natanggihan ang dating nobya.
At least hindi ako natukso sa pang-aakit niya, sa loob-loob ni Drew. At proud siya sa bagay na yun. Ibig sabihin ay malakas ang kanyang self-control at talagang mahal niya si Stella.
Sagutin mo na ang telepono. Nasa Tarlac siya dahil sa isang biglaan lakad ng PSG. Maaga silang umalis sa palasyo kaya hindi siya nakapag-charge ng cellphone. Ang bad trip pa, puro Nokia at iPhone ang gamit ng mga kasama niya- siya lang ang naka-Blackberry kaya wala siyang mahiraman ng charger. Mabuti na lang at kaninang bandang alas-tres ay may nadaanan silang mall- bumili na lamang siya ng charger at nang makatiyempo ay isinaksak ang kanyang cellphone. Naisip kasi niyang baka nag-aalala na si Stella. Pero eto nga’t naka-limang tawag na siya, hindi naman siya sinasagot ng babae!
Nagpadala na lang siya ng text message- baka sakaling sumagot. Pero alas-sais na ng gabi, deadma pa rin siya ng babae. Hindi na siya mapakali. Feeling pa naman niya ay aabutin pa sila ng alas-otso sa Tarlac!
Hindi nga siya nagkamali. Alas-otso y medya na sila bumiyahe pabalik ng Maynila kaya halos hating-gabi na sila nakarating sa Malacanang. At kahit gabing-gabi na ay pumunta pa rin siya sa apartment ni Stella para makausap ito. May sampung minuto na siyang nagdo-doorbell sa gate at kinakalampag iyun nang sa wakas ay pagbuksan siya ng babae. Halatang galing sa pag-iyak si Stella dahil namumugto ang mga mata nito at namumula ang ilong.
“Anong kailangan mo?” Her voice was cold.
“Gusto kitang makausap.” Hindi sumagot si Stella, pero hindi pa rin siya nito pinapapasok sa loob ng bahay.
Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita.
“I want to marry you.”
INIISIP ni Stella kung nananaginip ba siya, binabangungot or nanonood ng isang palabas. Tama ba ang narinig niya? Sinabi ni Drew na gusto siya nitong pakasalan? At bilang ala-una ng madaling araw?
“Lasing ka ba?” bahagya siyang lumapit sa lalake para amuyin ito. Hindi naman amoy-alak.
Paatras na siya nang bigla siyang kabigin ni Drew at yakapin. “Stella, I want to marry you. Kahit bukas na bukas din. Please say yes.”
Itinulak niya ang lalake. “Bakit ka biglang nagyayaya ng kasal?” Naisip niya si Hailey. “Di ba magkasama kayo ni Hailey kagabi?”
Kitang kita niya na tila namutla si Drew nang banggitin niya ang pangalan ng babae.
“Nagkita kami kanina sa Crowne Plaza Hotel. Small world no? At sinabi niya sa akin na magkasama daw kayo kagabi!”
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: DREW
ChickLitThe Cavaliers Book 2 Iniwan na naman si Drew ng jowa. Laging ganun ang eksena. Siya ay laging inaayawan dahil mahirap daw karibal ang bayan. Pero anong magagawa niya? Mas importante ang sinumpaan niya. Magkaka-lovelife pa ba siya? *** follow me on...